Outside the door

3 1 0
                                    

Outside the door

THIRD PERSON P.O.V

Dahil sa sigaw ay nagising si yuko at ganun din si mika. Si Kevin naman ay tumigil sa pagkain. Ang mga tao naman na nasa labas ay di makagalaw. Sa loob naman ay di nila alam ang kanilang gagawin.

Si yuko ay tumayo sa pagkahiga at pinuntahan si kevin na ngayon ay kinakabahan. Ganun rin siya.

Si mika naman ay nandun pa rin sa loob ng kwarto at pilit sinisiksik ang sarili sa headboard ang kamay nito ay nakayakap ng mahigpit sa unan habang umiiyak.naalala naman niya ang nangyari bago sila mapadpad sa apartment ni yuko.

"Ahhh"-sigaw niya ng may humawak ng kamay

"Hey it's me"-usal ng binata.

halata sa mukha ng binata ang pag-alala di biro ang sinapit ng batang ito. yumakap si mika kay kiven at gumanti naman ito. inalo naman siya ni kiven.

"Shhhh tahan na"-alo ni kiven

"We have to go outside delekado na tayo dito"-nag-aalalang saad ni yuko.

Tumango naman si kiven tanda na pagsang-ayon niya kay yuko. Hindi na safe ang lugar para sa kanilang tatlo. Sa sigaw palang kanina halata ng may nakapasok namang zombie sa hotel.

Yuko packed her things,yung kelangan lang. Si kiven naman ay pumunta sa kusina para maghanap ng sandata o kahit anong makadipensa sa kanila. Kumuha siya ng isang kutsilyo ng makita niya ito. Patuloy pa rin siya sa paghahanap ng pumasok si yuko na bitbit si mika.

"Anong hinahanap mo?"-takang tanong ni yuko.

"Looking for something na makasalba sa atin"-sabi ni kevin

"Wait,nasan na ba si vivien?"-takang tanong ni yuko

"Tama"-sabi ni kiven at dali-daling tumakbo sa banyo.

Pumasok siya at di niya pinansin ang bangkay ni vivien at kinuha ang tubo na may mantsa pa ng dugo.

"Eh anong gagawin mo diyan?"-tanong ni yuko

"Wala ka bang barbwire o di kaya mga pako?"-tanong ni kiven

"Wala"-simpleng sagot ni yuko

"Ah okay"-saad niya sabay lahad ng tubo kay yuko.

"Anong gagawin ko diyan?"-takang tanong ni yuko.

"Isaksak mo  sa baga mo"-bwesit na sabi ni kiven.

Tumalikod si kiven at kinuha ang baril sa bewang nito at tinignan kung may sapat na bala pa ito.

Pagtingin niya kena yuko at mika ay kumakain na ito. Pinabayaan na lamang niya. Umupo siya sa sofa at hinanap ang remote manonood mo na siya ng balita baka may mahanap sila ng safe na lugar pero sa kasamaang palad walang kuryente. Napabuga na lang ng hangin siya dahil sa inis.

"Uhm what's your name miss?"-nahihiyang tanong niya.

"Yuko"

~~~~~~~~

Nasa harap na sila ng frontdoor and ready to face their destiny outside kahit na kinakabahan silang tatlo sa?kaloob-looban pero iba naman ang nasa mukha determination is the right term.

Napapawis ang kamay ni kiven ng hawakan niya ang doorknob at parang slowmo na pinihit ito. Nang makasiguradong bukas ang pinto ay unti-unti naman nitong binuksan ang pintuan.

Kasabay ng paglabas ng tatlo ang pagsigaw ng nasa baba...

----------

Di makagalaw ang mga tao na nasa groundfloor ng marinig nila ang sigaw. Mga 20 ang mga tao.Kinain na rin ng takot ang kanilang katawan. Lahat nanginginig ang kamay. Lahat ay di gumagalaw. Hinihintay lang nila kung ano ang mangyayari.

'Rrrrgrawrrr'

Ungol ng bata ng matapos kainin ang ginang. Walang laman ang tiyan ng ginang puro kalmot at kagat na rin ang katawan. Di pa kuntento ang bata gusto niya pang kumain. Tumakbo siya sa nakaawang ng pinto at lumabas. Tumigil muna siya at suminghot-singhot.

'Rrrgrawrrr'

Ungol niya uli at tumakbo pailalim ang bata at tumigil naman siya gitna ng hagdan at suminghot-singhot ulit bago tumakbo muli sa kanyang hapunan.

Lahat ng tao ay iyak lang ng iyak ng makita nila ang batang lalaki na infected. Tumutulo ang laway nito walang mababakas na emosyon sa kanyang puting mata. Natigalgal lang sila.

"Mommy natatakot ako"-bulong at sumisigok na bata.

Di sumagot ang nanay niya dahil bumaling sa kanyang anak ang batang infected. Kahit na gusto niyang buhatin ang anak at tumakbo palayo sa batang infected ay di niya magawa parang napako ang paa niya sa inaapakan niya lalo na't malapit sa kanila ang batang infected.

Tumakbo ang batang infected sa kanya kaya dun nasa naalarma. Nang napakalapit sa kanyang anak ang batang infected ay dun na gumalawang kanyang paa. Lumapit siya sa anak and she pushed her palayo sa kanilang kinatatayuang at siya naman ang nahagip nito. Kinagat siya nito sa likod dahil di siya nakapalag sa higpit ng yakap sa kanya.

"Mommy!!!"-sigaw ng bata at umiyak.

Ang mga tao naman ay nanlaki ang mata sa nasaksihan yung iba ay kumaripas ng takbo sa palayo sa bata and the other were stunned para bang mabigat ang kanilang paa kung igagalaw nito.

Dahil sa sigaw ng bata ay nakuha niya ang atensyon ng infected. Patakbong lumapit sa kanya ang infected na naglalaway pa marami ring dugo ang mukha.

"Wag!!"-sigaw ng nanay niya.

Bago pa man siya makapunta ay hinatak na siya ng ginang sa paa at pilit hinahatak palayo sa kanyang anak.

Umungol ito ng umungol. Pero di siya binitawan ng ginang. He was desperate to eat that child pero di niya magawa.

Tumakbo ang bata palayo sa infected at lumapit sa isang lalaking nasa edad 30 para humingi ng tulong pero di pa rin gumagalaw sa kinatatayuan nito.

Unti-unting nabibitawan ng ginang ang bata dahil nanghihina na ito at nag-iiba na rin ang kanyang pakiramdam. Nang makawala sa gapos ang infected ay tumakbo sa matandang babae na malapit sa kanya.

Di makagalaw ang babae sa gulat ng makalapit sa kanya ang infected na bata.sinunggaban siya nito at sabay sila nabuwal.

"Ahhhhh tulong!tulong"-sigaw ng matanda at pilit na nanlaban.

Mahina na ang matanda kaya madali lang sa infected na kagatin siya.kita pa ang masasaganang dugo na umagos sa leeg kung saan siya nakagat nito.iyak lang ang sagot ng matanda.

Dun na gumalaw ang mga tao sa groundfloor at dumiretso sa hagdanan habang busy pa ang infected sa kanyang kinakain.

Binitbit ng lalaki ang batang babae at kasama rin sa tumatakbo paakyat sa hagdanan. Pero laking gulat niya ng may isang babae ang humarang sa kanila. Wasak na ang tiyan at puro kalmot at kagat ang katawan,walang emosyon ang puting mata nito pero mabagsik ang mukha,naglalaway ito at puno ng dugo ang katawan.

Umungol ito at walang pasabing tinungo ang kanyang unang bibiktimahin na malapit sa lalaki. Nahulog ito kasama ang ang limang tao na nasa likod ng biniktima.Walang pagkaundagaga na umakyat ang natitirang kasamahan niya.sampu silang umakyat ng hagdan.they were like in marathon na pilit na nag-uunahan papunta sa rurok yung pinagkaiba lang ay may humahabol sa kanila.

Di nila alam kung saan unang kakatok at kung meron bang may magbubukas sa kanila.what if,infected rin ang nasa loob ng bawat kwarto.pero agad ding nawala ang pag-alala ng may nakita silang isang tao sa 4th floor na parang inaanyaya silang pumasok.dumiretso sila doon at pumasok.

Ang sa hulihang dalagang babae ay nadapa pa kaya naiwanan siya. Ang mga kasamahan ay tila nag-alinlangan tulungan gayong malapit sa kanila ang isang infected.mabangis ang anyo at duguan ito may kagat sa pisngi kaya kita ang laman.......


---------------

Ariel Gade as Mika


LockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon