Prologue & 1"Bulag ba sya?"

154 3 2
                                    

Disclaimer: The character's names and plots are all made from the authors imagination. Resemblance to names, settings, and incidents are purely coincidental.








prologue...

Nakabasa na ba kayo ng mga fairytale stories? Stories ng isang magandang prinsesa na hinahanap ang kanyang very handsome prince. At sa huli ay magkakatuluyan? Well lahat naman ata ng mga faiytales eh happily ever after ang ending. Pero sa storyang ito, will there be a happy ending sa isang damsel princess sa buhay ng kanyang prince charming? o kaya sa kanyang Knight in shining armor??

-----------------------*-*-*-*-*-


Xyrah's P.O.V.

"Your eyes, those two beautiful eyes, ay parang mga bituin sa langit na kailan man di ko pagsasawaang titigan." boses...

May nakita akong pigura ng lalaking naglalakad patungo sa direksyon ko pero di ko maaninag ang itsura niya. Bigla niya akong hinawakan sa pisngi gamit ang mga palad niya. May magandang guhit ng ngiti sa mga labi niya.

"Gumising ka na, baka malate ka.." sabi nang isang boses. Nagtaka naman ako. Pero bigla nalang naglaho ang nasa paligid ko at.....

"Gumising ka na!!! Malalate ka na naman!!! Tong batang to oh!! Xyrah bangon nah! Eian pabangunin mo na yan! "sigaw ni Mama galing sa baba.

"Ate! Kala ko di kana magigising eh!" Mukha ni Eian ang bumungad sa mata ko ng tuluyan ko nang idilat ang mga ito.

"Ano ba!! Bakit ka nakapasok dito?!" sabay tulak kay Eian.

"Hehe! Ang pangit mo ate kapag bagong gising! Hahahha!"

Aarrrggghhh Eian!

Tinignan ko ang watch ko habang tumatakbo. 7:30. Eh 7:30 klase ko eh. Takte naman oh! Binilisan ko yung takbo papunta sa campus. Kase naman ang bagal ng jeep na sinakyan ko kanina eh parang pagong. First day na first day late ako.

Xyrianha Mae Santos, naku! graduating high school student ka pa naman. Talagang lagot ka kay mama kapag nalaman niyang late ka na naman.

"Manong guard! Xyrah po."sabay bukas nang bag ko.

"Naku Zyrah iupdate mo tung ID mo baka di na papapasukin kung luma na ang ID." banta ni manong guard sakin.

"Hayan mo po guard bukas na bukas po bago na to! Nagmamadale po kase ako ngayon eh. Late na po ako." pakiusap ko kay manong guard first day pa naman eh. Lagot talaga sakin si Eian dahil sa pesteng prank niya sakin sa wallet ko.

Si Eian ang bunso namin na napakakulet, pareho kaming nagaaral dito. First year siya kaya sabay kaming nagenroll, kaya di ako nakapagupdate nang ID dahil tinago niya wallet ko nandun kase yung resibo na kailangan. Kaya paguwi ko mamaya gaganti ako, humanda siya!

Tinakbo ko na ang pathway papunta sa building namin, bakit kase nasa dulo ang building ng mga seniors? Hayy naku, naalala ko noon nung dito pa nagaaral ang kuya Eljan ko, di ko makita ang room niya yun pala nasa dulong building at 4th floor pa. Hindi na ako umakyat dahil baka mabinat daw ako, ibibigay ko lang naman baon niya, kakagaling ko lang kase sa sakit nun.

Narinig kong tumunog na ang warning bell ibig sabihin dapat wala nang students na makikita sa hallway. Pero may nakikita pa akong pagala gala kase siguro first day.

Napaisip tuloy ako sa mga naging karanasan ko dito this past few years.
May mangilan ngilan na nagbubully sa akin dahil sa pagiging loner ko nung una dahil di naman ako palakaibigan. Kaya nung nakilala ko si Ally nabawasan din ang mga nangbubully sa akin. Dahil sa di naman kami ganun sa yaman ay pumasok ako sa isang scholarship at nakasanayan ko nang magdala ng maraming folders dahil nagaasisst ako sa office.

My Damsel Princess (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon