Steph's POV
Naka-yakap sa'kin si Kenneth.Hindi agad naka-sink in sa utak ko kung ano ang ginagawa niya.Nang ma-realize ko kung ano ang ginagawa niya bigla akong umalis sa pagkaka-upo ko at tumayo.Nagulat siya sa ginawa ko.
"Bakit ka yumayakap sa'kin?!"Biglang sigaw ko sa kanya.Nagulat sila sa pag-sigaw ko.
"S-steph,s-sorry..."Bigla siyang nalungkot.Naaawa ako sa kanya ngayon.Alam kong ayaw niyang mawala ako sa kanya.Ako rin naman eh.Kaso nga lang niloko niya ako eh.Malamang masakit,at alam kong masakit rin sa kanya na mag-break kami.
Nagulat ako kasi may tumulong luha sa mga mata ko.Pinunasan ko yun.I run as fast as I can away from him.The're calling me but I didn't look.Patuloy pa rin ako sa pagtakbo.Pero hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin sa pagtulo ng mga luha ko.
Pumasok ako sa room ko.Humiga ako sa bed ko.Sinubsob ko ang mukha ko sa unan ko at umiyak ng umiyak.Hindi ko maintindihan kung bakit ang sakit ng puso ko.Alam kong nakapag-move on na ako pero bakit ganito?Bakit sa tuwing nakikita ko siya ay bumabalik lahat ng sakit?Sa tuwing naaalala ko ang nakaraan nasasaktan pa rin ako.
Narinig kong bumukas ang pinto.May tumatapik sa likod ko.
"Ba't ka umiiyak?Bakit ka umalis 'don?"Boses yon ni Bosx.Tumingin ako sa kanya.Worried na worried siya.Nagbuntong-hininga ako.Pinunasan ko na ang luha ko at pinakalma ang sarili.Umupo ako ng maayos.
"Sorry kung umalis ako don.Hindi ko na kasi kinaya.Ewan ko.Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa'kin.Hindi ko nga rin alam kung bakit ako umiiyak.Naka-move on na nga ako pero bakit ganito?Ang sakit.Bakit pa niya ako pinapahirapan?"Umiiyak na naman ako.Niyakap naman ako ni Bosx.
"Kinausap namin si Kenneth kanina.Tinanong namin siya kung bakit pa siya bumalik.Sabi niya gusto niyang mag-sorry sayo sa mga ginawa nya.Ayaw niya rin naman daw na maghiwalay kayo eh.Mahal ka pa rin daw niya eh.Pero ang totoo daw pala kaya daw siya bumalik para kay Corine.Sila na daw eh.Magso-sorry lang daw sayo."Nagulat ako.Mahal niya ako pero sila na ni Corine?Ang akward.
"Ang akward.Sabi nya na mahal pa rin niya ako pero sila na ni Corine?Ang gulo niya talaga promise.O baka ang ibig niyang sabihin ay mahal pa rin niya ako pero mas mababaw na yung pagmamahal niya kay Corine.Am I right?I said.Bosx nodded.Ngumiti ako.Mabuti na lang na wala na.
"Com'on.We're going back there.I think it's now ok to you to speak up with him.It looks like you now have confidence to face him.Come."Naka-ngiting sabi niya.Hinila na niya ako.Mabuting nandito siya para sa'kin.
Pumunta na kami sa tambayan namin.Nakita kong naka-upo lang si Kenneth na naka-tungo.Tumingala siya at tumingin sa'kin.Sila ate Crizelle naman ay pumunta sa'kin pati na rin si Kenneth.
Huminga ako ng malalim."S-steph,s-sorry.Please 'wag ka nang magalit sa'kin.Pinag-sisisihan ko na yun.At tsaka,promise ko sa'yo na hindi na kita guguluhin pa.Tutal,kami naman na ni Corine."Kinakabahang sabi niya.
"Ok na yon.Naka-move on na'ko.Pinapatawad na kita."Naka-ngiting sambit ko.Inilahad ko ang kamay ko."Friends?"Ngumiti siya.Tinangap naman niya ang kamay ko."Friends."
"Pero bago muna 'yan,may parusa ka pa rin sa'kin."Naka-ngising sabi ko.Takang tingin ang ibinigay niya sa'kin.Tumingin ako kay Bosx at tumango.
Gumawa ng malaking air ball si Bosx kay Kenneth.Nagulat siya.Pati na rin sila ate Crizelle.Ako naman tawa lang ng tawa.Napagplanohan namin ni Bosx bago makapunta dito na gawin ito kay Kenneth.
"Steph!"Sabay-sabay na sabi nila.
"Bakit?Binibigay ko lang naman ang parusa niya eh.Diba,Bosx?"Tumingin ako kay Bosx.Tumango siya.Si Kenneth naman nagpupumiglas.
BINABASA MO ANG
Fighting Darkness
Fantasy[ON-GOING] Stephanie noticed a light going to her and have the power of heaven.Nalaman ng mga kaibigan nya at nagsimula ng magsanay.Will they win against the darkness or they will never see the light...again?