Prologue

38 1 0
                                    

HELLO READERS! !
This is my first try of writing a story on wattpad.

Hope you like it though! Enjoy po :)

_______

Prologue (Edited)

The diary

Hingal na tinahak ni Jaxon ang daan papuntang operating room kung saan naroon ang kanyang asawa. He's still wearing his white coat na gamit niya sa pagtatrabaho. Hindi na niya magawang batiin ang mga kakilala niya sa loob ng hospital dahil sa pagmamadali.

Nadatnan niyang nakaupo sa tapat ng O.R ang umiiyak niyang mother-in-law na kasama ang kanyang anak na pinapatahan naman ang kanyang ina. The old woman looked up. Nakita niya agad ang maga at pulang mata ng matanda dahil sa matinding pagiyak.

"Jaxon!" daing nang matanda matapos makita ang binata.

Bahagyang sumikip ang dibdib niya. "Mama, anong nangyari? Si A-Alena?" he asked hysterically.

Ilang sandali bago niya sinagot ang binata. "Alena's... gone iho." at lalong humagulgol ang iyak ng matanda. Humarap ito sa kanyang umiiyak na anak at ibinuhos ang sakit na nararamdaman.

Dahan-dahang nanlamig ang kanyang buong katawan. "Wha-at?" hindi agad pumasok sa pagkatao niya ang sinabi ng matanda.

This isn't true. They are still planning for their 2nd anniversary. Paano siya mamamatay ng ganun-ganon nalang? Tulala siyang nakatitig sa mag-ina at hindi niya namalayan ang nagbabadyang luha sa kanyang mata. His wife, his precious wife.. is dead? He just could not get over the shock kaya ilang minuto bago siya ulit nagsalita.

"Wh-at happened?" nanginginig ang kanyang boses ngunit sinusubukan niya itong controlin. Hindi na magawang sumagot ng matanda dahil sa sobrang pag-iyak. Kaya tumingin siya sa kapatid ng asawa at desperadong hinihintay ang isasagot. "Ashley, answer me.."

"Car crash kuya..." malungkot na sagot ng dalaga habang pinapatahan parin ang kanyang ina.

Tinalikuran niya ang dalawa at lantang naglakad papunta sa pintuan ng O.R. Nakita niya ang walang buhay na si Alena na may breathing tube sa kanyang bibig at sugatan ang maganda niyang mukha. Tuluyan nang bumagsak ang kanyang katawan sa sahig at ang luhang kanina pa nagbabadyang lumabas sa mata ng binata. He must be dreaming. This can't be happening! How can she be gone?



MADALING araw nang nakauwi si Jaxon. Tulala siya habang nakaupo sa kanyang kama. Hindi parin siya makapaniwala na patay na ang kanyang mahal na asawa. Iginala niya ang kanyang mata sa kanilang silid. Kinuha niya ang picture frame at may napansing isang box na kulay pula sa gamit ni Alena. Ito yung box na ayaw niyang ipahawak ni Alena maski sa asawa.

May nakita siya sa loob nun na maliit na notebook na kahit kailan ay hindi niya pa nakita. Meron itong nakasulat na Dear Diary sa front cover. Kinuha niya ito at binasa.

"March 18, 2011

Dear Diary,

I've met a great guy. He is so handsome and down to earth. Yes, i admit crush ko siya. Nakakakilig kasi yung killer smile niya. At ang tangos pa ng ilong niya. He is a doctor by the way. Let's see what happens.:)

November 17, 2013.

Dear Diary,

Sobrang saya ko ngayon! Alam mo ba bakit? Kasal na kami ni Jaxon! This is the best day of my life! Ako na ata ang pinakamasayang babae sa mundo. Gagawin ko lahat para maging masaya si Jaxon sa akin.:)

Matapos ang mahigit tatlong taong magkasintahan ay idinaos ang simpleng kasal nila sa Santua Rio.
This was also the best day of his life. Ang ikasal siya kay Alena. Everything was perfect. Simula sa paglalakad ng dalaga hanggang sa tuluyan na nilang banggitin ang kanilang vows.

Sa gitna ng pagbabasa ay hindi na niya napansin ang mamasa masa niyang mata. Lalo na nang mabasa ang huling sulat ni Alena sa kanyang Diary.

October 10, 2015

Dear Diary,

Malapit na ang 2nd anniversary namin ni Jaxon. Isang buwan nalang. Ang bilis ng panahon no? Meron akong surprise sakanya na siguradong ikatutuwa niya. Matagal na rin niyang gusto ito. Secret lang muna natin ito ha? Pumunta ako sa O.B ko kanina, and ang sabi niya I'm 6 weeks pregnant. I'm so happy! Magiging pamilya na talaga kami!:)"

Halos masira ang diary sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya. "Oh my God! GOD! No.. No! Alena.." Kahit na kanina pa siya iyak ng iyak ay hindi nauubos ang luha pumapatak sa kanyang mata. Magkakaroon na sana sila ng anak. A child that he wanted for so long!

He can't believe she's gone. Bakit siya nandito samantalang ang asawa niya ay wala. Niyakap niya ang diary nito tsaka humiga pabaluktot sa kanyang kama remembering the times their were together. Her innocent smile, those valued moments with her. Napapikit siya habang iniisip ang kanilang magiging anak. "I love you so much, Alena. Why do you have to die?" he whispered painfully.

"Everybody dies sooner or later, Jaxon." Kaagad siyang napadilat ng may nakumpirma siyang narinig. Alam niyang sa ibang tinig ang kanyang narinig. At nakita niya ang hugis babae sa kanyang harapan. Shit!

Napamura siya kasabay ang pagbangon mula sa kama, hawak ang diary na ihinaharang sa sarili.

"Y-yo-you?" he stuttered.

"Hello, babe." anang babae sa kwarto niya saka ngumiti.

He felt the chills went up to his spine. It's not like he don't want to see her. But he knows she's.... dead. And he saw her dead.

"A-Alena?" he tried to look closely. He can't be mistaken. Napakurap siya. That long shiny hair, those pink cheeks, the small pointed nose and her cute lips. Siguradong sigurado siya. Ang asawa nga niya ang kasama niya sa kanyang silid. Ngunit hindi malinaw ang nakikita niya sa babae at para ba itong hangin na nakalutang sa kanyang sahig.

Ngumiti ang babaeng kaharap niya. "Jaxon, I want to tell you something, bago ako tuluyang magpaalam sayo." biglang naging seryoso ang tono ng boses ni Alena. "Tandaan mo, everything happens for a reason." may halong lungkot ang huli nyang sinabi.

Gusto niya itong lapitan ngunit hindi niya magawa. Para na siyang binabangungot at hindi na makakilos sa kanyang kinatatayuan. "Alena-" matalino siya, pero kahit anong pag-iisip ang gawin niya ay hindi niya makuha ang gustong iparating ng asawa.

"We don't meet people by accident in life. Siguro hindi mo ako naiintindihan sa ngayon. But someday, everything will make sense." aniya habang unti unting nawawala ang hangin bumabalot sa kanya.

Desperado na tingin ang ibinigay niya sa espiritu ng asawa. "How can you say that?! You have no idea how horrible I am right now!"

"Nagkakamali ka Jaxon. You have no idea how bad it is to watch you cry. I can't just leave you like that. So for now, don't worry about my death. Gusto ko maging masaya ka kahit wala kami. You know that you'll always have our hearts. Be strong, don't let this ruin y-"

Makikita ang mabilis na paghinga ng binata. Ang kanyang mapulang pisngi ay kumikinang na dahil sa luhang dumadaloy sa kanyang mata. "Paano ako magiging masaya Alena? Paano?! Ikaw ang buhay ko, ikaw ang kasiyahan ko! I'm not ready for this! Sinabi ko sa sarili ko na kaya ko to, that I could handle this. But I really can't.. Please Alena, I don't know what to do. I'm going crazy. I'm not yet ready.." "

Nakikita niya ang lungkot sa mga mata ng babae. "We can't fight fate, Jaxon." at tuluyan ng nawala ang espirito ng babae.

"Alena! No! Please, don't go. Baby.. Please.." dagling dumilat ang mga mata ni Jaxon na naliligo sa pawis. Ramdam niya ang bilis ng tibok ng kanyang puso na tila ba may hinahabol siya. Napamura siya ng hindi na niya naaninag ang asawa sa kanyang silid. May gustong iparating si Alena sakanya, ngunit hindi niya matiyak kung ano 'yun. Am I just dreaming? He sighed. Napagtanto niyang nakatulog siya at panaginip lang ang lahat. Except the fact that he knows, the feeling of bareness he has, is real.

_______

(AUTHOR'S NOTE)

Please vote and comments, it really motivates me to write more ;)

THANK YOU :)

Twist Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon