Grade school palang ako noon ng makilala ko ang taong ito. His eyes. His almond-shape eyes. Na kapag nangiti ay talaga namang nakakainlove.
He was Lemuel Gregor Tan. Oo may lahi daw syang chinese. At grabehan sya sa pagkagwapo. Isa sya sa mga hinahangaan dito sa aming eskwelahan. Suki kasi sya ng mga pageants and quiz bee contest. Sa sobrang perfect nya, di mo aakalain na nanligaw sya sakin.
October noon nang pasalihin ako sa isang science quiz bee. Di naman kasi sa pagmamayabang eh matalino naman ako. Kaya ako sumali kase kinailangan kong bumawi sa aking grades sa science sa kadahilanang nagkasakit ako sa loob ng isang linggo. Kaya ako'y maghahapit ng aking grades.
"Bye guys. Late na ata ako sa contest. Kita kits nalang tayo dun ha. Nood kayo after nyo mag lunch." Pagpapaalam ko sa mga kaibigan ko. Hindi pa naman ako totally late kasi 12:30 pala at ang simula ng contest is one o'clock but mas maganda nato para makapagreview ng mga isasagot ko.
Pagdating ko roon, marami na ring mga tao kaya agad akong pumwesto sa pinaka dulo. Nagbuklat ako ng mga notes at reviewer na ginawa ko kagabi. Hindi ko naman napansin na may nag occupied ng front seat ko. Todo ang review ko para naman ako'y manalo.
"Miss 10 mins. daw at magsisimula ang contest. Be ready daw." Sabi nung taong nag occupied ng front seat. Medyo nainis naman ako kaya tumingin lang ako sa kanya ng masama at ibinalik ko ang tingin sa reviewer ko.
Grabe din sya eh. Alam nang parinig ko yung sinabe tapos uulitin nya pa sa tabe ko. Takte. Bingi ba ako?
"Miss wag kang kabahan. Ako lang naman makakalaban mo eh." Sabi nya sabay ngiting nakakaloko. Takte talaga! He's getting into my nerves! Nakakainis na sya ah.
"Ano ba! Stop talking to me you moron! Unang una, hindi ako bingi. Narinig ko yung sabi nung emcee. At grabe kinabahan talaga ako! Ikaw? Makakalaban ko? Tignan lang natin." Sa sobrang inis ko. Nasabi ko yan lahat. Wow! As in wow.
"Sige miss. Lets take a deal. Pag nanalo ka, magsosorry ako at luluhod sa harapan mo. Pero pag nanalo ako, liligawan kita. Simple lang diba. Payag ka ba?" Sabi naman nya. What? Ako? Ligaw? Sya? Takte!
"Eh di nga kita kilala eh." Mataray kong sabi.
"By the way miss snowhite. My name was LEMUEL GREGOR TAN." Sabi naman nya at nakita kong nagoffer sya ng shake hands. Pero tumanggi ako. At na nahimik. Hindi ko naalala yung dare. Kilala nya ako?
"So miss. Pano ba yan. Silence means yes. Good luck! Break a leg!" Sabi nya pa. Sheet!
"Aa--" magsasalita pa sana ako ng magsalita yung emcee.
"Okay now contestants, please arrange yourself in alphabetical order. And 5mins. We will start the program." Sabi nung emcee.
Bumalik na ulit ako sa review ko para maipanalo ko tong laban kong to. At para narin manalo kay lemuel.
Nagsimula na ang game hanggang sa naubos na ng naubos yung mga contestants. Hard questions na at lima nalang kami. Ako, yung isa sa mga running vali, tapos yung running salu, tapos si lemuel at yung isa pa nyang kaklase. Pero nang yung dalawang last question ay natanggal yung running for vali at salu. Mali ata ng spelling na nailagay. So ang natira naman ay ako, si lemuel, at si noel. Ang pinaka question naman ngayon ay oral na. Kaya kinakabahan na ako. Tinanong na si noel hindi namin parinig yun kasi nasa loob kami at naka headphone. Bawal sadya namin marinig yun.
"Miss. Galingan mo ha. Dyan nakasalalay yung ating future." Sabi ni lemuel. Inangat nya kase yung headphone at bumulong.
"KAPAL!" Napasigaw tuloy ako.
Sunod ay ako na. Kaya ginalingan ko ang pagsagot. At nang makatapos na ako sa pagsagot, si lemuel naman.
Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa at yun ang nanalo ay.......
SIYA! YUNG LEMUEL NA YUN. Kulang daw yung sagot ko. Tama na sana kaso mas kumpleto yung kay lemuel. Takte.
Nagulat naman yung mga barkada at friends ko. Kaya sumenyas ako na okay lang. Second place? Not bad. Mababawi ko na ang mga kulang kong quizzes at activities.
"Sabi ko sayo MHIE mag aral ka. Para sa future natin to." Wth? Ano raw sabi nya? MHIE? KAMBING BA AKO? TAKTE!
"DEYM! AKO? MHIE MO? BAKIT BA! HINDI KITA INAANO DYAN HA. NANAHIMIK LANG AKO RITO. AT BAKIT BA AKO ANG PINAGTRITRIPAN MO? TAKTE. MARAMING IBA DYAN OH. BAKIT AKO--" Diko natuloy ang sinasabi ko ng biglang may dumampi sa labi ko. At itoy labi nya.
"*tsup* Hay nako. Dami mong satsat. Nagwagwapuhan ka naman sakin." Di ako maka galaw. Gusto ko syang sapakin. Gusto ko syang sampalin. But i can't move. Sheet!
That was mah first!
That was mah first!
Mah first!
Mah first!
KISS!DEYM! SHEET FOREVER!
~°~
"Congratulations to our Science Quiz Bee Champion! Mr. Lemuel Gregor Tan, Grade 6-Aquarius! And Runner Ups, Ms. Snowhite Daphney & Mr. Noel Vince." Inannounce ng emcee na ako ay 1st runner up at yung bwisit na lemuel ang nanalo.
It means tuloy ang deal namin. Kung di lang sya mayabang at mahangin, pinayagan ko na yang manligaw eh. Alam kong puppy love lang to kasi mga bata pa kami. Gwapo kaya nya. Mahangin at mayabang lang. At yun ang ayaw ko sa kanya.
~°~
Lumipas ang mga araw, lagi nya akong hinihintay sa labas ng room namin, hinahatid sa service kong sasakyan, sinasamahan sa lunch. Hinihila yung bag kong snow white na de gulong. Kasabay ng back pack nyang ben ten. Tinutukso naman ako ng friends nya at friends ko.
Halos araw araw nalang kaming magkasama. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon....May nangyare. May aksidente. At may nawala.
Malapit na ang graduation noon at 4months na syang nanliligaw. Oh yes! Sasagutin ko na sya ngayong araw. Kinikilig ako. Haha. Biruin mo may naligaw saking gwapo at matalino. Mayabang lang at mahangin. Haha. So eto na nga. Friday, March 13, xxxx. Nag aantay ako sa may waiting shed sa labas ng school namin. Uuwi na sana ako kahit may klase pa. Nasira kasi yung sapatos ko naluwag at bumuka ang ilalim. Natext narin naman ng teacher ko si mang edu na service ko. Hindi ko alam na sumunod pala palabas itong si lemuel.
"Ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Wala lang. Namiss na kita eh." Sabay akbay sakin.
Napagtanto ko na ang tagal nya naring nagiintay sakin ah. Parang gusto ko nang sagutin. Alam kong bata pa kami pero hindi ko mapigilang hindi tumibok ang puso ko sa lalaking to. Napaka perfect eh.
"Ahh. Lemuel? May sasabihin ako sa--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang,
"Snow! Mababagsakan ka ng poste!" Malakas na sigaw ni lemuel at the next thing i know, tinabig nya ako palayo at sya ang natabunan ng poste.
"Lemuel! Tulong! Tulong!" Sigaw ko.
Saktong dating ni mang edu at nirescue si lemuel. Dinala namin sya sa hospital at iyak ako ng iyak nun. Pano na si lemuel.? Pano ko sasabihin sa kanya na sinasagot ko na sya? Dumating na yung mga pamilya ni lemuel. Nagaalala silang lahat. Pinauuwi na ako ni mang edu pero tumanggi ako. Hindi ako papayag na umalis hanggat hindi ko nakikita ang kalagayan nya. Galit na galit sakin yung mama nya. Bakit daw hinayaan kong magkaganun. Bakit daw anak pa nya. Ilalayo na lang daw nya ang anak nya. Uuwi na raw silang Mindoro.
Umuwi rin ako matapos malaman na ayos naman sya. Iyak parin ako ng iyak. Tapos ng malaman ko na nagkaamnesia pala sya, lalo akong napahagulgol nun. Kaya nagpasya ang parents nya na umuwi nalang sa mindoro. Tapos yun. Nawalan na kami ng communication.
That was my first suitor at hinding hindi ko sya makakalimutan kahit ako ay kanyang kinalimutan na.
Lemuel Gregor Tan. My first Kiss, my first suitor.
BINABASA MO ANG
Snowhite And Her Seven Suitors
RomanceSi snowhite ay may pitong manliligaw. Magkakaiba ng anyo, magkakaiba ng pisikal na hitsura, magkakaiba ng personalidad, magkakaiba ng istilo, magkakaiba ng kinalakihan, magkakaibang apelyido at pangalan, at magkakaibang talento. Ngunit may isa silan...