Chapter 1

9.7K 99 2
                                    

"Hellloooo..." nabitin ang masayang aura ko ng makita ko na wala man ang mga kaibigan namin.

T-in-ext kasi ako ni Zuriel kanina habang nasa klase ako na magkikita kita sa apartment nya at magdala daw ako ng alak. Kaya heto ako ngayon, tequila sa kanang kamay at lemons sa kabila.

"Nasan sila? Bat ikaw lang? At bat ganyan ang hitsura mo? Para kang namatayan." dumeretso na ko ng kusina at nilapag sa dining table ang mga dala ko saka kinuha ang shot glass sa cabinet.

Ang gulo-gulo ng apartment nya. May mga nagkalat ng bote ng alak, balat ng chichirya at mga platong di nahugasan sa lababo.

Sya naman, ang gulo-gulo ng buhok. Naka shorts lang at mukhang di pa naliligo base sa amoy nya. Di naman kasuka suka pero umaalingasaw ang amoy ng alak sa hininga at balat nya.

"Sinong sila? May ine-expect ka pang ibang tao? Ako lang naman ang nakatira dito. Unless may nakikita kang di ko nakikita...???" pagod na sabi nya. Para lang syang nag na-narate imbes na nag uusap kami. Walang kabuhay-buhay. Ano bang nangyari sa isang to?

"Problema mo?" isa-isa kong pinupulot ang mga kalat at hinugasan na rin ang mga pinggan. Pagkatapos kong magligpit, dinala ko ang inumin sa lamesita sa sala nya at kumuha na rin ng chichirya na pampulutan. Dahil rich rid ang isang to, di sya nawawalan ng stock. May pumunta kasing katulong nila kada linggo para mag linis at maglaba. Namamalengke na rin ito para lamnan ang ref at cabinet nito ng pagkain.

Matagal na rin kaming magkaibigan ni Zuriel. Nakatira lang kami sa iisang village pero sila doon sila sa mga may malalaking bahay, samantalang kami dun sa may dulo na dahil maliliit na ang mga lote at bahay.

Hindi naman kami masyadong close noon, nagkataon lang na pareho kami ng pinasukang university at malapit lang ang dorm ko sa apartment nya. Pero ang apartment nya ay hindi sa mga pang middle income lang. Exclusive ito sa mga mayayaman na tulad nila.

"Anong problema?" nag indian seat ako sa may carpet habang nagsasalin ng alak sa shot glass. Since naka leggings naman ako kaya tiwala ako na di nya ko masisilipan.

"Si Louise..." malungkot na turan nya. Si Louise ay kapitbahay din namin. Actually, magkakaiba ang mga streets namin sa village namin, pero dahil sa Homeowners Association na every month ay nagpapa-party para magpulong pulong ang mga nakatira sa village namin kaya lahat kami don, kapitbahay ang turingan namin. Or ako lang dahil sila lang ang mga ka-close at kasing edad ko?

Anyway, Louise was my closest friend. Ayokong sabihing best friend dahil hindi naman kami ganoon ka close na tulad ng iba na nag-s-slumber party pa. And she is also Zuriel's one and only love.

Kung saan mag aral si Louise, doon din si Zuriel. Kahit ngayong college na kami, ganoon pa rin sya. Nagkataon lang na kami ang nagpareho ng course na Industrial Engineering at si Louise naman ay nag nursing. Tinukso ko nga sya noon kung bakit di sya nag nursing, sabi nya pambabaeng kurso lang daw yon. Napaka sexist talaga.

Simula first year palang umaanino na sya sakin. Sunod ng sunod dahil nagpapalakad kay Louise. Nung una ok lang kasi wala pakong masyadong mga kakilala noon. Pero nung nag second year na at third year at marami na kong mga nagiging kaibigan, specifically mga babae, ay nakakairita na dahil lagi nila akong tinutukso bakit daw di ko pa sya sagutin dahil ang tagal na raw nyang nanliligaw. Like duh?! Ilang beses ko ng in-explain sa kanila pero di sila naniniwala. Excuse lang daw nya yun para mapalapit sakin. Kung alam lang nila.

"Huy! Nakikinig ka ba?"

"Aray ko naman! Brutal!" tinampal nya kasi ako sa may braso kaya tumilapon yun hawak kong alak. "Ano ba yun? Sensya na pagod lang."

Ngayong fourth year na kami, mas lalo kaming naging close kaya siguro komportable na kami sa isat isa. Pero minsan naiilang pa rin ako sa kanya dahil lalake pa rin sya pero sya mukhang wala ng hiya.

"Sabi ko b-in-asted na ko ni Louise." maluha luhang sabi nya. Naawa naman ako sa kanya dahil alam ko kung gaano sya namuhunan para lang mapansin ng isa.

"What's new, pussycat?" ngumisi pako para kahit paano maibsan ang lungkot nya.

"Tsk! Basted na nga ang tao nakukuha mo pang magbiro. Asan ang awa mo?" nagtatampo kunwari nyang sabi. Alam ko naman na di nya sineryoso ang sinabi ko.

"Uso ang move on. Saka ilang beses ka na ba nyang binasted pero sige ka parin. Bakit ngayon nga-nga ka dyan?" lick, shoot, suck. Nauna nakong mag shot kasi mukhang walang balak tumigil na tumalak ang isang to.

"May boyfriend na sya." umiwas sya ng tingin sakin pero nakita ko pa rin na may dumungaw na mga luha sa mga mata nya. Kawawang bata talaga.

"Ang mabuti pa, i-shot mo nalang yan." inabot ko sa kanya ang shot glass pero di nya to tinanggap kaya ako nalang ulit ang uminom.

"Suko na ko. Time na talaga para mag move on." ang bading talaga ng isang to. Pag in-love yata talaga nakaka corny. Di pa naman ako na-i-in-love kaya di ako sure pero base sa nakikita ko, ganun na nga yon.

"Sure ka na ba dyan?" lick, shoot, suck. Napaubo ako sa ikalawang shot ko. Napaka tapang talaga! "Whoo! Kaw naman." inabot ko ulit ang shot glass na may laman at inabutan sya ng asin at lemon pero di nya kinuha ang mga to at straight na nilagok ang alak. Iba talaga to kung lumaklak. Madalang lang naman syang uminom pero pag iinom todo-todo.

"Whoo! Pampaalis ng toma. Naka isang case ako ng san mig light kagabi kaya ang sakit ng ulo ko maghapon." kita? Ibang klaseng uminom to pag nakasumpong. Sunog baga talaga.

"Ibang klase." at tumungga na ulit ako. Hindi naman ako natatatok na pagsamantalahan nya ko kaya ok lang sakin na kami lang dalawa ang uminom. And besides, ng malaman ni daddy na pareho ang university namin, binilin nya dito na i-look after ako. Nakakahiya nga eh. Binigyan pa ng responsibility ang isang to.

"Hey! Let's play card. Pokies." nakangising sabi nya. Mukhang tinamaan na rin dahil mapupungay na ang mga mata nya. Ako naman, tipsy na rin pero kaya pa. Siguro makikitulog nalang ako sa spare bedroom nya.

"Mahina ako dyan. Truth or dare nalang." wala na rin naman kaming ibang mapagkwentuhan. Kanina pa sya rant ng rant about sa kanila ni Louise. Dumudugo na nga ang tenga ko eh.

"I'll go easy on you. Promise." nakangisi na sya ngayon pero mapungay pa rin ang mga mata dahil sa kalasingan.

"Fine. Whatever." tinungga ko na ang pang walong shot ko na ng tequila.

"Bigyan natin ng twist ang laro." nakakaloko na ang ngisi nya at medyo naging alert ang mga mata.

"Bawat talo, isang saplot ang huhubarin."

The Kissing Game Series 5 - Strip PokiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon