CHAPTER 17: [The Battle]
"Mari! Gising naaaaaaa!"
Napatayo ako ng biglaan. Nauntog pa nga ako sa taong nangigising sa'ken eh.
"Aray naman." sabi ni Hazel
"Ikaw kasi eh." kinusot kusot ko yung mata ko na punong-puno ng muta "Ang aga-aga, nangigising ka."
Napanganga naman si Hazel sa akin at pumalatak ng pagkalakas lakas.
"Oo nga eh!" sigaw niya. "Sa sobrang aga, hapon na!"
Huh?
Ang weird niya. Kaya, tinulugan ko na lang ulit. Pero hinampas pa ako ng unan. Ang sakit nga eh. Hindi ba niya alam na diyan ko tinatago yung coins ko kapag hinaharass ako ng mga kuya ko para magpapalit ng barya?!
"Best naman eh!"
"Girl! Tignan mo nga yung orasan!"
Tingnan ko naman... At napa-"Shit" lang ako.
"Tama ba yan?! Alas dos na ng hapon?!"
What?! Hindi talaga ako makapaniwala! Eh 6:00 pm yung start ng battle of the bands ah! Kung sa bagay, may halos apat na oras pa para magprepare. Pero grabe. Ang haba ng tulog ko.
"Hay nako naman Mari.. anong oras ka ba natulog at tinanghali ka ng ganito?"
Napaisip ako.
"4:00 ng umaga."
Napanganga na naman siya "Ano?!"
Yep. 4:00 na ng umaga ako natulog. Sa sobrang kaba kasi, kung anu-ano na ang mga pumasok sa utak ko. Paano kung mapahiya ako? Paano kung madapa ako? Paano kung... Hay. Kung anu-ano. Kaya buong gabi, dilat ang mata ko. Mas matindi pa nga sa panunuod ng horror movie eh.
"Maligo ka na nga best," sermon ni Hazel. "Ang baho mo eh."
"Opo, inay."
"Tsaka, sa kwarto mo ikaw magbihis ah?"
Uhm... Duh!
"Malamang! San mo ako gustong magbihis? Sa labas?"
Yun na nga, tumayo na ako na medyo inaantok pa rin, kumain ng binigay na pantawid gutom ni Hazel (Fried rice, champorado, at tuyo), then pumasok na sa CR. Ang sosyal ko nga eh. Sa aming magkakapatid, ako lang ang may sariling CR sa kwarto. Medyo nagulat pa nga ako, kasi may nakahandang tuwalya at likas papaya sa CR.
Hay hazel.. ano 'to, pageant show para mag sabon pa ako ng likas papaya?
Pagkatapos maligo at mag-toothbrush, lumabas na ako ng banyo ng nakatuwalya lang. Binuksan ko yung maliit na cabinet ko ng damit.
What the...
Bakit wala akong damit dito?!
Bakit...
Alam ko na kung ano 'tong ginagawa nila...
Fuck! Mga walanghiya!!!
Tumakbo ako sa pinto para buksan, pero may pumipigil sa kabilang side.
"Hazel! Bigay mo mga damit ko!"
"May damit naman diyan ha!"
"Pusang gala naman oh!" nag-iinit na yung ulo ko "Hindi ako nagsusuot ng ganon! Fuck talaga, wag mo nga akong pagdiskitahan! Open this door, Hazel!"
...
"Ayoko nga."
"Hindi ako magbibihis!"
"Edi wag!" sagot niya ng mahinahon. "Wala namang mawawala sakin eh."
BINABASA MO ANG
My Superman
RomantikAng love story, pwedeng nakakakilig. Pwedeng madrama. Pwedeng maaksyon. Pwede ding bastos. Pero yung sa akin? Simple lang naman eh. Ako si Kiko- este, Mari. Right, that's my name. I'm not telling you to read this, pero wala din naman akong sinasabi...