The girl who knocked
Nov. 14,2015
X.A.M CONDOMINIUM
YUKO POV
naalimpungatan ako dahil sa ingay sa labas.parang tunog helicopter at mga wang-wang ng mga police car.tinignan ko ang paligid pero dilim lamang ang bumungad sa akin.teka anung oras na ba? otomatikong napatingin ako sa wallclock na nakadikit sa dingding.alas tres pala ng umaga.napakaingay naman!wala akong nagawa kundi ang tumayo para tignan kung anong nangyayari sa labas,binuksan ko ang kurtina at nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa kanya.nagulat ako dahil ang daming tao sa labas may nangyari ba? wala akong alam kung ano ang nangyayari sa paligid.kinutuban ako ng masama.tinignan niya ang kalangitan madilim pa pero bunsod sa helicopter nagkaroon ng liwanag.Maraming helicopters ang nasa langit tumingin naman ulit ako sa baba ang mga sasakyan naman ang nagmamadali pero ang nakakapagtataka lang ay maraming tao ang tumatakbo eh alas tres palang ng umaga eh.Dahil dun mas lalo akong kinutuban.
Nakakunot akong tumingin sa labas at iniisip ang posibleng nangyari.'Baka world war 3 na ng hindi ko lang namamalayan' di naman siguro. sa huli ay ipinag-walang bahala niya na lang ang nangyayari sa labas.pumunta ako sa aking mini-kitchen at kumuha ng malamig na tubig sa aking maliit na ref at ininom ko ito ng deretso.dahil nawala ang antok ko ay mabuti pang magligo at iprepare ang kelanganing gamit.
Bumalik ako sa kwarto para simulang ayusin ang aking magulong higaan ng masatisfy ako ay kumuha ako ng tuwalya sa cabinet.Deretso ang punta ko sa banyo para gawin ang routine ko.
Ako si Yuko Dy lumaki sa bahay-ampunan at mga madre ang kinagisnan kong magulang.okay naman ang buhay ko sa loob hanggang sa inampon ako ng mag- intsek mabait sila at maalagain binibigay nila kung ano ang gusto ko ni walang kapalit sila na siguro ang pinakadabest parents na nakilala ko pero sa kasamaang palad maaga silang kinuha sa akin.Namatay sila sa car accident at dead on arrival na sila pagdating sa Ospital.Umiyak lang ako ng iyak noon di ko alam ang gagawin buti na lang nandun si Jason ang boyfriend ko siya ang nag-alo sa kin.two years na kaming may relasyon.sa pagdaan ng araw ay naging maayos ako bumalik ako sa dati lahat ng mana nina dad napunta sa akin dahil ako lang nag-iisang anak nila.
'life is full of shit'
nakakainis isipin na kung sino ang binibigyan mo ng atensyon at ng pagmamahal mo ay siya pa ang madalas na nawawala.wala talagang permanente sa buhay may mawawala at may darating at sa case ko lahat nawawala wala namang dumarating.
tumingin ako sa salamin at ngumiti,a biiter smile.
"hahaha"-tumawa lang ako ng tumawa at namalayan ko na lang na umiiyak na ko.
bakit ba ang dali-dali nila akong iwanan?
may nagawa ba kong mali para ganituhin nila ako?
malas ba ako?
"isa lang naman ang sagot eh..."nakangiti kong sabi.
"basura ka"-dugtong ko.
bago nilisan ang banyo ay pinahid ko ang luha ko at lumabas na.Nagbihis ako at bumalik sa bintana.
Ganun parin ang nangyayari na yan.magulo ang paligid at maingay.sinarado ko ang kurtina at bumalik sa higaan.
"shit na world war 3 na yan!"-inis na sabi niya.
Napatigil ako ng marealize ko kung ano ang sinabi ko bago lang.
" haha.world war 3,seriously?"
pero hanggang ngayon palaisipan pa sa akin kung ano ang nangyayari gusto mang lumabas para tignan kung ano pero di na ko na kaya lalo pat hinahatak na ko para matulog.