Attention and Distraction
Yuko P.O.V
napatingin ako kay mika na ngayon ay ninamnam ang kanyang pagkain.
napangiti ako ng may nakita akong dumi sa gilid ng kanyang bibig.napangiti ako dahil dun.bata pa nga talaga.
ilang taon na nga ba siya?
"mika lapit ka nga dito"-nakangiti kong utos.
inosente naman itong napatingin sa akin pero agad din namang lumapit sa akin at nagtanong.
"ano po yun ate?"-magalang na tanong niya.
mas lalong lumaki ang ngiti ko ng tinawag niya akong ate.masarap pala sa pakiramdam kapag may kapatid ka lalo ng kung bunso ito.nakakapaglukso ng damdamin.
"may dumi ka sa mukha"-ang sabi ko sa kanya.
gamit ang hawak kong bimpo,pinahid ko ang dumi sa gilid ng kanyang labi.
"salamat ate"-magalang parin ang kanyang pagkasabi.
"ilang taon ka na?"-tanong ko sa kanya.
itinaas niya ang kamay at pinatiklop ang tatlong daliri.
"ah seven ka na pala"-nasabi ko na lang.
napakagiliw talaga ng batang 'to.
Alas dos na ng hapon at kami palang dalawa ang gising.marahil sa pagod at puyat kagabi kaya hanggang ngayon tulog parin ang tatlong kasamahan.de bali gigising rin yan maya-maya.
"tapos ka na pala"-nasabi ko yun ng makita kong wala ng tira sa kanyang pinggan.siya lang muna ang pinakain ko na ng natitirang agahan namin kanina,ako sasabay na lang sa tatlo.
"opo"-sagot niya.
"hala,sige.maghugas ka na ng kamay at ako na ang bahala dito"-utos ko sa kanya at agad niya namang ginawa.
Nakita ko siyang bumalik sa sofa kung saan si kiven.sumampay siya kay kiven.akala ko magigising si kiven pero walang epekto ang pagsampay ni mika sa kanya.
nakagaanan siguro ni mika si kiven kaya sobrang atatch niya dito.well,gwapo naman si kiven-ano ba naman ang pinagsasabi ko.
Nagpasya akong hugasin ang pinggan ni Mika para makapagsimula ng bagong lulutuin.Nang matapos akong maghugas ay deretso ako sa ref upang tignan kung ano ang lulutuin ko....yun ngalang walang laman.nakalimutan ko palang mag-grocerry kahapon.patay.
ang tanga ko.
Ang sunod naman ay ang drawer sa ibabaw ng mga lalagyan ng kubyertos o mga aparatus ng kusina.nagbabasakaling may mga instant noodles akong mga natira at yun nga meron pero lima na lang ang natira.
Winaglit ko sa isip ko ang kaba ng malaman kong wala na akong stock ng pagkain.dahil ibig sabihin lang nun ay kelangan na talaga naming lumabas dito kung ayaw naming mamatay sa gutom.
Nagpakulo na ako ng tubig at hinihintay ko lang bumukal,hinihintay ko na ring magising ang tatlo para kahit papano magkalaman ang tiyan.kahit na gusto ko silang gisingin ay nakakahiya naman,alam kong sobrang napagod talaga sila.
dahil matagal pa naman itong kumulo,pinuntahan ko muna si mika para tignan kung ano ngayon ang ginagawa niya.wala na siya kasi sa ibabaw ni kiven.
kinabahan ako ng hindi ko siya makita sa sala kaya napagdeseyonan kung puntahan ang kwarto baka nandun siya.pero dalawang kasintahan lang ang bumungad sa akin na mahimbing parin sa pagtulog at may naririnig pa kong mumunting hilik.
Ang sunod naman ay ang C.R pero wala din siya dun.nagsimula na akong magpanick.
asan ka na ba mika?