Chapter 5:Corine's Warning

45 3 18
                                    

Steph's POV

Weekend ngayon.Umuwi kami sa mga bahay namin dahil wala rin naman kami gagawin don kapag nag-stay pa kami eh.

Naligo na ako at kumain na.Nakapagbihis na rin ako.Mamaya kasi aalis ako.May nakuha nang impormasyon daw si Eliz.

Nagpaalam na ako kay Mommy at umalis na.Sa park daw kami magkikita.Sumakay na ako ng tricycle at pumunta na sa park.

*Park*

Nandun na silang lahat.Siguro ako na lang ang hinihintay.

"Oh nandito na si Steph.Sino na yun?Sabi ni ate Crizelle.Umupo ako sa swing.Mabuti hindi dun sila umupo.

"Nakito ko si Ly kahapon sa tagong highschool building na napapalibutan ng itim na usok.Parang nahihirapan nga siya non.Ilang minuto ang lumipas nawala na ang usok.Tapos bigla siyang nahimatay.Tumakbo ako papunta sa kanya at mabuti nasalo ko siya.Ginigising ko siya pero hindi siya magising.Habang ginigising ko siya,biglang sumulpot si Corine kasama ang mga kaibigan niya.Bad news nga kasi kinuha niya si Ly.Pinigilan ko si Corine gamit ang power ko.Binubuhat ng maitim na usok ang katawan ni Ly palayo sa'kin.Pero masyado siyang malakas kaya hindi ko nabawi si Ly.Sinuntok naman ako nung isa nyang kaibigan at umalis na sila.Sorry kung pinabayaan ko si Ly."Pag-eexplain ni Eliz.Lumapit naman si Vince sa kanya.

"Ok lang yun babe.At least nalaman na natin kung sino ang may power na gaya ni Corine."Sabi ni Vince.

"Pero matatalo na tayo.Nasa kanila na si Ly.Masama ito."Malungkot na sabi ni ate Crizelle.

"Hindi masama kung marami kayong kakampi."Biglang dumating si Kass.Ngumiti ako.

"Kass!Bakit ka nandito?"Niyakap ko siya.Biglang nalungkot ng unti siya.

"Narinig ko kasi sila Corine kahapon at nakita ko si Ken--"

"Hindi ko alam na nakinig ka pala sa'min"Biglang pagsulpot at pagputol ni Corine kay Kass.Nagulat kami.Mas lalo kaming nagulat kasi kasama nila si Kenneth!Sh*t!Nakalimutan kong girlfriend niya si Corine!Kaya malamang nasagap agad ni Corine ang balita na ako ang heaven power user.Arghh!Bakit hindi ko agad naisip yun?!Pero mabuti at napag-aralan ko rin ang power ko.At nag-training na rin ako para sa strength.And maybe this is the time na aatakihin kami ni Corine.

"Akala niyo hindi ko agad malalaman ang tungkol sayo Steph?I think you already know na boyfriend ko na si Kenneth.Kung susubukan mong agawin siya sa'kin,ako ang makakaharap mo."Matapang na sabi ni Corine.Tumaas naman ang kilay ko.Ano sa tingin niya aagawin ko pa si Kenneth?No way!

"Do you think na aagawin ko siya?In the first place IKAW ang unang nang-agaw!Pero 'wag kang mag-alala.Hindi ko na magugustuhan yang CHEATER mong boyfriend!"Mataray na sabi ko.Kumunot ang noo niya.Si Kenneth naman naka-yuko naman.Napilit lang ba siya?Kasi mahal niya si Corine?

"Ano bang balak niyo sa'min?"Sigaw na tanong ni Vince.

"May sasabihin lang kami sa inyo.Pero hindi ako."Tumingin naman si Corine sa likod niya at papalapit sa kanila si Ly.Napansin ko lang ang mga mata niya.Prang walang buhay at parang nasa ilalim siya ng kapangyarihan niya.

"Sabhin mo nga Ly."Naka-ngising sabi ni Corine kay Ly.

"3 buwan mula ngayon,maglalaban tayo.Kung ayaw niyong matalo,humanap kayo ng mga kakampi niyo.Kapag kayo lang,siguradong mawawala na kayo sa mundong ito."Naka-ngising wika ni Ly.Nagulat kami.

"Pero hindi ibig-sabhin non na habang naghihintay kayo ng 3 buwan ay hindi kami aatake.Kaya palagi kayong humanda.Pinapayuhan ko na kayo ha.Kung matatalo namin kayo,ikukulong namin kayo sa dark fortress habang buhay.At wala nang pipigil sa'min na mamuno dito sa mundo!"Nang-babalang sabi ni Corine.Tumawa siya pero may mahinang boses na kasabay niya sa pagtawa.At parang lalaki.Guni-guni ko lang ba yun?At iniwan nila kaming kinakabahan.

Nagkatingan naman kami na may halong kaba at takot sa mga mukha namin.Pero hindi namin kailangan matakot at kabahan.Sigurado akong marami kami kakampi at matatalo namin sila.Sigurado ako.Huminga ako ng malalim.

Nag-usap muna kami bago kami umalis.Habang pauwi ako,pinag-iisipan ko parin kung gaano ako katanga!At talagang nakipag-kaibigan pa ako sa kanya ha!Ang tanga-tanga at ang bobo-bobo ko!

Pero sana,matalo namin sila para wala nang mapahamak....

To Be Continued....

Author's Note:How was it?Ganda ba?Sorry kung medyo lame at maikli.Comment na lang kung panget ba ito.Sorry rin kung unti lang kasi inunti ko lang talga para ma-ipublish agad.Pero sana magustuhan niyo to!Vote and Comment po kayo!

P.S:Sa mga silent readers,wag maging silent.Maging NOISY readers!hahaha!What I mean is i-recommend niyo tong story na to sa mga friends o gustong basahin to.Please!Anyway,saranghae and annyeong!!! <3

Fighting DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon