1. Kopya there. Kopya here. Kopya everywhere!

683 29 17
                                    

1. Kopya there. Kopya here. Kopya everywhere! 

Ang isa sa pinaka malaking issue dito sa wattpad. 

Ang Originality. 

Ang iba dito nakaranas na ng ganun. Kinopya ng iba yung works nila. Yung iba nga, hindi na talaga nahiya eh pati yung book cover kinopya na din! Ang hindi ko lang maintindihan eh bakit ba nangongopya sila?

May sariling imagination din naman sila diba? Pero baka may ibang reason rin yung nangopya ng story mo. Siguro dahil gusto din nilang sumikat katulad mo. Siguro gandang-ganda sila sa story mo at wala na silang maisip na gawin kundi gayahin nalang eto.

Or worst, trip trip lang nila.

Pero kahit ano pang reason yan, masama pa rin yun. 

"Ay. Kinopya ko lang naman yun kasi natutuwa ako sa story na yun."

Natutuwa? Edi mag-comment ka na natutuwa ka! Mag-send ka ng message! Mag-post ka ng mala-MMK na comment sa wall ng author na yun para mapansin ka! Hindi yung gagayahin mo. 

Meron pa nga ding iba, halos buong paragraph kopyang-kopya! Walang kulang, walang sobra. Pero yung iba, konti lang yung tinanggal at dinagdag pero yung paragraph talaga, kopya niya!

Maganda ang uniqueness. Halimbawa, may naghahanap ng story yung isang tao na kaiba-iba tapos napa-daan siya sa story mo kasi kakaiba yung title.

Ang Unggoy na Tumatahol 

Mga ganyang ekekbureche po. Kung masyado namang common yung title mo, I Love You asahan mong magkakaroon lang yan ng konting reads kasi nga too common, andami mong kapareha na title. Pero kung sinuswerte ka, edi good.

Just remember this...

You are born original. Don't die as a copy. 

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon