Spreading
Andrew P.O.V
guilt..
ang nararamdaman ko ngayon dahil sa nangyari kanina,i felt useless.kakapangako ko palang pero agad ding nabali.ang sabi ko di ako susuko pero ako pa pala yung susuko.
buti na lang dumating kanina sina kiven at niligtas niya kaming dalawa ni eunice.yup,kilala ko na silang tatlo si Kiven,Yuko yung babae,at si Mika yung batang babae.at kay Yuko
Napatingin ang gawi ko kay Eunice na ngayon nakikipag-usap kay Yuko.halatang nagkakasundo na sila.
Nang bumaling ang tingin niya sa akin ay agad naman akong umiwas ng tingin.hiyang hiya ako sa sarili ko.
"oh shit!nasa labas yung humahabol sa atin"-sabi ni Kiven ng makalapit siya sa amin sa Sala galing pintuan.
"ano nang gagawin natin?di naman tayo pwedeng manatili dito"-mahinang sabi ni Yuko.
"maghintay lang tayo ng ilang oras at kapag nawala narin ang zombie na humahabol sa atin.sa ngayon magpahinga muna kayo Eunice,Andrew.alam kong pagod na kayo."-utos ni Kiven.
wala kaming nagawa kundi sundin ang utos niya.well,pagod narin kami.
"doon yung kwarto"-turo ni Yuko sa isang pinto na sirado.
"Thank you."-mahinang bulong ko sa dalawa.
Lubos talaga akong nagpapasalamat sa dalawa sa pagliligtas sa amin dun sa zombie at sa pagpapatuloy nila dito sa amin.
Napabalik lang ako sa sarili ko nung tinawag ako ni Eunice.
"Andrew..."
Napagawi ang tingin ko sa kanya at agad ko namang iniwas.di ko pa kayang makipagsabay ng tingin sa kanya...sa ngayon.
Humiga ako sa kama at tumalikod sa kanya.alam kung nakatayo siya sa likod ko at nagtataka sa kilos ko.
"andrew anong problema?"-nag-aalalang tanong niya.
"wala..."-tanggi ko.
"meron eh.sabihin mo p..pabigat ba ako?mahina ba ako?kailangan mo pa ba ako o hindi na?s-sorry"-narinig kong nagiging garagal ang boses niya.
Nalaki ang mata kong napabalikwas sa kama at bumangon sa paghiga bago lumapit sa kanya.
"what?! no way!!.di ka pabigat sa akin"-alo ko sa kanya."infact ako nga dapat ang mag-sorry eh dahil di kita pinagtanggol kanina.nawalan ako ng pag-asa.nabali rin ang pangako ko sayo na poprotektahan kita.s..sor..ry"-di ko alam na umiiyak na pala ako habang sinasabi yun.
"oh,Andrew"
masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko at pinunasan niya rin ang natitirang luha sa mukha ko.ganun rin ang ginawa ko sa kanya.
masuyo ko siyang tinignan sa mata hanggang sa mapadako ang tingin ko sa malalambot niyang labi. na-tempt akong halikan siya pero baka magalit siya sa akin at yun hindi ko kakayanin.
Napatingin ulit ako sa mapupungay niyang mata at nagulat akong nakatingin rin siya sa aking labi.napangisi ako sa aking naisip.
iseduce ko kaya siya?
dinilaan ko ang aking labi kinagat ang ibabang bahagi ng aking labi. nakita ko kung pano siya napalunok.may epekto parin pala ako sa kanya.
Malaki ang ngiting nakapaskil sa aking labi.
"anong ngiti-ngiti mo?"-nakakunot niyang tanong.
"masaya lang ako na buhay pa tayong dalawa"-ang nasabi ko na lang.
niyakap ko siya ng mahigpit at pa bago pa siya makasalita ay buong puso kong hinalikan ang kanyang labi.
napakalambot..
hinding-hindi ko talagang pagsasawaan ito.sana ganito na lang.walang sagabal.walang zombie.
kumalas ako sa pag-akap sa kanya na kahit ayaw ko pa.
"mahal na mahal kita"-buong panlalambing ko sa bi sa kanya.
"ako rin.mahal na mahal rin kita"-sagot niya sa akin.
kinuha ko ang kamay niya at masuyong hinalikan iyon habang nakatingin sa kanyang mga mata.
i guide her papuntang kama para humiga.kinuha ko ang ulo niya at hinilig sa naghihintay kong bisig. dahil na rin siguro sa pagod ay madali kaming nakatulog.
~~~~~~~~~~~~~
THIRD PERSON P.O.V
pasalampak si kiven sa sofa at halata sa mukha nito ang pagod at puyat.naawa naman si yuko sa kanya.
"matulog ka na lang muna. at ako na muna ang magbabantay kay mika"-sabi ni yuko.
Papikit-pikit si kiven na tumango kay yuko tanda ng pagsang-ayon.
Nang makita ni yuko na tulog na si kiven ay nagsimula na siyang hanapin si mika.
Samantala...
takot na takot ang bata na kumapit sa lalaki.ayaw niyang maghiwalay sila.
"ligtas ba tayo dito?"-tanong ng babaeng nasa edad bente.
"di ko alam"-sagot sa kanya ng kausap.
narinig ng bata ang mga hinaing,sinabi ng mga kasamahan niya sa isang kwarto.
siyam silang nadidito.at lahat sila ay katulad niya.takot na takot.
ang iba ay nagsisimulang umiyak.ang iba naman ay kinimkim ang lungkot.ang iba naman ay tahimik lang.siya,kanina pang tahimik na umiiyak sa hinatnan ng kanyang ina.
"wag kang mag-alala maliligtas tayo dito.maniwala ka lang"-pag-aasure ng lalaking kinakapitan niya.
walang nagawa ang bata kundi tumango at maniwala sa lalaki.
"teka bata anong pangalan mo?,kanina pa kita kasama pero hanggang ngayon di pa rin kita kilala"-nagtatakang sabi ng lalaki.
"Angel po."-sagot ng batang nangangalang Angel.
"ang gandang pangalan.ako naman si Robert....kuya robert"-magiliw na sabi ng lalaking nangangalang robert.
Namumungay na ang mga mata ng bata tanda ng pagkaantok.
Nakita iyon ni robert kaya hinawakan niya ang ulo ng bata at hinilig pahiga sa kanyang naghihintay na hita.
"matulog ka na muna.halatang pagod ka"-ang ssabi na lang ni robert.
Nang makitang tulog na ang bata ay napabuntong hininga siya.ayaw niyang ipakita kay angel na takot siya.
Napatingin siya sa kanyang paligid.nakita niya ang mga kasamahan niyang mukhang pagod na.di na diguro na kayanan ang nangyari.
nakramdam na siya ng antok ng makita niya ang kasamahan niyang nagsisimulang matulog.
Napahikab siya at sinimulang pinikit ang kanyang mata.
ganun rin ang ginawa ng iba.
di na inaalintana na may zombieng naghihintay sa labas....