Chapter 5

16 0 0
                                    


Chapter 5

Flower shop

She was lying in bed for more than thirty minutes now, but she can't fall asleep. Tinignan niya ang kanyang alarm clock. It was already midnight. Nagpabaling-baling siya sa kama na baka sakali dalawin siya ng antok, pero walang epekto.

"Bwisit! Bakit di ako makatulog!" inis na bulong nito.

Mariin niyang ipinikita ang mata, but all she can visualize is the perfect face of that doctor. "Urgggh!"

Bakit ganun? She always felt her heart beat so fast kapag tinitignan siya ng lalaki. Shit! No! He's rude! He's a jerk! Pare-pareho lang ang mga lalaki Venice. They will hurt you eventually after they get what they want.

"Ang bilis mo naman ata mabaliw sa lalaki ngayon! Tandaan mo, binatos ka nun!" bulong nito sa sarili. "Hindi ka naman dating ganito." Damn this new heart!

TANGHALI na nang magising siya. Paano ba naman kasi eh nakatulog na lamang siya alas tres na nang umaga. Kamot ulo siyang tumayo sa kama at tamad na tinungo ang pinto ng banyo upang makaligo na. Bakit hindi siya ginising ng ina? Dati rati ay binubulabog siya nito kapag tinatanghali siya ng gising.

Lumabas na siya sa kanyang silid pagkatapos maligo at magbihis. Wala siyang nadatnan ni anino ng kanyang ina. "Huh? Saan pumunta yun?" taka niyang sabi. Dati naman ay nagpapaalam ito sakanya kapag aalis ng bahay.

Tinignan niya ang kanyang cellphone dahil baka nagtext ang ina niya, ngunit walang mensaheng nakapangalan sa ina. She's getting anxious. Ni-dial niya ang numero nang ina, narinig naman niyang nag-ring ito sa itaas ng kanilang mesa. She didn't even brought her cellphone with her.

Agad siyang nagtungo sa pintuan palabas ng kanilang bahay. Baka nandun lang naman ang kanyang ina. Pagkabukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang inang may kausap na matandang babae sa labas ng kanilang gate. The woman is beautiful despite of her age. Nasa mid 50's na ito sa tantiya niya. Maputi ang balat at hindi niya makakaila na may lahing banyaga ito.

Nagulat ang kanyang ina nang mapansin si Venice. Tumingin ang matanda sa kinatatayuan niya. Her stare was expressive, makikita mo ang lungkot sa mata nito.

Agad naman binawi iyon ng kanyang ina, at nagsalita ng huling mensahe sa matanda. She can't hear what their talking about dahil medyo malayo ang front door nila sa gate. Dali-daling sinara ng ina niya ang gate bago pa man makasakay sa kanyang sasakyan ang matanda. Weird.

Her mother stepped towards her direction. "Anak, k-kanina kapa ba nandiyan?" pautal-utal na sabi niya. May itinatago ba sakanya ang ina? Ngayon lang niya nakita ang ina na ganoon.

Hindi niya pinansin ang tanong ng ina. "Sino yung matandang babaeng kausap mo kanina ma?" tanong nito habang nakahalukipkip ang dalawang braso.

"Ah y-yun? Customer natin yun sa flower shop. Hindi daw fresh ang bulaklak na na-deliver sakanya kahapon kaya gusto niya ng refund." mabilis na sagot ng ina.

Ang flower shop na tinutukoy ng ina ay iyong napatayo nilang dalawa matapos mamatay ang kanilang padre de pamilya. Ito na rin ang nagtu-tustos sa pangaraw-araw nilang gastusin.

"Really ma? Talagang pumunta pa siya dito sa bahay para kunin yung refund?" she asked doubtedly. Ito ang kauna unahang pinagdudahan niya ang kanyang ina.

Pumasok na sa loob ang ina nito, samantalang naiwan pa rin siya sa labas. "Ah.. w-ala kasi si Jenna, pumuntang Pampanga. May sakit daw ang ina, sa susunod na linggo pa ang uwi kaya nakasara ngayon ang shop." depensa nito sa tanong ng anak.

Si Jenna ay ang namamahala sa flower shop ng ina. Kaibigan rin ito ni Venice, ngunit ng naoperahan ito sa puso ay hindi na sila nakakapag-usap. Hindi na kasi siya pumupunta sa flower shop ng ina.

Nagkibit-balikat nalang si Venice. She trust her mother more than herself. Kaya natapos din agad ang pagtatanong niya. "Siyanga pala, anak." usal nito saka hinarap ang anak.

"Pupunta ako ng Ilocos Sur bukas ng umaga. Ma-."

Hindi na nito pinatapos ang ina sa pagsasalita dahil sa pagkagulat. "What?! Iiwan mokong mag-isa dito?" napakunot noo niyang tanong.

"Mahina na ang katawan ng lolo mo, Venice. At isa o dalawang linggo lang naman ako doon. Ayoko din naman umalis ng hindi ka kasama.. lalo na ngayon." makahulugan itong tumitig sa anak saka tinuloy ang pagsasalita.

"Wala gaanong hospital doon at halos klinika lang ang meron sila. Mas mabuting nandito ka sa Maynila, dahil nandito ang doktor mo."

"Pero, what if emergency?! Sino magdadala sa akin sa hospital? Sino tatawag kay Doc Shari?" Paano kung pumunta ulit si Ashton dito.

Wag ka ngang OA Venice! Sa totoo lang ay okay na talaga siya, nagre-recover nalang ang katawan niya sa surgery. Subalit mino-monitor pa rin kasi siya ni Dr. Shari kung compatible ba ang medication niya sa kanyang puso.

"I know anak. Kaya kinausap ko ang doktor mo kung anong magandang gawin. She suggested na sa bahay ka muna daw niya titira pansamantala. Nakakahiya man pero pumayag na rin ako. At walking distance lang kasi yung condominium na iyon sa Divine General Hospital." page-explain ng ina sakanya.

Napakabait talaga ng doktor niya. Kahit na pasyente niya lang ito ay itinuturing itong kaibigan.

Nag-iisip pa ito ng sasabihin para hindi umalis ang ina. "Sino ang magbabantay sa flower shop ngayon? Wala naman si Jenna diba?"

"Edi ikaw muna. Kaya mamayang hapon pumunta kana sa shop." sabi ng ina nito. Hindi naman siya makakatanggi sa ina dahil wala naman siyang trabaho ngayon at malapit din ang flower shop nila sa hospital kaya walang problema kung magtrabaho man siya doon.

Ito ang kauna-unahang mawawalay siya ng matagal sa ina. Venice, you're already twenty five for pete's sake! sita niya sa sarili. Hindi naman niya masisisi ang sarili. Ang ina lang niya ang halos kasa-kasama niya sa twenty five years na iyon.

Bumuntong-hininga nalang siya at umupo sa sofa. Kinuha ang remote na nasa itaas ng coffee table at nanoood nalang ng ALDUB.

NGAYONG araw naisipang bisitahin ni Jaxon ang ina ni Alena tulad ng kanyang naipangako. Inihanda niya ang mga biniling ingredients kahapon para magsimula ng magluto. Plano niyang magluto ng healthy dessert para sa matanda.

Wala sa loob niyang naalala ang babaeng nakita sa bookstore habang kinuha sa plastic bag ang libro binili. Umiiling-iling itong natatawa.

Ibinalot na niya ang librong ibinili sa matanda. Kulay pula ang gift wrapper dahil iyon ang paboritong kulay nito. Ibinili rin niya ang kapatid ni Alena na si Ashley ng mamahaling regalo. Inilagay niya iyon sa isang puting paper bag.

Nang matapos na siya sa paghahanda, ay saka siya pumasok sa banyo at naligo. Nagsuot lamang siya ng white polo shirt na tinernuhan niya ng blue jeans. Sunod na isinoot ang kanyang aviator at lumabas na sa pinto ng kanyang condo.

Nang makababa na sa lobby ng condominium ay agad niyang ipinarada sa harapan ang itim na sasakyan. Inilagay niya ang bitbit na dessert sa passenger seat samantalang ang puting paper pag ay inilagay niya sa back seat ng kanyang sasakyan. Dali-dali naman siyang sumakay at pinaandar na ang makina.

Habang nagmamaneho, tinignan niya ang relo sa kotse, alas tres y medya na. Naisipan niyang bilhan ng bulaklak ang ina ni Alena. Gustong-gusto iyon ng pulang rosas. Inilibot niya ang paningin sa dinadaan at naghahanap ng isang flower shop. Sakto ay may namataan siyang isa sa di kalayuan.

Ipinarada niya sa harapan ng flower shop ang sasakyan niya. Kaswal siyang lumabas sa sasakyan at tinungo ang de salaming pinto ng shop.

Hindi ganoon kalakihan ang lugar. Umupo muna siya dahil may kausap pa ang may-ari ng shop.

"Thank you! Please come again." masayang bati ng isang babae. Napatayo siya bigla dahil sa pamilyar na tinig na iyon. And he was right, the girl in front of her was the same girl he saw yesterday at the bookstore. Siya rin ang kasama ni Shari sa program nila.

This is the second time they met by accident. Napagtanto niyang ang tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkatagpo sila. But that's too absurd, Jaxon!























Twist Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon