Behind them

2 1 0
                                    

Behind them

Eunice P.O.V

humingi ako ng tulong pero halos lahat sila nagdadalawang isip kasama na si andrew ang aking kasintahan.lahat sila ay takot na nakatingin sa likod ko.isa lang ang ibig sabihin nito merong zombies.

Nahihirapan akong tumayo dulot ng panginginig ng aking tuhod dahil sa lubos na takot.

naririnig ko na ang ungol.

Nakapikit ako kaya di ko alam kung nandiyan pa ba ang kasamahan ko o wala na dahil sa nakakabinging katahimikan.

Awang-awa ako sa sarili ko dahil sa napakaduwag at takot ko.Ayoko pang mamatay,ayokong mamatay ng walang laban.

di ko mapigilan ang mapaluha.

God,please save me.

nakarinig ako ng yapak galing ito sa harap kaya alam kong hindi ito yung zombie.

"eunice..."-bulong niya malapit sa tenga ko.

sa boses pa lang kilalang-kilala ko

si andrew

nakarinig naman ako ng panibagong yapak galing ito sa likod ko.

Narinig ko pa siyang umungol.

"tutulungan kita"-bulong ni andrew.

Nangangatog pa ang tuhod ko.

"natatakot ako,ayoko pang mamatay"-bulong ko.

"shhhh....nandito Lang ako..di Kita iiwan"-bulong niya sa akin

hinawakan niya ang aking balikat at pilit pinatayo pero di ko magawa dahil sa sobrang takot.

"makisama ka naman please?"-bulong niya sa akin.

iyak lang ang sagot ko.

di kami maliligtas at mabubuhay kung ako mismo pinapatuloy ang takot ko dapat maging matapang ako....tama!!

but first is tumayo ay muna.....

huminga muna ako ng malalim at tumayo.wala sa isip na napingiti ako.

~~~~~~~~~~~~

Andrew P.O.V

natakot ako ng makita ko si Eunice na nakadapa at umiiyak pero mas dumoble ang takot ko ng makita ko ang isang zombie....

napatinging ako sa mga kasamahan ko at nakita kong umiling sila na parang sinsabing 'pabayaan mo na siya' no..hindi pwede.

inipon ko ang lakas ko bago lumapit sa kanya.

tinulungan ko siyang tumayo pero nung una ay nahirapan ako.

Napabiling ang tingin ko sa Zombie na hanggang ngayon ay nakatayo lang na para bang nag-mamasid.

at sunod naman ay nasa likod pero wala ng tao.

ilang minuto ba kami nandito?

kinakabahan ako hindi sa sarili ko kundi para kay eunice dahil katulad ko ay takot rin siya...alam kong may lakas pa ako pero siya....wala na.

nawala sa isip ko ang zombie kaya di ko namalayan nakalapit na pala siya.

Nagulantang na lang ako ng matumba ako kasama si eunice.nakaharap siya sa akin at nakatalikod siya sa zombie ibig sabihin,kaharap ko ang zombie.

'rrrgrawrrr'

ungol ng zombie.

Nakikita ko ang bakas ng takot sa mata ni eunice at nararamdaman ko rin ang nginig ng katawan niya niya......katulad ko rin.

LockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon