Chapter 7

15 0 0
                                    

Chapter 7

You've met her

"Jaxon? Jaxon, iho?"

Halos hindi na marinig ni Jaxon ang pagtawag sa kanya ng matandang ngayon ay kalmado na sa pag-iyak. He was busy thinking hard at the woman who possibly had Alena's heart. Malalim ang kanyang paghinga at matalim na nakatitig sa dalawa. Hindi naman magawang tignan ni Ashley ang dating brother-in-law.

Hindi parin pumapasok sa utak niya ang nalaman ngayon. Hindi ito makapaniwala sa ginawa ng matanda. Para sakanya ay wala namang masama sa pagdo-donate kung makakaligtas ka ng buhay ng ibang tao. Doktor siya, at alam niya ang importansya nun sa recipient. Ang tanging kinagagalit niya ay ang hindi man iyon ipinaalam sakanya ng matanda. Kung ano man ang rason niya para ilihim sakanya ang lahat ng ito, ay wala siyang pakialam. Alena is his wife, and he has the right to know every single detail.

"Who?.." His voice was shaking. "Who is the recipient?"

"N-No, Kuya. It's not important to know her." anang dalaga.

It's not important? Naramdaman niya ang lalong pag-iigting ng kanyang bagang.

"No, it is important." mariin nitong sabi. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa dalaga.

"Kuya-"

"I need to know Ashley!" sabi niya na hindi na hinintay ang sasabihin ng dalaga.

"It's okay Ashley. He is right. He needs to know everything." hinawakan ng matanda ang kamay ng anak at humarap sa binata.

Malungkot itong tumingin sa binata. "Jaxon, iho, I'm so sorry kung inilihim ko ang lahat ng ito. Wala akong lakas ng loob nung panahong iyon." sandali siyang tumigil para pigilan ang nagbabadyang luha sa mata. "But I.. I have to give Alena's heart to her."

Natigilan si Jaxon nang marinig iyon. She had to give her own daughter's heart to somebody na hindi naman niya kaano-ano?

"You had to? Ganun-ganon nalang yun, ma? You gave your own daughter's heart to somebody you don't even know!" giit ni Jaxon sa matanda. Kung ano man ang rason na iyon, ay wala na sa priority niyang malaman pa. Sa ngayon, ang tangi niyang gustong malaman ay kung sino ang babaeng iyon.

Binalingan ni Ashley ang kanyang ina. Umiiling-iling itong may ibinulong sa matanda.

"Tell me!" He had to know the woman. May parte sa kanyang utak na gusto niyang malaman kung sino ang nakatanggap ng puso ng asawa. Dahil iyon nalang ang natitirang alaala ni Alena sakanya.

"But please kuya, just keep this to our family." Ashley said while trying to keep her nerves calm.

Huminga ng malalim ang matanda bago tuluyang nagsalita. "Her name is Venice Rylee Alvaro. She is one of Shari's patient." mahinang sambit nito.

His face remained cold and stiff. Shari knew about this? Hindi niya akalain na pati si Shari ay nagawang ilihim sa kanya ang lahat ng 'yun. May alam siya, and she didn't even bother to tell him. At pasyente pa niya ang babaeng pinag-uusapan nila ngayon.

Nagtiim-bagang ang binata. "I'll be back." matalim pa rin ang mga titig nito sa dalawa. Naglakad na siya patungo sa pintuan ng silid at linisan ang lugar na iyon. Hindi na niya ininda ang pagtawag sa kanya ng matanda. Dire-direcho itong naglakad pababa at dali-daling sumakay sa itim na kotse.

TINAMPAL niya ng malakas ang manubela ng sasakyan niya habang nagmamaneho. He just can't believe the old woman. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman niya. He has to call Shari para malaman kung sino ang babae tinutukoy ni Mrs. Mercado.

Ni-dial niya ang numero ni Shari sa kanyang cellphone. Agad naman itong sinagot ng babaeng doktor. "Hello? Napatawag ka?" nakarinig siya ng pagtawa ng isang lalaki sa kabilang linya.

"Where are you?" mabilis niyang sagot.

"Sa hospital. Wh-" hindi na niya pinatapos ang pagsasalita ni Shari at pinatay na agad ang tawag.

Pagkadating sa parking lot ay agad niyang ipinark ang kanyang sasakyan at tinungo na ang entrance ng hospital. Hindi niya pinansin ang pagbati sa kanya ng guard. Nilingon niya ang hallway ng hospital at bumungad sa mata niya ang nakatawang doktor.

Malalaking hakbang na tinungo ang doktor na may kausap na lalaking nurse. Nakita niyang tumingin si Shari at nakita siya. Tila sinabi iyon ng kausap ng doktor kaya napalingon siya sa direksyon ni Jaxon.

He saw her curious stare as he walked towards her.

"Jaxo-"

Maya-maya ay mabilis niyang hinila ang kamay ng doktor  na hindi man lang tinignan ang kaharap na lalaki. Napalunok ang babae sa ginawang iyon ng binata. "Jaxon, what are you doing?"

Hindi niya pinansin ang tanong ng doktor at tuluy-tuloy siyang pumasok sa bakanteng silid kasama si Shari. Ni-lock niya ang pinto at matalim na tinignan ang babae.

"Anong problema mo?" inis na sambit ni Shari habang hawak-hawak ang palapulsuhan niya. Makikita ang pamumula nun dahil sa matinding pagkakahawak ng binata.

He seriously looked at her. Takang-taka naman ang babae sa tingin na ipinakita ng binata. "Care to tell me who is Venice Rylee Alvaro?" seryoso nitong sabi.

Nakita niya ang kakaibang ekpresyon ng binata. "S-She's one of my patient. Why'd you asked?" kabado niyang sagot. Hindi niya malaman kung bakit ito biglang kinabahan sa seryosong titig ng binata.

"Come on Shari. Stop the lies! Why didn't you tell me about her? I now know. Alam ko na ang lahat!" marahas nitong sabi sa babae.

Natigilan ito. Bakas sa mukha ng babae ang pagtataka. "What are you talking about?" inosenteng tanong niya sa binata.

Napa-isip siya.  "You really don't know?"  Tila napagtanto niyang nagsasabi ng totoo ang kaibigan na wala itong alam sa pinagsasabi niya. "She has my wife's heart!"

Nakita niyang nagtaas ng tingin ang babae sa kanya. Namilog ang mga mata nito. Tila di makapaniwala sa sinabi ng binata. "That can't be true. T-That's impossible. Alam ko kung sino ang donor ni Venice. Ako pa nga ang nagpa-signed ng contract sa pamilya ng donor.  Nagkakamali ka." tulalang sabi nito.

"I can't be wrong. Ang mama mismo ni Alena ang nagsabi sa akin. I've heard her and Ashley talked about that woman. At alam niyang ikaw ang doktor ng babaeng iyun." he said certainly.

Umiling-iling ito. Ilang sandaling natigilan ang babae. Tila may iniisip ito na siya lang ang nakakaalam. "Oh my God.. " she covered her mouth with her hand.

Katahimikan ang namagitan sa kanila ng babae.  Pagkuwa'y hinintay niya ang sasabihin nito.
"I saw Tita Leticia talking to Venice's mother just three hours after the accident. Hindi ko sinasadyang mapakinggan ang pag-uusap nila. But I heard Alena's name. Then after that, I asked tita kung kilala niya ang nanay ni Venice. But then she got angry and told me that I should mind my own business. Strangely, that same day, I was shocked dahil may donor na si Venice. " mahabang paliwanag niya sa binata.

"F*ck! I can't believe her! How can she possibly give her daughter's heart that easily!" 

Nagbuntung-hininga si Shari. "I'm sorry. I didn't know." malungkot na sabi nito.

Napa-upo siya sa may hospital cot sa tabi niya. "I want to see her." matigas na wika nito.

Lumapit naman ang babae sa tabi niya. "I think you already saw her, you even met her."

Sinulyapan niya ang babaeng nakatingin sa kanya. What is she talking about? Wala itong naalala na may kakilala ito sa pangalan na iyon.

"Huh? What?" nakakunot-noong tanong ni Jaxon sa kanya.

"Siya yung sinungitan mo sa Rehab Program natin last month. That's Venice Rylee Alvaro."

Who.. Venice? Napa-awang ang bibig niya nang mapagtanto kung sino ang Venice na tinutukoy ng doktor. Nanlaki ang mga mata niya. Naramdaman niyang pinagpapawisan siya at naalala ang tatlong beses nilang pagkikita. He felt numb, unable to move.

So her name was Venice. F*ck! F*ck! F*ck!




















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twist Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon