Chapter 1

27 0 0
                                    

Chapter One

Let go

It's 8:15 in the morning. Dahan-dahang ibinangon ni Jaxon ang kanyang mabigat na katawan mula sa pagkakahiga. Maliwanag na sa labas nang makita niya ang bahagyang nakasiwang nyang itim na kurtina.

Dumiretso siya sa banyo gaya ng nakasanayan niya. Ngunit hindi nakatulong ang kinaugaliang iyon para mawala ang sakit na nararamdaman niya.

Binalingan niya ang kanyang salamin at kitang kita ang pamamayat ng kanyang mukha. Pero ganunpaman ay hindi makakaila ang maganda niyang mukha. Kasalanan iyon ng kanyang foreign features na namana niya sa kanyang ina na Austaliana. His pale skin na never pang nagka-pimples, his kissable lips and tall pointed nose and chin. His black hair na madalas niyang i-slick-back ay nagko-compliment naman sa kanyang hazel eyes.

Kunsabagay, wala siyang inatupag kundi balikan ang mga memories nila ni Alena, kumain ng mga unhealthy snacks, at uminom ng beer every night para lang makatulog siya. Wala na rin siyang ibang nakakausap bukod sa mga malapit niyang kaibigan. It's been four months since his wife died. Pero sa mga nagdaang araw na iyon ay hindi niya magawang kalimutan ang asawa.

Hindi na rin siya pumapasok sa trabaho dahil hindi na daw niya kayang magfocus. Lalo na kailangan ang salitang focused sa career niya.

Crazy? Maaring iyon ang tingin nila sakanya ngayon. Pero he doesn't care. He loves Alena so much, at kung yung yun na lamang ang magiging daan para maalala ang asawa, so be it.

Kinuha niya ang pulang kahon ni Alena at kinuha ang diary nito. Ito ang pangatlong beses na bubuksan niya ito simula nung araw na una niya itong nakita. Mahaba-haba kasi iyon at halos 150 pages ito kaya di pa niya natatapos.

Magsisimula na sana niyang basahin ito nang biglang tumunog ang kanyang telepono. It was Shari. Isa rin itong cardio-thoracic doctor tulad niya. Siya ang halos nakakausap at nagbibigay advice sakanya simula ng mamatay si Alena.

Tamad niyang dinampot ang kanyang iPhone. "GOOD MORNING, JAXON!"

Halos mabingi siya sa lakas ng tinig na nagmula sa phone na hawak niya. "What?!" inis na sagot niya.

Napasimangot ang binata at napangunot ang noo.

"Hey, wag mo nga akong sungitan! So, are you free today?"

Shari is a good friend. Nakakahawa ang pagka-optimistic niyang attitude. Minsan naman seryoso siya. Pero minsan ay naiirita siya rito dahil nagagambala ang pagmo-moment niya.

"No." tipid nyang sagot.

"Eh, anong ginagawa mo?" tanong ulit ng babae.

"Wala! I've no time okay? So, please leave me alone." sagot niya habang hinahawakan ang sentido.

"It's been four months! Ano ka ba?! Hindi ka na ba aalis diyan sa lungga mo? Alena's dead. Alam mo ba yung kasabihan na when the cat is away, then the mouse will play." pabirong sabi niya.

"That's not funny, Shari! She's my wife for God sake! Give her a little regard, at least." halos pasigaw niya iyong sinabi.

"Okay, okay. I'm sorry.. But it's time to move on Jaxon. Let her go."

Hindi nagsalita si Jaxon. Yun ang pinakaiiwasan niya. Ang salitang move on. How can he move on when he's still in love with his wife. His dead wife.

"Ang chapter niyo ni Alena ay tapos na. Life has to move forward." singit ng babae.

"I'm tired. Please understand." Alam niyang kahit anong sabihin niya ay kukulitin at kukulitin siya nito.

"Exactly! You feel tired kasi wala kang magawa. You have to do something!" bumalik ang pagkamasiyahin ng babae.

Twist Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon