CHAPTER 18: [CELLPHONE TRAGEDY]

110 1 0
                                    

CHAPTER 18: [CELLPHONE TRAGEDY]

Well, the weekend went very normal. 

Sabado ng umaga, gumising ako, nag-almusal, nakipagkulitan sa mga kuya ko, at nanood ng tv maghapon. Medyo bad trip nga lang ako, kasi dahil sa bagong gupit ko, hindi na 'ko pwedeng mag-cap. Malambot kasi yung buhok ko, tapos may bangs pa, kaya kapag nagsuot ako ng cap, lalawit yung buhok ko. Magmumukha naman akong engot kung ipagpipilitan ko yung buhok ko dun sa loob ng cap, diba?

Sunday, ayun, late nagising... kumain, nanuod ng movie, naglunch, nagsimba. Inspired nga ako magsimba, ewan ko kung bakit. Basta, nakinig ako ng gospel, homily, at todo bigay ako sa pagkanta. Inasar tuloy ako ni Kuya Carlo.

"Magmadre ka na lang kaya noh?"

Yep. Normal naman ang mga pangyayari. Pero, bakit parang kinakabahan akong pumasok sa school?

Ay. Tama. 

Naalala ko na naman yung performance ko nung friday ng gabi. Pagkatapos nun, ang daming 'humanga' sakin. Kesyo raw ang galing galing ko, at ang ganda ko daw nung gabing yun, bagay daw sakin hairstyle ko, at kung anu-ano pang kalokohan na nakakainis. May nagsabi pa nga sakin ng "You Rock!" at "Miss, anong number mo?!". 

Kung sino mang gago yun, pasalamat siya at wala ako sa mood manuntok nun. 

Nairita na nga ako ng sobra kaya umuwi na lang din agad ako. And well, wala nga ako sa wisyo nung mga panahong yun, right? 

Nalaman ko na lang nung saturday na 2nd placer kami, at champion yung isang group ng 3rd years.

Anyway, inaamin ko, kinakabahan talaga ako pumasok. Para ngang ayoko ng mag-aral eh. OA ba? Ewan ko rin sa sarili ko kung bakit sobra yung kaba ko.

Kaso, wala na'kong nagawa. Dumating ang monday, at ginising ako ng alarm ng cellphone ko. Wala na nga akong ganang tumayo, pero hinampas ako ng unan ni Kuya Marko na wala palang pasok kaya nanggugulo na naman.

"Pasok na!"

Duh. Kelangan pa ba niyang sabihin? 

Pero yeah, baka nga hindi ako pumasok kung hindi niya ako kinulit.

Syempre, naligo na ako, nagbihis ng school uniform, at naglakad na papunta ng school. Hindi nga kami nagkasabay ni Hazel for some unknown reason. I doubt naman na sinadya niyang mag-isa lang ako.

Pagpasok ko sa school... 

Well, should I dare say the unbelievable truth?

Madaming taong nakatingin sa akin. Yung iba, nginitian ako, pero tinitigan ko lang sila sabay isnab.

Pakielam ko ba sa mga iisipin ng ibang tao? Eh kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari sa social status ko (Wow. May ganon pala ako?), edi hindi na sana ako pumayag sa deal na yun.

Stupid deal...

Bakit nga ba ako pumayag?

Biglang nagring yung bell namin. Anong oras na ba?! 

Nagsipasukan naman lahat ng mga estudyante sa kani-kanilang mga room. Ako naman, napatakbo na. Ang petiks ko kasi maglakad eh. Yan tuloy, nalate.

Pagdating ko sa tapat ng room namin, naguluhan ako. Patay ang mga ilaw, locked yung mga pinto, at walang katao-tao.

Ano namang meron?

"Cutting?"

Pagharap ko, super nasira na talaga ang umaga ko. Nakatayo si Zyra sa harap ko, nakapamewang, at nakalip gloss pa with matching foundation and makeup. Kahit light lang yung makeup, nainis ako sa kanya. Bawal kaya yun dito sa school!

My SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon