Kabanata 1

26 0 0
                                    

Kabanata 1: Unang Pagkilala

Magandang araw sa inyong lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Magandang araw sa inyong lahat. Ako nga pala si Michael Christian Pelayo, 17 na taong gulang at magiging estudyante sa Votum Apricum Academy na isang pinaka-prestihiyosong paaralan sa buong bansa. Tanging mga mayayaman lang at ang mga mayroong matataas na kalidad ng kaalaman o 'di kaya'y abilidad ang nakakapasok sa eskwelahang ito.

Pero ibahin niyo ako sa kanila. Ako ay isang hamak na dukha lamang. Hindi nag-aasam ng karangyaan o kayamanan at mataas na posisyon o estado sa buhay. Oo, mahirap lamang ako ngunit masaya naman ako sa aking buhay.

Ngayon ang tanong: 'Paano nakapasok ang isang mahirap na tulad ko sa isang prestihiyosong akademya na tinitingalaan ng mga masa sa aming bansa?'

Simple, dahil lamang sa isang sulat na natanggap ko noong nakaraang ilang araw. Galing ito sa isa sa mga tauhan ng akademya. Nakalakip doon ay ang imbitasyon para sa akin na maging isang mag-aaral bilang isang skolar.

Medyo natawa pa nga ako nang maalala ko ang mga naging reaksyon ng mga pamilya't mga kaklase't kaibigan ko. Noong una, halos hindi na sila maka-galaw o maka-imik man lang. Hindi na nga yata sila makahinga sa sobrang gulat!

At dahil nga sa natanggap kong imbitasyon, nagpa-piyesta ang buong baranggay namin.

Simple lang kaming mga naninirahan dito sa amin. May mga may kaya, may mga naghihirap. Pero lahat kami ay nagtutulong-tulong sa isa't isa para maka-asenso sa buhay. Gumagawa ang lahat ng paraan para makatulong sa mga nangangailangan sa amin. Napamahal na sa akin ang aming munting baranggay.

Masaya ang naging piyesta. Nagtuloy-tuloy ang piyesta ng tatlong araw. Sa totoo lang ay nakaramdam ako ng pagkakailang sa mga pangyayari. Wala namang makikitang kahit na anong espesyal na katayuan, talento o ano mang angking kagalingan sa akin. Hindi ko mawari kung ano ang gusto ng akademya sa isang tulad ko na simpleng tao lamang.

"Oh Mike! Anong nangyari sa 'yo? Ba't ang lungkot mong tingnan? Magpakasaya ka! Para sa 'yo ang lahat ng ito oh!" Bungad sa akin ng isa sa mga kaibigan ko.

"Ah... wala. May iniisip lang ako." At saka ako ngumiti ng bahagya.

"Naku! 'Wag ka nang mag-isip pa ng kung ano-ano! Basta magpakasaya ka ngayong araw na ito! Tingnan mo, huling araw na ng piyesta oh! Huling araw mo na rin ito sa bayan." Masaya at masigla niyang sambit na aking ikinabahala.

"Ah... oo... Tama ka." Bulong ko sa aking sarili imbis na sa kanya.

Hindi ko na masyadong napansin kung nahagip niya ang tugon ko at saka siya tinawag ng iba naming kaibigan sa isang tabi. Naiwan nanaman akong mag-isa sa aking mga muni-muni. Napangalumbaba na lang ako sa may isang maliit mesa na may dalawang upuan.

Makalipas ang ilang minuto ay may lumapit sa akin.

"Oh, bakit ka nagi-isa dito Michael? Hindi mo ba nagustuhan ang piyesta?"

Ang Crush Kong FujoshiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon