Nung umpisa, syempre masakit. Iniwan ka ba naman ng taong mahal mo. At ang masaklap, ikaw pa ang dahilan ng pagalis nya. Hindi ka na nga nya maalala, nilubayan ka pa nya. Sabi daw ng mama kong may kaibigan na psychologist, kapag raw ikaw ang naalala nya noong naaksidente sya, possible raw na ikaw ang makalimutan nya kung sa kaling mag ka-amnesia sya.
Pero after graduation, parang nakalimot na rin ako. Nagfocus kasi ako sa acads. Siguro puppy love nga lang yung nangyare. Until i encountered highschool. Panibagong buhay, panibagong kaibigan, at panibagong school. Yung school ko kasi nung elementary is pang elementary lang talaga. Kaya ko nakilala si Aldreen.
He was Aldreen Jonas Forteza.
Yung kaklase kong bully. Oo inaamin ko na masakit sya sa mata. Or pangit sya. Pero ang laki pala talaga ng puso nya. He was chubby, maitim kagaya ko, mala piggy ang ilong, at yung hair style is one island na medyo hindi bagay sa katawan nya.
Ito kasi yung time na magbobotohan ng officers. At dahil nga dakila syang bully, at ako ang napagtripan nya, ako ang ibinotong muse ng aming room.
"I proudly nominating Snowhite to be our muse. Its my privilege to pick mah muse. Oryt! Whooo. Guys. I close nyo na. Hahaha!" Sabi nya. Nagulat naman ako at during elementary years, is wala naman ako sa officer. Tapos ngayong highschool ako magiging muse ako? At sya pa ang escort? Takte naman oh!
So yun nga, ako na ang naging muse at dahil dun, palagi nalang kaming ginagalaw ng mga kaklase ko na love team. At dahil nga dakilang bully yung kasama ko, pinagtritripan nya lagi ako. Niloloko nya ako na ang ganda ganda ko raw, kung pwede nya raw akong ligawan, bakit daw nakakasilaw sa kagandahan yung kaitiman ko, at ang ganda raw ng pangalan ko na bagay sa kanya. At lahat ng yun, alam kong loko lang. Kasi dinadagdagan nya ng tawa sa huli. At alam kong di sya sincere. Ang tawag nga nya sakin is 'my princess' eh. Ilang buwan ring ganun ang palakad nya. At ilang buwan rin akong nagtitiis sa mga pambubully nya.
Then one time nainis ako sa sinabi nya. Niloloko kasi nya ako about sa past lovelife ko. At masama ang parating sakin ng sinabi nya.
"My princess, diba nagka ex ka na? Nasan na yung payat na singkit at pangit na bastardong ex mo? Kinalimutan ka na? Ha? Hindi dapat kinakalimutan ang gantong itsura. Aba! Ikaw lang ang may ganyang ganda! Hahaha" At sinigundahan nya ng tawang nakakapanloko. Kaya nainis ako. Dinamay pa nya ang ex ko. Nilait nya pa. At tinawag nyang bastardo! Kaya nasigawan ko sya. At kaya nagalit na ako nung time na yun.
"TIGIL TIGILAN MO NGA AKO ALDREEN! TAKTE NAMAN OH. HANGGANG KELAN MO BA AKO PAGTRITRIPAN? HANGGANG KELAN MO AKO PAAASAHIN DYAN SA MGA SINASABI MONG TANGINANG LAIT NA YAN! WOW HA! ANG GWAPO MO! AT DINAMAY MO PA YUNG EX KO! YUNG EX KONG WALA NA NGA, HINAHANAP MO PA! ALDREEN NAMAN OH! PWEDE BA TIGIL TIGILAN MO NA AKO! HINDI NAMAN AKO MANIKA NA LALAITLAITIN MO NA PARANG WALANG PAKIRAMDAM. TAKTE NAMAN OH!" Sabay walk out ko. Narinig ko pang tinawag nya ako sa pangalan ko. For the second time! Tinawag nya ako sa pangalan ko. At alam kong sincere na sya nun. Tumigil ako kasi tinawag nya ako. Tumingin ako sa kanya. Nagpahid ng luha at tumingin sa kanya.
"Sorry na my princess. Salamat sa pagsabing ang gwapo ko. Hahahahahahahahaha." Nagtawanan na rin yung iba naming mga kaklase. Takte naman oh! Kaya tuluyan na akong nag walk out. Pero yung pagtawag nya kanina! Nakakatawag pansin talaga. Para syang paiyak na! Takte naman oh.
Nakaupo ako sa may garden ng school. May bench naman doon. Bale apat na bench yun. Nandun ako sa pang lima. De joke lang. Nasa pang una akong bench. Malapit sa bed of roses. Tinititigan ko itong mga to habang may luhang pumapatak sa aking mga mata. Inaalala ko yung memories namin ni Lemuel. He was the perfect prince charming for me. But then again. That was before. A tragic ending for both of us. Hindi ko namamalayan na may tumabi na sakin. Si Zid! Ang bestfriend ni Lemuel na ngayo'y kaibigan ni Aldreen piggy. Oo piggy sya! Pinapaiyak nya ako! Nilalait nya pa si lemuel.
"Here, baka may maiitulong ito." Sabi nya na inaalok yung twalya nyang medyo putikin na.
"Alam mo, dapat magusap kayo ni Jon eh. Sigurado akong may dapat syang ipagtapat sayo. P-pero, pasensya ka na sa pamunas ha. Naipamunas ko na kasi yan sa mukha ko. Sige alis na ako." Dugtong pa nya. Pero hindi ko na sya nasegundahan pa. At ipinunas ko na rin yung ibinigay nya na twalya. Towelette yun eh. Nakita ko yung tatak. Bench and Bath. Tapos may umupo na naman sa tabi ko. He's the piggy that zid's talking about.
"Oh! Anong ginagawa mo rito? Kung lolokohin mo lang ulet ako, umalis ka na! Pwede ba?" Mataray kong sabi sa kanya.
"Alam mo ba na mahal kita? Alam mo ba na kada magjojoke ako o lolokohin kita sinasabi ko sa sarili ko na sana naiintindihan nya yung kasabihang some jokes are half meant.? Alam mo ba na kaya ko nalait at nasabi yung words na yun na tungkol dun sa ex mo is naiinis ako sa kanya na pinakawalan ka pa nya? Snowhite! Hindi mo ba nararamdaman yung pagmamahal ko sayo! Damn! Ang manhid mo! Alam mo yun na idinadaan ko nalang sa malokong paraan yung aking tunay na nararamdaman! Shit. *sobs* Bakit ba ako naiyak! Alam mo ba na ikaw ang epekto nito? Putek oh!" Hindi ako maka galaw. All this time yung panlolokong ginagawa nya sakin is may bahid ng katotohanan? Fuck! Ang manhid ko naman!
"K-kaya hinihiling ko s-sayo my princess, Pwede ba kitang ligawan?" Sabi pa nya ng nakaluhod. Im speechless. Hindi ako makapagsalita! Iniisip ko na tatawa sya sa huli at lalabas yung mga katropa nya upang magtawanan rin. Pero wala! Hindi sya nanloloko this time. At feeling ko, ang bait bait nya ngayon. At sincere na sincere sya. Kaya naman wala ako masagot sa kanya. Nagwalk out nalang muna ulit ako. Nagpakaon ako sa service ko na si mang edu. At pagdating ko sa bahay, umiyak ako ng umiyak. At alam nyo ba yung twalya na binigay sakin ni Zid? Siningahan ko lang ng siningahan. Nagisip ako, ano bang mga nagawa saking maganda ni aldreen? At ano bang maganda ang nagawa ko para magustuhan nya ako? Parang lahat ata ay kinaiinisan ko sa kanya? Pero bat parang kanina ang bait bait nya? Sobra pa sa pagka sincere. Hayst. Im so stressed!
~°~
Pagkagising ko ng umaga, para akong panda! Ang laki ng eyebags ko! Uso matulog ng maaga snow! Eh kasi naman iniisip ko yung mga nangyare eh. Pero nakapagdesisyon na ako.
~°~
"Masasagot mo na ba ako?" Tanong sakin ni Aldreen.
"Oo! Oo na ang sagot ko." Pinagbigyan ko na rin. Sabi nga Everybody deserves a chance and a second chance. Haha.
Lumipas ang mga araw. Ayun normal lang naman. First time ko nga makatanggap ng bear mostly kasi kay lemuel is chocolate and flowers. Its because mga bata pa kami nun eh. Pero ewan ko, masyado ko atang pinatatagal ang panliligaw nya. Kaya nagsawa narin sya. Isang araw nga nagusap kami na kung itigil na lang daw namin to. Kaya ako na mismo ang tumapos. Parang sobra na kasi syang naiinip eh. Kaya yun. Itinigil na namin.
Aldreen Jonas Forteza, second suitor, at sakanya ko natanggap ang first teddy bear ko. Named: Prince Aj.
BINABASA MO ANG
Snowhite And Her Seven Suitors
RomantizmSi snowhite ay may pitong manliligaw. Magkakaiba ng anyo, magkakaiba ng pisikal na hitsura, magkakaiba ng personalidad, magkakaiba ng istilo, magkakaiba ng kinalakihan, magkakaibang apelyido at pangalan, at magkakaibang talento. Ngunit may isa silan...