CHAPTER 13: [LANSOT, hmp]

110 2 0
                                    

CHAPTER 13: [LANSOT, hmp]

Tinawag niya 'kong babae. 

Tinawag niya 'kong babae?!

Nangaasar na naman ba siya? Babae nga siguro ako pero marunong din naman akong lumaban!

Pero iba na naman ang dating sa akin ng mga sinasabi niya eh. Para bang, kahit anong damit ko na panglalaki... Babae pa rin ako..?

Ah, ewan.

Hindi ko na nga naitaboy e. Ang kulit ba naman kasi. Hatid na daw niya ako at baka may bulag pa na magtangka sakin ng masama. Kita niyo na? Magpapakita na nga lang ng "concern", mangaasar pa.

Dun ko nga lang napansin na napalayo din pala kami ng lakad. Akalain mong nakarating kami ng 6th street? (I know, you probably have no idea kung san yun, pero you get the idea)

Hay. Si Lord talaga. Ang daming pakulo sa buhay ko.

"Hoy. Bakit ka ba napadaan sa bahay ni Hazel?"

"Wala naman. Di ako makatulog. Naisipang mantrip. E sa lahat ng pwedeng mapagtripan, ikaw pinakamalapit. Yon."

Hay nako. Naiinis ako. Hindi sa kanya. Kung hindi sa akin. Bakit ba parang walang epekto ang mga remarks niya ngayon? 

Eh bakit ba kasi gusto kong maasar sa mga sinasabi niya? 

Siguro kasi... sanay na ako na naiinis kapag katabi ko... ang dakilang gunggong na Lansot.

"Hoy Lansot,"

"Ano? Bakit parang ang daldal mo na ngayon?"

"Paki mo ba? E gusto ko lang ding mangtrip eh."

Tumawa siya ng konti. May toyo na ba siya?

"Ano na namang nakakatawa, ha?"

Tumigil naman na siya, tapos ngumiti. "Bakit sa lahat ng babae, ikaw ang pinakamahirap pakisamahan?"

"Gusto mo akong pakisamahan?"

Napaisip siya sa tanong ko. Ako rin napaisip. 

Oo nga naman. Magka-away ba talaga kami? O yung tipo ng mga tao na nakasanayan lang na mag-asaran?

"Hindi. Sa tingin mo ba gusto kitang maging kaibigan?"

Pinapahiya niya ba ko? 

Kasi no effect.

"Tanong mo sa sarili mo. As if namang magiging kaibigan kita."

Nakakainis naman talaga. Bakit ko nga ba naisip na may possiblity na kahit konti e mabawasbawasan itong magulong buhay namin kapag kasama ang isa't isa?

Naglakad lakad naman kami. Bakit ba parang ang tagal naming dumating sa bahay nina Hazel? Gusto ko na talaga umuwi sa bestfriend ko eh!

"Pag sinabihan ka ba ng cute, anong magiging reaksyon mo?"

Nakakagulat na naman 'to. 

At, ano namang klaseng tanong yan? 

May naalala tuloy ako...

"Sinong siraulo naman ang magsasabi niyan?"

"Sagutin mo muna tanong ko." 

Ano nga ba?

"Depende sa kung sino at paano niya sinabi. Kung nanloloko, bubugbugin ko. Kung sincere... ewan. No comment."

Wala naman siyang sinabi. Napansin ko nga lang, parang seryoso mukha niya. 

What the hell is up with him?

At teka, 

Bakit niya naitanong?

My SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon