~~Once upon a time, there was a princess named Snow White. Her name was given by her father, its because its define her physical appearance. Her skin-tone was very white and it looks like a snow. ~~
"And they lived happily ever after."
Yun din naman ang ending diba? Sabi ng mama at papa ko tunay raw yun. May bahid man to ng fiction, atleast may patunay na totoo ang happy ending.
Haaay. Nakailang beses ko na ata itong binasa. Since nasa Preparatory hood pa ata ako, ito nang book na to ang binabasa ko. Ano ba yan kahit naman ata anong gawin ko eh hindi ako puputi. Tanggap ko na ang binigay ni God na beauty para sakin. Maganda naman ako ah. Black beauty nga daw sabi nila. May mahabang straight na buhok. Mapupulang labi na hindi na kailangan ng lipstick. Matangos ang ilong, pero bumabagay naman ito sa almond-shape and cyanblue-color kong mata. Oo, hindi po ako foreigner. Dahil ipinanganak ako sa bansang Amerika, ay napaglihinan daw ng aking ina ang mga naroon. At noong inilabas daw nya ako sa sinapupunan nya, laking gulat nalang nya na iba ang kulay ko. Maitim. Madilim. Pero hindi yun hadlang para sa aking ama. At sa katunayan nga, sya pa ang nagbigay ng pangalan sakin. My name is SNOWHITE DAPHNEY G. ALVAREZ, Currently living with my parents and my elder brother in VILLA LOPEZ HOMES, TAGAYTAY CITY. Its a Villa na pagmamay-ari ng tito at tita ko. Maganda naman ang bahay namin, well-rich naman kasi kami. Nakatiles ang sahig, flat screen t.v., may second floor, at may garahe na pang isang sasakyan. Hindi kasi kami mayaman, hindi rin naman mahirap. Yun nga well-rich nga lang kami. So yun, Simpleng pamilya lang kami. Simpleng mamuhay. My father named Agapito Alvarez, works on a Commercial Industry at medjo may kataasan naman ang pwesto. Kaya hindi kulang ang sweldo nya para mapakain kaming pamilya. May maganda rin syang pangangatawan na nakapagpabihag sa aking mama. And my mother named Syrine Guera Alvarez, works on a public school as a teacher. Malaki narin ang sweldo nya kasi Master Teacher na sya. At ito naman ang pantustos para sa aming tuition. Pero ako naman ay nagsumikap upang makamit ang karangalan na iskolarsyip sa magandang paaralan. Kahit kaya naman ni mama at papa na pag aralin ako sa eskwelahang yun. Sa aming Tatlong magkakapatid kasi, ay hindi naman sa pag mamayabang ay ako talaga ang pinaka masinop sa pagaaral. Bale yung panganay which is, Dylan James G. Alvarez. Sya yung kuya ko na rebelious kung baga. Barkada, Gala, Inuman, Bar, at Girl hunting ang alam. Ayun nakabuntis, kaya hindi na sya saamin tumitira. Kaclose ko naman sya kaso mas kaclose ko yung pangalawa which is, Arnold Sandro G. Alvarez. Kaclose ko sya dahil click na click kami. Hindi naman sya Gay kasi Bi sya. Which is lalaking nagkakagusto rin sa lalaki, pero sobrang lalaki sya kung kumilos, magsalita, at manamit. Alam naman sya ng mga magulang namin at tanggap naman sya. May partner sya which is yung bestfriend/Barkada nya. Si kuya Richard Johann P. Jaen na sobra ding close ko.
Isa akong ordinaryong studyante sa ordinaryong paaralan. Nag-aaral syempre, may barkada rin at nag kakacrush rin. Hayaan nyong ikwento ko sainyo kung pano nagbago ang pananaw ko sa buhay. Hayaan nyong ipakilala ko sa inyo ang aking 7 Suitors na talaga namang nakapagpabago ng aking buhay. Tunghayan ang kwento ni
Snowhite and her 7 suitors.
BINABASA MO ANG
Snowhite And Her Seven Suitors
RomanceSi snowhite ay may pitong manliligaw. Magkakaiba ng anyo, magkakaiba ng pisikal na hitsura, magkakaiba ng personalidad, magkakaiba ng istilo, magkakaiba ng kinalakihan, magkakaibang apelyido at pangalan, at magkakaibang talento. Ngunit may isa silan...