CHAPTER 1: [NAGSIMULA ANG LAHAT SA IPIS]
Hmm.. Let’s see. Pano ko ba to sisimulan? AY, Cge na nga. Ganito na lang.
Hi, I’m Maria Kristina Corazon Rivera. 15 years old, magsisixteen. Haba ng pangalan ko noh? Well, just call me Kiko for short. That's what everyone calls me… at the very least. Mga kapatid na lalake ko lang kasi ang tumatawag saken nyan eh. Yung iba, Mari na tawag saken. Kasi, kahit alam nilang babae ako, nasa puso at galaw ko pa din ang pagiging boyish. Di na man ako matatawag na tomboy/lesbian, kasi hindi ako namamantasya ng mga babae. NO WAY. Kadiri naman noh! But, I tend to do what boys do. Basketball, Dota, Arm Wrestling, Suntukan, at kung anu-ano pa. All you can think of. Okay lang naman sa nanay at tatay ko eh.…
Wala naman kasi silang pakielam saken.
Simula kasi pagkabata, naghiwalay parents ko...
I was in grade 4 then, while my kuya Ray was in grade 6, kuya Carlo was in 2nd year highschool, and the eldest, kuya Marko, was in 4th year. Gabi gabi, bago ako magbirthday nung mga panahon na yon, lagi kong naririnig ang mga magulang ko na nagtatalo.
“Ikaw, wala ka nang ginawa kundi mangbabae! Walang hiya ka, di ka na nahiya sa mga anak mo!” Sumbat ng nanay ko
“Eh, gago ka pala e!” Sigaw ni naman ni papa na halatang nakainom “Sinasabihan mo na nambababae ako, e ikaw nga tong sugal ng sugal at landi ng landi sa mga lalake sa club!!!” sabay bato ng vase.
Tuloy tuloy lang yon, paulit ulit araw araw. Parepareho nga kaming magkakapatid na laging puyat dahil sa ingay nila, kaya ang hirap mag aral. Mas lalo na ko. 8 years old pa lang ako that time, at wala nang nakakapagturo saken except for kuya Ray na hindi na nagaaral para lang maturuan nya ko sa mga assignments and projects ko. Every time din na papasok ako sa school, laging may nagtatanong
"Mari, bakit namamaga yang mga mata mo?"
"Mari, bakit ka umiiyak?"
"Ayos ka lang ba, Mari??"
"Hindi ako ayos kasi lagi na lang nagaaway si mama at papa ko" -- gusto ko sanang sabihin, kaso nga lang... nakakahiya. Wala din kasi akong gaanong kaibigan sa school eh. Bata pa lang, di na ko marunong makisalamuha sa ibang tao. Kaya lahat ng mga problems ko eh nakatago lang sa sarili ko. And besides... ano bang magagawa nila?
Hanggang sa dumating na ang araw ng birthday ko. Masaya pa nga ako that day, dahil bati na si mama at papa. Well, hindi sa bati... Di lang sila nagpapansinan at nag-iimikan. Pero mas okay na yun kesa sa nagsisigawan at nagbabatuhan ng vase diba? ... Kawawa nga ako no? ... Masaya na ko sa ganyang lagay. Pero kung ako contented, sila kuya hindi. Si kuya Ray, binigay yung regalo nila para saken pati na rin yung favorite kong cake, at hindi nila pinapansin sina mama't papa. Si kuya Carlo naman, lumabas lang ng kwarto para batiin ako at nagkulong ulit. Bad mood na din siguro. Pinakamalala naman si Kuya Marko. May pasa sya sa muka... Nasuntok na naman ata ni papa. Pero nung kinarga niya ako at binati, bumulong sya:
"Kiko, okay lang ako. Happy 9th birthday!"
Lalo naman akong naiyak... kasi halata sa boses at pagkilos nila kuya na may problema. AT TAMA AKO.
Kumain kami ng dinner. Si kuya Carlo at Marko, wala. Si kuya Ray, sinusubuan ako, pero tahimik sya. Tahimik din si mama at papa.
Pagkatapos namin kumain, bigla akong tinawag ni mama.
"Honey, halika."
Dinala nya ko sa Garden, at bigla akong niyakap
"Anak, alam mo na naman na di kami magkakasundo ni papa diba?" Umoo ako. Parang alam ko na kung ano dadating. "Baby, we're having a divorce. You're smart, right? Alam mo naman kung ano yun."
BINABASA MO ANG
My Superman
RomanceAng love story, pwedeng nakakakilig. Pwedeng madrama. Pwedeng maaksyon. Pwede ding bastos. Pero yung sa akin? Simple lang naman eh. Ako si Kiko- este, Mari. Right, that's my name. I'm not telling you to read this, pero wala din naman akong sinasabi...