CHAPTER 12: [SORRY]

97 2 0
                                    

CHAPTER 12: [SORRY] 

I really really REALLY wanted to kill him that time. Pero bigla na lang lumabas sa view si Hazel. Nakapajama pa man din siya.

"Oy, kayong dalawa. Gabing gabi na, nag-aaway pa rin kayo!" Tapos napatingin siya kay Lansot "Teka, Lance... Anong ginagawa mo dito?"

Nakakakilabot talaga ngiti nito. Parang may something... 

Kung sa bagay, gwa- I mean, wala! Mukha syang bading!

"Wala naman.. Natripan lang. Oy, pwede ko nga palang mahiram 'tong kaibigan mo?"

Say... say what? Ano na namang sinasabi niya? 

"Anong-"

"Sige ba. Basta hahatid mo siya pabalik ah. Ayoko atang mapagalitan nila Kuya Ray" then kinindatan niya kaming dalawa.

Wait. what?

Ano 'ko, baboy na pwedeng i-barter?!

At anong klaseng kaibigan 'tong si Hazel? Basta-basta na lang ako pinamigay?!

At sa tao pang 'to?! Kung tao man 'to.

"Sige, salamat."

"Okay, ingat. Bye best!"

"Pero-"

Hinila na ako ni Lansot. Gusto ko na sanang bumitiw, kaso ang higpit ng pagkakahawak niya.

"Saan mo ba ko dadalhin? Sisigaw ako ng rape dito!"

Ang lakas ng tawa niya, pero hinihila pa rin niya ako.

"Saan pa? Edi sa bahay ni Noel. Diba nga magsosorry tayo?"

Napahinto ako. 

Whoa... 

Naisip niya yun? Parang ang strange ha... 

"For once, nagkaron ka ng matinong idea." I tried to sound normal, kaya nga lang, gulat pa rin ako sa sinabi niya.

"I always have ideas, but most of them aren't good"

Di ko na lang pinansin. Para kasing may ibig sabihin siya dahil dun sa tonong ginagawa niya, parang may "something". Hindi ko na lang pinansin at naglakad na lang kami. 

Ang gulo nga eh. Diba, dapat galit ako sa kanya? Tapos ngayon, bigla ko na lang siyang sasabayan maglakad papunta sa isang bahay ng kaibigan namin in the middle of the night? 

"Ba't di ka nagsasalita?"

Nakakagulat naman 'to. Bigla-bigla na lang nagtatanong in the middle of silence.

"Anong gusto mo sabihin ko, ha?"

"Wala naman. Sanay kasi ako na tinatawag mo akong Lansot, or nangaasar at nambubwisit ka, or something loud"

Ganoon ba talaga ako? Kasi kung ako yung ginaganon... Mabubwisit ako eh. Well, ayos lang diba? Kung siya naman maiirita, wala na sa konsensya ko yun.

Naglalakad pa rin kami nung nagsalita ulit siya.

"Oy, malapit na tayo. Prepare mo na yung sorry speech mo."

"Ha?"

"Ewan ko sayo, bangag ka na naman."

Whatever. Pero infairness, tama na naman siya. Nandito na nga kami sa tapat ng bahay ni Noel. Ang laki talaga. Pero, wala pa rin akong masabi sa laki ng bahay ni Lansot.

"Go." Nagdoorbell siya ng di man lang nagsasabi. Kinabahan ako. Ano namang sasabihin ko? E diba dapat siya yung mageexplain kay Noel? 

Wait, ayoko na.

My SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon