6th Suitor/Noel

8 0 0
                                    

Haaay. Panibagong school, panibagong buhay. Panibagong classmates, panibagong kaibigan. Panibagong subjects at assignments. Pero pagkakataon na ba ito ng panibagong suitor? Maaari ko pa bang buksan ang pusong nagsara automatically? Ewan ko natakot na ata ulet eh. Until one day, may taong nagpaalala saakin kung gaano kahalaga ang happy ending. Sino sya? Eto sya.

He was Noel "Nonoy" Vince Asterdone.

A high school mate, elementary classmate, Valedictorian, and my 6th suitor.

---

"MGA BEEEEES! COLLEGE NA TAYO! YAAAY! HAHAHAHA" sabi ni gemma. Ang lakas talaga ng boses netong kaibigan namin.

"Oo nga bes! Anong course mo snow?" Sabi naman ni Dajana. Isa pa naming kaibigan. Medyo mailap lang namin sya makasama kasi may boyfriend.

"Siguro nagtourism ka no. Bagay sayo yun snow." Asik naman ni Kaycee. Mailap rin sya.

"Anu ba kayo guys. Si snow? Magtotourism? Sayang lang ganda mo dun snow. Maeexposed ka masyado. Basta snowhite, Kung ano mang desisyon mo sa college, support na lang ako sayo." sabi ni Zid. Simula kasi nung sumama yan samin, sya na lang naging bestfriend ko. Silang dalawa ni gemma. Sayang nga at gwapo. Hahaha. Pero hindi rin. Lahat naman kasi ng suitor ko palpak eh. Pero yun talagang erone na yun hindi parin natigil. Alam ko kasi sa sarili ko na hindi sya yung lalaking para sakin.

"Ewan ko sayo zid. Crush mo lang ata si Snow eh." Sabi ni Renz. Nga pala simula nung nagconfess sakin si Renz, naging bestfriend ko narin sya. Paminsan minsan namin lang sya nakakasama kasi more on roadtrip sila ni kuya. Going strong talaga sila ni kuya eh. Pero hindi mo sila makikitaan ng kabaklaan kasi sobrang lalaki silang kumilos parehas.

"Guys, nagMassCom ako eh. Gusto ko kasing maging script writer. Kung okey lang sa inyo yun eh." Nahihiya kong sabi. Pero biglang tumawa si Gemma. This time namula ako.

"Nukaba bes, super ok nga sakin yun eh. Infact, magkadepartment nga tayo eh. Nagpsychology kasi ako bes eh. Kasama ko nga pala dun si dajana." Ah. Kaya naman pala. Bagay nga sa kanya yun. Bagay syang mag scrubsuit.

"Oh. Nga pala snow. Saturday 3pm. Club yolanda. Kita kita tayo dun ha. Elementary reunion yun. Dapat nandun ang valedictorian."ani ni zid. Hala! Oo nga pala. Sa sabado na yun. Teka, anong araw na ba ngayon? Hwebes? Sheyy. Andun nga pala si Lemuel. Hays. Sana naaalala nya ako.

"Oh. Huy snow natulala ka dyan? Dont tell me wala ka pang susuotin? Eh pag mga ganyan eh ikaw pa ang unang magpapasama sakin sa mall para bumili. Bes!" Sabi ni gemma. Alam pala nya ang tungkol sa lahat ng suitors ko. Haysss.

"Ah. Samahan mo nalang ako tom. Nakalimutan ko eh. Naging busy ako kasi nga diba nagkaroon ako ng summer job." Palusot ko na tunay naman. Haha. Sana pumasok. Tumayo ako pero nalaglag yung bag ko. Nahulog lahat ng laman. Nakita ko yung palagi kong binabasa na libro. Snow white and the seven dwarves. Ang pinagtataka ko, bakit sya bundat? Binuklat ko ito ayon sa pahina ng pagkakabundat. Nakita ko ang isang pamilyar na panyo. Bigay ni nonoy. Isa sa mga childhood friend ko. Ang matabang bata. Hayy. Kumusta na kaya sya?

---

Kinakabahan ako. Gusto kong kausapin si lemuel. Pero hindi nya na ata ako naaalala. Gusto kong lumapit sa kanya. Kaso di ko magawa.

Ang saya nila. Nagtatawanan. Kinukulit ang batang kasama ni lemuel. Dinala ni lemuel yung babaeng nabuntis nya. Worst kapangalan ko pa. Si Daphney. Ang ganda nya. Shet. Yun lang ang masasabi ko. Sobra kong naapreciate yung kagandahan nya. Kaya naman pala nabuntis nya agad.

Ang pinagtataka ko lang, asan si Zid? Sabi nya sakin sabay kaming pupunta dito at sabay ding aalis. Asan na ba sya?

"Ms. Snowhite? Lalim ng iniisip ah." Medyo nagulat ako dahil biglang sumulpot tong si Noel.

"Ah. Masyado lang ata akong nagreminisce. At hindi agad ako nakabalik sa reality. Haha. Wag ka naman manggulat." Sabi ko na medyo natatawa na may pagkabitter. Mahahalata mo yun kasi nakasmirk ako. Tumawa naman sya.

"Lemuel right? Naalala ko yung tagpong yun. Andun din ako eh. Kahit bata pa nga tayo nung time na yun. Feeling ko ang mamatured na natin magisip nun." He paused then i interrupted him.

"Matured? Eh sobra ngang childish ng mga pinaggagagawa ko nun. Napasubo pa ako sa walang kwentang dare. Natatawa na nga lang ako pagnaiisip ko yun eh. Hahaha" Napatahimik naman sya ng kaunti.

"Naaalala ko kasi yung halik nya sayo. Sobra kasi nabigla rin ako dun. Lalo ka na. Kitang kita ko sa mukha mo na first kiss mo yun." He stares me straight to my eyes, then smile. Anong ibig nyang sabihin? Bakit sya nagulat na hinalikan ako ni lemuel? Napakunot nalang ang noo ko at napatingin rin sakanya. Pleasing him to tell me the whole story of what did he just says. Mukhang naintindihan naman nya kaya bumuntong hininga muna sya bago magsalita.

"Well, para sa inyong mga babae hindi na bago ang ginawa ko. Sabihin na nating hindi ko mapigilan kasi ewan ko. Hindi ko alam kung bakit nainlove ako sayo. Ang bangis naman kasi ng kagandahan mo eh." He slightly pause while bursting a slight laugh. Living his mouth a cutest grin. Then he continued.

"Naalala mo ba nung nursery tayo? Bumili ka ng ice cream, sarap na sarap ka kumain nun pero biglang inagaw nung kaaway mo na si Rhai. Iyak ka ng iyak nun, pero nung nilapitan kita at binigyan ng ice cream ulet, natahimik ka at biglang nagbago ng mood. Sumaya ka ulet noon at naglaro tayo. Pinunasan ko yang madungis mong mukha pero maganda. Binigay ko sayo yung towel na yun kasi hindi ko na naman gagamitin yun." Napatulala ako. Napaisip ako, Sya na ba si nonoy?

"Naglaro tayo noon. Masaya tayo at nakita ko yon sa mga mata mo. Pero ayaw ni mommy na nakikipaglaro ako sa hindi ko kalevel, kaya lumipat kami ng bahay at hindi na kita muling nakita. Hindi ako mapakali sa bahay. Ni hindi ako kumain ng isang linggo. Pumayat ako at nagiba ang itsura. Naging isang nerd ako. Medyo hindi mo na nga ako pinapansin agad or hindi mo lang talaga ako naalala. Nonoy lang naman pakilala ko sayo eh. Pero noong nalaman ko na nagkasakit ka, nagalala ako noon. Gusto kitang puntahan. Kaso ayaw ng mama. So ang ginawa ko kinausap ko yung teacher natin na pasalihin ka sa quizbee natin para makahabol ka sa grading. Pumayag naman sya." He paused. Sya pala ang gumawa nun. Sheyy bat hindi ko to alam. Huhu. And then nagsalita na ulet sya.

"So, ako yun eh. Ako yung nanliligaw pero hindi mo alam. Ako yun eh. Yung dapat tayo na matagal na, pero hindi eh. Hindi talaga pwede. Ayaw sayo ng mommy ko. Kaya naghanap ako ng bago. Naghanap ako ng maipapalit sayo. At nahanap ko sya." May biglang lumapit sa amin na isang napakagandang babae.

"Hi bes. Kilala mo naman siguro si Noel diba. Hehe" Sabi ni Gemma.

"K-kayo? R-really?" Nagkatinginan ang dalawa atsaka nag tawanan. Ako naman natulala. Ang dami masyadong revelation ngayong gabi. Una nakita ko na si lemuel na parang wala lang naman. Pangalawa, si noel pala si nonoy, pangatlo, sya pala ay secret suitor ko. At pang apat, si gemma at noel? Wtf!

"Oo bes. Wala eh iba na talaga pag tinamaan ka ni cupido. Diba hon. Hahahaha" Sabi ni Gemma. Pero may pahabol pa sya bago umalis.

"Pero dont worry bes. Malapit na syang dumating. Yung matagal nahinihintay mo? Sus nanjan lang pala sa tabi tabi. Hindi mo alam na sya pa pala ang deserve si Snowhite Daphney G. Alvarez. Haha gtg na bes. Enjoy your day!. "

Nakanganga parin ako hanggang sa pagalis nila. Tinanguan lang ako ni Noel at nginitian. Sheyy. Si Noel! My 6th suitor. Secret pa yun ha. Shete! May poreber talaga. Makabili nga dyan sa tiangge. Haha

-Itutuloy.....

A/N: Patapos naaaaa. Waaaaaah. Wag po kayong bibitaw. Abangan ang sunod na mangyayare. Makuha kaya nya ang happy ending? O mapunta ito sa tragic ending? Tunghayan sa pagpapatuloy ng kwento ni snowhite sa kanyang mga suitors. Vote. Like. Comment. Share. Add to readinglist. Bye.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Snowhite And Her Seven SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon