CHAPTER 24: [THE COUSIN]
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa, kasi kinabukasan eh walang pasok dahil may bagyo.
Pagmulat na pagmulat ng aking mga may mutang mga mata, nagtaka ako, kasi ang dilim at parang mag-gagabi na. Pagtingin ko sa bintana ng kwarto ko, nakita ko kung gaano kalakas ang ulan. Yung hangin nga parang gusto na atang gibain yung bahay namin eh. Galit na galit siguro si Mother Nature. Para niyang sinasabing: "Mga baboy kayong mga tao! Kung saan-saan kayo nagtatapon ng basura at mga tae niyo! Eto, humanda kayo! BWAHAHAHA."
And at the thought of that, kumulo bigla ang tiyan ko, kaya bumaba ako sa kusina para mag-almusal.
Pagdating ko doon, si Tita Hanna lang ang nakita ko, tapos nakabukas yung TV sa sala. May reporter na nag-aannounce na walang pasok ang pre-school to college sa NCR (signal #3 na kasi), then may tumawang TV morning host na hindi ko alam kung baliw na ba or ano.
Tinawag ko si Tita Hanna.
"Tita, tulog pa sila kuya?"
Kumakain siya ng champorado. Katakam nga eh.
"Oo, ang kukupad talaga nung mga yun. Alas nuwebe na ayaw pa ring tumayo."
Napatingin ako sa orasan. "Whoa. 9 na?!"
9:00 na?!
Eh bakit parang ang aga ko naman atang nagising?!
"Oo. Nung sinabi kanina sa TV na wala nang pasok, inoff ko yung alarm mo."
Tsch. I still can't believe 9:00 ako nagising. Sa pagkakaalam ko kasi, mas makupad pa ako sa mga kuya ko.
"Salamat po."
"O, yan." Hinainan ako ni Tita ng champorado with pandesal "Kain ka na habang mainit pa." tapos umakyat siya sa taas. Gigisingin na siguro ang mga tamad kong kuya.
I ate in silence. Una, kasi wala naman talaga akong pwedeng kausapin (except maybe the TV, pero hindi pa naman ako ganun kabaliw para gawin yun.), at ikalawa, dahil gusto ko munang maging peaceful ang surroundings ko - malamig, at kumakain ng mainit na champorado.
Minsan lang yan.
I mean, minsan lang maging peaceful dito sa bahay. Kadalasan kasi laging busy ang mga tao dito. Busy sa pagkain, busy kaka-computer, busy kakakain, at kung anu-ano pang klase ng pagka-busy ng isang tamad na tao.
Maya-maya, nagsibabaan na din sila kuya.
"Yes... Buti na lang walang pasooooooook." humikab si kuya Ray
"Bakit?" tanong ko. Kumakain pa din ako ng champorado. Pangatlong kuha ko na ata yun.
"Wala lang." umupo siya sa tapat ko "Minsan lang mag-signal #3 noh. In short, minsan lang maannounce sa TV na walang pasok ang college."
He's got a point.
"Ulol ka Ray," sabi bigla ni Kuya Carlo na kumukuha ng bowl "Kapag tayo nag-brownout babatukan kita."
"Bakit, taga-Meralco ba ako para sisihin mo?"
Tignan niyo. This is exactly what I'm talking about. Minsan lang talaga maging peaceful dito sa bahay. At ngayon, busy ang dalawa kong napakabait na kuya sa pagbabarahan.
"Hindi, gusto lang kitang sisihin." tapos umupo si kuya Carlo sa tabi ko "Tsaka kailangan ko nang tapusin research ko noh. Kapag nawalan ng kuryente mas mahihirapan pa 'ko."
"Not my problem," asar ni kuya Ray
"Ulol."
"G*go."
BINABASA MO ANG
My Superman
RomanceAng love story, pwedeng nakakakilig. Pwedeng madrama. Pwedeng maaksyon. Pwede ding bastos. Pero yung sa akin? Simple lang naman eh. Ako si Kiko- este, Mari. Right, that's my name. I'm not telling you to read this, pero wala din naman akong sinasabi...