3rd Suitor/Wallace

24 0 0
                                    

Two years! Two years akong nagfocus sa pagaaral. At ngayon, Fourth year highschool na ako. Worth it naman ang pag susunog ko ng kilay because I am running for valedictorian. Taong library nga ako. At dito, dito ko nakilala si Wallace. Ayoko syang tawagin sa second name nya. May naalala kasi ako.

Wallace Gregor Silva is the name.

~°~

Monday non at mahaba ang vacant namin. Kaya napagpasyahan kong pumunta ng library. Paglabas ko ng room, nakita ko si Zid at nagkamustahan lang.

"Oi. Musta ba?" Sabi ko sa kanya. Naglalakad kami papuntang library.

"Eto, ayos lang. Gwapo parin. Haha." Tumawa sya in the middle of the hallway.

"Wow ha! Teka, may balita ka ba kay Lemuel?" Tanong ko sa kanya. Lumungkot naman mukha nya at di ko alam kung para saan yun. May nabalitaan kasi kami ng kaibigan kong si Gemma. Na nag-asawa na raw si Lemuel. Nakabuntis raw in the middle of his highschool life.

"Kawawa naman yung bestfriend ko, siguro naimpluwensyahan sya dun." Malungkot parin sya. Tuloy ang kwentuhan namin hanggang sa makarating kami sa library.

"Sige dito muna ako. Ge bye." Sabi ko ng pumasok na ako sa library. Nag bye narin sya at umalis na.

Pag pasok ko sa library, pumindot ako sa highschool department. At umupo sa may dulo, malapit sa shelves. Nagbuklatbuklat ako ng libro ko at hindi ako satisfied na yun lang references ko. Kumuha parin ako ng ibang libro. Then pagbuklat ko, may nakita akong sulat sa librong ito.

"~=°Love sees no gender. Age doesn't matter. But looking of you, how can I wonder. Please. Let me explain.°=~ By:GregorgeousMan" Huh? Ano raw? Para kanino kaya to? At alam ba nya na bawal magsulat sa libro ng library? Takte sya ah! Pano nalang kung ako ang mapaghulihan neto? Edi ako ang lagot! Takte sya! Nagsulat ako sa post it note. Para sa kanya to.

"Mister Gregorgeous Man! Alam mo bang bawal po ang magsulat sa libro? Pano nalang po kung ako ang mapaghulihan nito? At kung gusto mong makipagusap sa gf or ex mo, itext mo po. 'Rules are rules. You're a student. So follow the rules.' Yun lang thankyou. -DaphnonymousGirl"

Idinikit ko ito at tinignan ang oras. Maaga pa. Pwede ko pang sulatin yung mga nasa libro. Kaya naman nagsimula na akong magsulat. Pero nasakalagitnaan palang ako ng isinusulat ko ng biglang nagtext si Gemma, at ang sabi nya is samahan ko raw syang maglunch. May ikwekwento raw sya. Hintayin daw nya ako sa canteen.

Nagpake na ako ng gamit ko at pumunta akong canteen. Paglabas ko ng library may lalaking nakatawag ng pansin saakin. He was tall, white, and handsome. Kano ata. Pero nagulat ako ng nagtanong sya sakin.

"Miss. May nakita ka ba dyan sa loob na libro. Ang title is Introduction to Philosophy? Naiwan ko kasi eh" sabi nya ng dirediretso ang salita. Walang bahid ng pagkaslung at pilipinong pilipino.

"Ah. Nasa loob. Is that you Gregorgeous Man?" Sabi ko ng may pagtataka.

Sana hindi sya. Ang gwapo pa naman. Sayang eh. Tsaka sya? Idudump lang ng ganun ganun lang? Wow! Imposible! Hahaha. By the way, kano ba talaga to?

"Oh yeah! Alam mo? -- Oh sh*t! Nakita mo yung sinulat ko! Nakakahiya!" Taranta nyang sabi. Hindi sya magkaintindihan.

"Opo! At basahin mo po yung nakalagay doon! Takte naman! MAGBASA KA PO NG RULES! ARRRGGGGH" Sabay walk out.

Nakakahiya! Isang ganong kagwapong lalaki? Tapos maghahabol sa babae? Pinagsalitaan ko pa sya ng ganong word! Syeyy naman oh!

--

3days after the incident.

--

Nasa library ulet ako. May tinatapos akong activity. Na ako ang lider. Bukas, irereport namin yun. Kung bakit ang Theory of the CREATION ang pinaka matibay na ebidensya na doon tayo nagmula. Ako ang ginawa nilang lider. At pag nagreport daw kami, is may audience daw. Coming from the section C.

Snowhite And Her Seven SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon