Alex's POV
"Sir!!! Sir Alex!!! gumising na po kayo!! kanina pa po kayo tinatawag ng daddy nyo! Please naman sir....[katok sa pituan ( tok,tok)] ayoko ko hong mawalan ng traboho!!" -manang maid
Aish! manang naman eh! pinakukunsyensya nyo naman ako. Ayoko ko pang bumangon! Ayoko pang makita ang pagmumukha ni daddy. At higit sa lahat ayoko pumasok sa pesteng eskwelahang yan!! gusto kong bumalik sa dati kong school!!
Kaya nagtakip ako ng unan sa ulo. Ayokong pumasok!!!
" Sir!!!....( tok, tok, tok )" sigaw ni manang
Pero dahil hindi ko matiis si manang at ayoko namang ako pa ang dahilan ng pagkasesante nya. Okey! Payn!! bumangon na ako sa kama tapos pinagbuksan si manang. Nakita kong nakangiti naman si manang.....pinagloloko nya ba ako?
"Manang bat ang lapad ng ngiti nyo?! pinagloloko ninyo po ba ako?!"
"Eh kase sir pers time ninyo po akong pinagbuksan ng pinto eh."
Ah oo nga pala pang anim ko na tong maid. Simula kase nung namatay si mama wala nang maid na nagtatagal sakin at hindi ko sila basta bastang pinagbubuksan ng pinto kapag kumakatok sila gusto ko munang magsawa sila sa kakakatok at umalis ng tuluyan bago ako lumabas ng kwarto. Ang sama ko noh.
Pero btw ako nga pala si Alexander Zack Thomson. 16. Sabi ng mga kaibigan ko nagbago daw ako nung namatay si mama. Oo totoo yun. Pero hindi naman talaga ako ganito dati eh siguro masyado lang akong naapektohan sa pagkamatay ni mama, namatay kase sya sa car accident.
Ngayon ko lang pinagbuksan ang maid ng ganito dahil sawa na akong papalit palit ng maid tuwing buwan. Nung huli nga wala pang tatlong linggo lumayas na dahil lng sakin eh.
"Tsss...congrats kung ganon. Sabihin nyo kay daddy na hindi ako papasok sa school na yun. " sabay sara ng pinto.
" Ah sir!!" sigaw ni manang
"Bakit?!"
"Nanjan po daddy nyo!"
What?! Anu na naman bang kailangan nya? gusto ko pang matulog.
"What?! hah?!!" pagkakita ko sa kanya.
Nakakunot na naman ang noo nya. Eh ano ngayon?! What's new?! His been like that for months!
Agad syang pumasok sa kwarto ko! without even asking me kong pwede syang pumasok. Aish!
Humiga nalng ako sa kama with my hands at the back of my head. Nagsalita naman sya.
"We need to talk."tipid nyang sabi
"What do you call this? conversation?!" duhh! were already talking!
"Son, you need to cope up. "
"What do you mean cope up? Cope up by entering that school?!"
"Yes!"with a raised voice.
"Really?! You just want me to enter that school because of your business stuffs!"
Tumayo na ako. This is STUPID!
" Not just for business stuff young man. This is for your future! Now I want you to go to that school whether you like it or not!"
"But..." pagprotesta ko.
"No buts!!" sabay bukas ng pinto at tuluyan ng umalis.
Why is he doing this?!
Nastetress na talaga ako kang daddy.
Komportable naman ako sa school ko ah even though all boys school ito. And yeah all boys school, since grade school pa. Marami na akong kaibigan dun. Do I realy need to enter another school just to cope up. Mas mahihirapan pa nga akong makibagay kesa mag cope up eh.
"Sir nandito na po tayo!" sabi ni manong.
Yung driver namin and yes pumasok nga ako sa bago kong school. Pababa na nga ako ngayon sa kotse at bumungad kaagad sakin ang napakalaking pangalan ng school "SAMSSON ACADEMY" hindi naman sila masyadong proud noh?.
Medyo maaga din akong pumasok dito ngayon mga 7:00 pa nga eh. Dumiretso na agad ako sa faculty room dahil dun ko raw imemeet ang bago kong adviser. Pagkatapos ko imeet si maam eh naglakad lakad muna ako sa campus. Malaki naman pala tong school nato at magaganda ang mga facilities not bad.
Mga ilang minutes din akong naglibot libot dito at medyo dumadami na ang mga studyante at medjo pinagtitinginan na din ako. Siguro nagwagwapohan sila sakin. Naks! ang kapal din eh noh. Pagbigyan nyo na ako minsan ko lng namang sabihan ang sarili kong gwapo noh kase naman puro naman lalaki kaklase ko sa dati kong school noh.
Kailangan ko na sigurong makita ang classroom ko dahil mukhang matutunaw na ako sa mga titig nila. Mga isang minuto na akong naghahanap ng classroom dito ang laki naman kase ng building nato ang daming rooms. Ah tama! may binigay pala sakin si maam. Room 501. What! eh nasa kabilang building pa ako ah! Naman!! Makahanap nga ng directory!
Nasa building na ako ng classroom ko ang problema ko lng ngayon ay mahanap ang room ko sa 3rd floor. Okey ang layo ng room ko. Uso ba dito ang elevator? Haist!
Meanwhile...
Sa wakas nasa 3rd floor na den. Napaexercise ako dun ah! Matagal tagal na din kase akong hindi naggy gym eh hehe. Nasan ba directory dito? Bawat floors kase may directory. AYUN!
***boooggsshhh***
Ouch!
"Aarraayy!! Anu ba!! Tanga ka ba!! Kitang late na yung tao eh!! Tumingin-tingin ka sa dinadaanan mo hah!! KAINIS!" - girl
Hha???
Nakita ko nlng yung babaeng bumangga sakin na kumukuha ng libro nya sa sahig saka dalidaling umalis. Wow ang bilis naman nun ni hindi ko nga sya nasabihan ng sorry o natulungan man lang. Si flash ba sya?? Ang bilis kase. Ha anung sorry diba nga sya yung bumangga sakin, bat naman ako magsosorry.
Ah teka anu nga sinabi nung babae...Aha late na daw sya. Teka anung oras na ba?? (tingin sa watch) 7:30? Anung oras yung class namin? (tingin sa paper na binigay ni maam) 7:30!! Haist! late na pala ako!
Kaya pinuntahan ko agad ang nakita kong directory at dumiretso sa classroom ko.