The new visitor
November 14,2015
Hour ago..
KIVEN P.O.V
"Mark bilisan mo?"-sigaw ko sa ko sa kaibigan kong nasa likod ko.
"Ahh.pare tulungan mo ko"-sigaw niya
Huminto ako sa pag-takbo at balak sanang tulungan si Mark sa likod ko pero huli na ng kinagat siya ng isang zombie.
"ahhh.t-tulong!!.ahhhh"-palahaw niya.
Itinapon niya sa akin ang hawak niyang baril at sinalo ko naman bago siya nabuwal kasama ang zombie.
Nanlaki ang mata ko sa aking nakita.
tumingin-tingin ako sa paligid madilim pero napakaingay.
'rrrrgrawrrrr'
isa
dalawa
tatlo
apat
shit.dumadami ni sila gusto ko mang tulungan si mark ay di ko magawa lalo pat mas dumadami na sila.
Tumingin ako kay Mark at sa nangungusap nitong mata. May luha sa kanyang mata at halatang nasasaktan na siya ako man ay naiyak na rin. di ko gusto ang nangyayari ngayon sa amin pero wala akong magagawa.ito na eh.
Naaalala ko na naman ang nangyari.
gutom na gutom ito habang kinakain ang lamang-loob ni mark.
Warak na ang katawan niya kaya kita ko ang lamang loob niya pero mulat pa rin ang kanyang mata na nakatingin sa akin.
"go.."-he mouthed.
Dun lang ako natauhan kaya nagsimula na akong humakbang patalikod.
"sorry mark "-mahina kong sabi na lumuluha pa.
*tick*
sabay-sabay silang napatingin sa akin.
'rrrgrawrrr'
shit
dali-dali akong tumalikod at tumakbo palabas sa eskinita.
kahit sino ay nabundol ko pero wala akong paki lumalabo na rin ang paningin ko bunsod ng pag-iyak.
takbo lang ako ng takbo kahit hinihingal na.
Nang maramdaman kong wala ng sumusunod sa akin kaya napagdisiyonan kong maglakad na lang para makakuha ng lakas mamaya. Hindi ako kampante sa paligid dahil baka sumulpot na lang bigla at ma-caught of guard ako.
Napatigil lang ako sa paglalakad ng may narinig akong iyak.hinanap ko saan nanggaling ang tinig.
Nakita ko ang isang bata na umiiyak habang nakatingin sa isang babae na nilapastanganan ng isang zombie.nakaramadam ako ng awa.
umuungol pa ito at sumisinghot-singhot halatang gutom dahil hayok na hayok nitong kinain ang laman ng isang babae na nasa edad 30 pataas.
Sumigaw ang bata kaya napatuon ang attention ng zombie.
Nasa likod ako ng zombie kaya di niya ako nakikita.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kutsilyo sa kanang kamay ko at baril naman sa kaliwa.
Dahan-dahang lumapit halos buhatin ko na ang paa ko para lang di makagawa ng ingay.
Nang makalapit na ko ay dali-dali kong sinaksak ang ulo niya at natumba na lang bigla.