Chapter 4

18 0 0
                                    

Chapter 4

The moves

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay dalawang araw ng hindi lumalabas ng bahay si Venice. Sinabi na rin niya sa ina ang paghihiwalay nila ng binata, pero hindi ang buong kwento.

Sa totoo lang ay wala siyang pinagsabihan sa paghihiwalayan nila ni Ahston. Ni pati ang ina nito ay walang alam, kaya hindi niya rin naman masisisi ito sa pagpapa-pasok kay Ahston sa kanilang bahay nang gabing iyon.

Ashton Ortega is Venice ex-boyfriend. They were inseparable for four years, at siya ang first boyfriend ng dalaga. Ito rin ang nag-aalaga sa dalaga kapag sinusumpung ang pagsakit ng dibdib niya. Binigay niya ang lahat ng pagmamahal niya sa dating kasintahan, kaya ganon nalang kasakit nang makipaghiwalay ito sakanya.

He knew she has a weak heart, pero walang awa pa rin siya nitong sinaktan. At ngayon ay magpapakita ito sa kanya. Para saan? Para wasakin nanaman nito ang puso niya? Hindi na niya papayagang mangyari iyon. Not now, not ever.


"VENICE... Anak?.."

Ang mahinang boses nang ina ang narinig niya mula sa nakasarang pintuan ng kanyang kwarto. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at inayos ang pagkakaupo sa kama. Nakita niyang mataas na ang sikat ng araw mula sa bintana ng kwarto niya.

Bumukas na ang pinto bago pa magsalita ang dalaga. "Gising ka na pala. Hindi ba maganda ang pakiramdam mo anak? I can call Dr. Shari for you." wika ng ina niya. Mabilis naman siyang umiling.

"Ayos lang ako, ma." tumayo siya at sinuot ang kanyang bunny slippers.

"Oh sige. Labas kana sa kwarto mo at kumain kana. I cooked your favorite pasta." ngiting usal ng ina.

Kinagat niya ang pangilalim na labi. Hindi na mapigilan pa ang nagingilid na luha sa kanyang mata. Mahal na mahal niya ang kanyang ina. Kung ano man siya ngayon, ay dahil iyon sa kanyang mabuting ina.

"Ma.." Pinigil niya ang panginginig ng kanyang labi saka mabilis na yumakap sa ina. Nagulat naman ang ina sa ginawa ng anak. "Venice, may nangyari ba anak?"

"Nothing ma, I just want to say thank you sa lahat lahat ng sakripisyo mo sa akin." usal niya. "I promise hindi na kita bibigyan ng sakit ng ulo. Sorry for always making you worried. I'm sorry ma.." hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha.

"Shh. It's okay. I love you so much anak." marahan niyang hinimas himas ang ulo ng anak.

"I love you too, ma." niyakap niya ito ng mahigpit pagkatapos ay kumalas. Kahit tila naiiyak pa rin ay ngumigiti na ito. Naghawakan sila ng kamay at nagtungo na sa kusina para kumain. Kahit pa-paano ay naibsan ang sakit na kanyang nadarama.


ARAW ng Linggo, nakagawian na ni Jaxon ang pagsisimba. Kung dati ay kasama niya ang kanyang asawa, ngayon ay siya lang mag-isa. Hindi parin naman niya nakakalimutan ang magpasalamat sa Panginoon sa mga biyayang natatanggap niya.

Matapos niyang magsimba ay napag-isipan niyang pumunta sa pinakamalapit na mall para makapagliwaliw naman siya kahit papaano. Dahil kapag nasa condo siya, ay wala siyang nagagawa kundi tignan ang mga letrato nila ni Alena.

Naisip niyang ipagluto ang kanyang mother-in-law para sa nalalapit niyang pagbisita doon. Dumiretso siya sa isang grocery store para bumili ng ingredients para sa lulutuin. Nang matapos siyang makapagbayad sa cashier ay tumungo naman siya sa bookstore para bilhin ng libro ang matanda. Napansin kasi niyang pampalipas oras nito ang pagbabasa.

Tutunguhin na sana niya ang librong natipuhan ng mapansin niya ang pamilyar na babaeng nagbabasa ng libro sa bandang kaliwa niya. She was wearing a white flowy dress na hanggang ilalim ng tuhod nito. Ang buhok naman nito ay nakapusod.

"Denice?" instinctively, he uttered her name. Ngunit hindi lumingon ang babae. Jaxon! What do you think you are doing? Wala sa sarili niyang tinawag muli ang babae. "Denice?" Sa pagkakataong iyon ay lumingon ang babae sakanya ngunit luminga-linga siya na para bang sinisigurado na siya ang kausap ng binata.

She is just wearing minimal make-up pero kitang-kita ang ganda ng mukha. Madalas nakukuha ang atensyon niya sa mga ganoong babae na hindi gaanong naglalagay ng kulay sa mukha tulad ni Alena. Here we go again, Jaxon. You're imagining Alena while looking at someone else's face. You're crazy.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Venice nang mamukhaan ang kaharap. What is he doing here? And why is he talking to me?

"Denice right? One of Shari's patient?" he felt funny asking that question. The thing with sudden meetings like this, biglang nawawalan siya ng ideya kung ano ang susunod na sasabihin. Lalo na't hindi naging maganda ang first impression nito sakanya.

Halos matawa si Venice sa sinabi ng binata. Isinara niya ang librong hawak at ipinatong sa taas ng maraming libro. "So what?" What's with this guy? The last time I remembered he was very rude to me and now he's being friendly. Tapos tatawagin pa akong Denice? Duh! Alam ko na mga galawang ganyan uy. Mga lalaki talaga!

Bigla siyang umalis sa tabi ng binata at pumunta sa kabilang section ng libro. "Denice, wait!" pasigaw na sabi ni Jaxon. "Stop calling me Denice!" pabulong ngunit madiing sabi ng dalaga.

"Then what will I call you?" sincere sa mukha ng binata ang tanong. Gusto lang niyang malinis ang pangalan niya sa dalaga. But why Jaxon? Why do you even bother to do that? litong usal ng isip niya.

Mahinahon niyang hinarap ang binata. "Is this conversation even necessary?" pambara ni Venice sa kanya habang nakataas ang isang kilay.

Naalala niya ang pangyayari nung una silang nagkita. He remembered also kung paano niya pinahiya ang dalaga. "I'm so-" putol na sabi ng binata.

"Look Doc Jaxon, alam ko na yang mga "the moves" na yan ng mga lalaki. Tipong tatawagin niyo kami sa maling pangalan para lang makausap niyo kami. Kung magso-sorry ka sana diretsuhan mo nalang. Hindi yung may Denice-Denice kapang nalalaman. Lumang style na yan. Kaya please lang ha? Please lang. Stop wasting my time and leave me alone!" sumimangot siya pagkatapos masabi lahat ng iyon saka umalis palabas ng bookstore.

Naiwang naka-awang ang bibig ni Jaxon. Parang naparalisa ang isip niya sa sinabi ng babae. Wala siyang naintindihan sa turan ng babae ni isa. Ramdam niya ang galit nito sakanya. Well, she can't blame her.

Sinundan niya ng tingin ang babae bago ito tuluyang naglaho sa paningin niya. Bakit nga ba niya nilapitan si Venice? Pailing-iling siya habang iniisip ang nangyari sa hospital.

Tinignan niya ang librong pinatong ng babae. It's one of the popular books of Nicholas Sparks. Tinignan niya ang presyo at may kamahalan ito para sa isang libro lamang. But it's Nicholas Sparks work, after all.

Tinungo niya ang cashier para magbayad, at nilisan na ang lugar na iyon.










Twist Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon