Chapter 2

27 0 0
                                    

Chapter 2

Jerk

"Venice! Bumangon kana. Tanghali na! You'll be late." ginambala ng tinig ni Mrs. Alvaro ang mahimbing na tulog ng kanyang anak. Ngayong araw kasi gaganapin ang isinagawang rehabilition program ng mga doktor para sa mga taong nagkaroon ng sakit sa puso.

Hindi siya kumilos mula sa pagkakahiga sa kama. She's not really interested. Pumayag lamang siya dahil sa kanyang ina.

Tinignan niya ang kanyang alarm clock. It's already 11 in the morning. Late na talaga siya dahil ang call time na sinabi ng kanyang doctor is 11am at ngayon ay kakagising lang niya. Kaya naisip niyang huwag nalang pumunta.

"Tumayo ka na. Tinawagan ko na si Doc Shari, at sinabi kong mala-late ka ng dating." hinila nito ang kumot niya.

Oh great!

Humugot siya ng hangin bago bumangon sa kama. Nag stretching muna siya bago pumasok sa banyo.

MATAPOS ang mabilis na pagsh-shower, nagtapis siya at lumabas sa banyo. Nagsuot siya ng white turtleneck dress at flat shoes. Sa taas niyang 5'8 ay hindi na niya kailangan pang magheels maliban nalang kapag may formal event itong dadaluhan.

Hands-on ang ina ni Venice sakanya. Ang kanyang ama naman ay namatay na dahil sa sakit sa puso tulad niya. Minsan naiisip niya na sa dinami-dami ng pwedeng mamana ay iyong sakit pa ng ama niya. Kaya simula ng bata pa siya ay sa hospital at bahay ang lagi niyang tambayan. But she's used to it now and very tired too. Buti na lamang ay freelance writer siya kaya maaari siyang magtrabaho sa bahay. Passion niya rin ang pagba-bake kaya kapag wala siyang magawa ay iyon ang pampalipas oras niya.

Kinuha niya ang kanyang brown satchel bag at inilagay doon ang ilang mga gamit. Dinampot niya ang kanyang cellphone at nakita ang isang text message galing kay Doc Shari. Binuksan niya iyon at binasa.

"Doc Shari:

Venice your mom called me. Make sure you'll attend. This is very important, you know that."

Alam naman niya iyon. But she feels better now, and she doesn't need it anyway. And she is really tired of her life. Mas gugustuhin pa nga niyang mamatay sa panahon na iyon, ngunit naligtas pa rin siya ni Doc Shari. Hindi niya alam kung magagalit o magpapasalamat pa ito sa kanya dahil buhay pa siya ngayon.

Lumabas siya ng kwarto at naglakad patungo sa kanilang kusina. Nakita niya ang kanyang inang nagluluto kaya napatigil siya sa paglalakad. For 24 years, kaya siguro buhay pa siya ngayon ay dahil hindi niya maiwan iwan ang ina. Her mother was miserable because of her father's death. At kung pati siya ay mamamatay ay baka hindi niya ito kayanin.

Humugot muna siya ng hangin saka patuloy na naglakad.

"Ma, I have to go. Kakain nalang ako doon." sabi niya sabay halik sa pisngi ng ina.

"Are you sure? Nagluto paman din ako." tila malungkot na sabi ng ina.

"Don't worry ma. I'll eat that later." matamis na ngiti ang ipinambawi sa ina.

Narinig niyang bumuntong-hininga ang nanay niya. "Fine. Siguraduhin mong kakain ka doon ha?"

"Yes ma, I promise. I'll be fine." saka umalis na ang dalaga.

Naglakad sila hanggang sa labas ng pintuan. "Take care!" pahabol na sabi ng kanyang ina.

She held up a hand at muling nagsalita sa ina. "I will."

DUMIRETSO na si Venice sa loob dahil kabisado na niya ang pasikut-sikot sa Divine General Hospital.

Pagpasok niya sa isang malawak na kwarto, ay nagpalinga-linga muna siya para hanapin si Doc Shari ngunit wala ito. She reluctantly went with the small group of patients at nagtanong kung nakita nila ito, pero hindi nila siya pinansin dahil busy sila sa pagkuha ng pagkain sa mahabang mesa.

"Wala namang makausap dito. Hay." she sighed.

Naaninag niya ang isang lalaking nakatalikod sa may bandang kanan niya. He was wearing a black stethoscope na nakapatong sa batok nito. She presumed that he knows where Doc Shari is dahil obvious naman na isa itong doktor. Kaya agad niya itong pinuntahan para magtanong.

Hinawakan nito ang braso ng lalaki. Nakita niyang tila nabigla ang lalaki at tumitig sa kanya kaya agad din niya itong binitawan. Uminit ang pisngi nito ng mapagtantong kumukuha pala sana ng sandwich ang lalaki.

Hinawakan niya ang kanyang bag at humugot muna ng hangin bago nagsalita. "E-Excuse me po. Alam niyo po ba kung nasaan si Doc Shari?" she stuttered.

He was about to answer her ng may tumawag sa kanya.

"Venice!" It was Dr. Shari. Ibinaling nila ang tingin sa paparating na babaeng doktor.

She had a smug smile on her lips na para bang proud na proud kay Venice dahil nakarating ito.

"O, andyan kana pala." Samantalang nabaling naman ang tingin niya kay Jaxon.

She shot them a quick look. "Magkakilala kayo?"

"Hindi po." Venice retorted.

Tumingin muli si Venice sa lalaki. Tila umakyat ang lahat ng dugo sa pisngi niya ng makitang nakatingin din ito sakanya. Agad namang binawi iyon ng lalaki at binaling ang tingin kay Shari.

Shari gave him a dirty look. "Hey, it's not what you think. You're patient interrupts me and asked where is her nowhere-to-be-seen doctor. That's all." pagsusungit niyang sagot habang kumuha na ng sandwich sa mesa. Nakita niya ang bahagyang pagkabigla ni Venice sa sinabi niya.

Interrupt?! Aba, kung makasabi ng interrupt parang ang dami niyang ginagawa nung nagtanong ako! reklamo ng isip ni Venice habang tinitignan ang binata.

Biglang tumawa si Shari. "Why do you have to be so defensive Jaxon?" nakangising sabi nito at pagkatapos bumaling ulit kay Venice.

"I'm sorry Ven. Nag-cr kasi ako." she said, sabay hawak sa kamay ng dalaga.

"Okay lang yun, doc." magalang na turan nito.

"By the way, Venice.." pahabol na sabi ng babaeng doktor. "I assume you don't know him yet. This is Jaxon Madrigal. Isa rin siyang specialized doctor." pagkatapos ay nilingon niya si Jaxon at patuyang ngumiti.

Agad namang naglahad ng kamay si Venice at hinintay na maglalahad din ng kamay ang binata. Iyon kasi ang alam niyang kelangang gawin kapag pormal siyang na nakikipagkilala.

Tumikhim ang binata bago nagsalita. "Is this even necessary?" malamig na tugon niya rito. Ilang sandali silang nagsukatan ng tingin.

"Excuse me." sabi ng binata sabay kagat sa sandwich na hawak hawak saka naglakad patungo sa pintuan palabas ng meeting room.

There was a breezy silenced afterwards.

How.. how dare him! Halos mapanganga si Venice sa sinabi ni Jaxon. If only she could just disappear out of their sight right now. And the worst part is, parang wala lang sa binata ang sinabi. Ni hindi niya makitaan ito ng pagkaguilty sa mukha.

Si Shari naman ay hindi rin nakapagsalita at tinignan ang nakatalikod na ngayong binata.

"Hey, Jaxon!" pahabol na sigaw ni Shari sa binata na hindi man lang niya ikinahinto sa paglalakad. Tahimik siyang lumingon sa dalaga. "Venice, I'm so sorry. He's not really like that. He's going through a hard time right now. Again I apologized." mahinahon na sabi ng doktor.

Edi wow! Bakit siya lang ba ay may mabigat na pasan pasan sa buhay? Ako din naman ah! Pero hindi ko siya binastos! She had never been more embarassed in her life.

She simply replied with a brief nod.

Samantalang tinignan niya ng masama ang likod ni Jaxon. "What a jerk!" tumaas-baba ang dibdib niya sa sobrang inis. Hindi siya makapaniwala na may ganyang klase ng tao talaga sa mundo at nakaharap pa niya.

Tumawa naman si Shari sa sinabi ng dalaga.

Tila narinig ng binata ang sinabi niya dahil bigla itong napalingon sa banda nila. Kitang-kita ni Venice sa kanyang peripheral view ang pagtingin sakanya ng binata. Wala siyang pakialam kung narinig nga niya iyon. Taas noo parin siyang umalis sa lugar na iyon kasama ang doktor.








































Twist Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon