Sa Opisina.
vice: pasok mo nga dito yung mga papeles ko..
assistance: ser saan ko ipapasok , dito sa loob"?
vice: hinde sa labas, ipasok nga diba.pwede bang ipasok sa labas, sige nga subukang mong ipasok doon sa labas
Another Day
Kararating Lang sa Opis..
assistance: hi. good morning po ser nandito na po pala kayo
vice: hinde wala pa, picture ko lang toh, hindi pa ako to
Naospital yung pamangkin, kasi buntis (dinugo)...
pumuntang emergency
vice: nurse tulong!!
nurse: ano pong nangyayari? manganganak?
vice: ay hinde. ipapatira ko pa lang.dinudugo na nga diba. syempre manganganak na
2nd Attempt
vice: bilisan mo na
nurse: ano pong gusto niyo? tawagin ko si dok?
vice: hinde ako na kaya ko na toh!!!,doon na lang kayo, baka nakakaabala pa ako sa inyo!!
3rd Attempt
tagal ng doctor..
vice: yung ulo ng bata lumabas na!!
nurse: (nagtatakbo) ay ano yan ulo ng bata?
vice: hindi ulo ng **** ng bata..bwiset
Patay Tatay:
vice: umiiyak sa harap ng kabao ng tatay
dumating si bestfriend, hinimas-himas yung likod ni vice
bestfiend: uy, okey ka lang?
vice: ikaw hayop ka, patayin ko tatay mo? okey ka lang!!!!
vice: ********* ka tatay ko nasa kabao, tapos tatanungin mo ko kung okey ka lang!!!
vice: okey lang ako, ako pumatay eh..bigtime! success patay na eh.. nasan tatay mo sunod na naten?!!! para okey ka den
Vice papuntang fastfood:
Vice: (Umupo)
Waiter: Gud afternun po! Kakain po kayo?
Vice: Hindi, magluluto, tutulungan ko chef nyo.. Kakahiya naman nakiupo ako dito tapos hindi pa ko tutulong.. Bilis na.. Gusto mo tulungan pa kita sa mga customers nyo.. Tapos aasenso business nyo.. Edi masaya, di ba? Umunlad na kayo, nagutom pa ko.. Ang galing noh?
Vice nakaupo sa park.. Walang nakaupo sa ibang upuan..
Manong: Pwede po bang umupo dito?
Vice: Hindi, tinatalunan yan.. Nakikita mo di ba, ang daming nakaupo.. Mamaya tatalunan ko yan.. Tapos sabay nating gagawin.. Sama na rin natin yung mga dumadaan.. Para mukha tayong mga baliw lahat.. Bilis na, simulan mo na.. Maya-maya lang susunod ako..
(Nakakita siya ng guwapo, di nakapagpigil)
Vice: Hi, ano pangalan mo?
Gwapo: Ako po?
Vice: Hindi sila, may nakikita ka pa bang tao? Malamang ikaw, ang tanga
(Sa gasoline station, pagbaba nya ng window)
Gas boy: Magpapagas po?
Vice: Hindi magpapaconfine ako. Malamang magpapagas, gasolinahan ‘to 'di ba? Alangan magpaconfine ako dito, tapos dextrose ko 'yung unleaded gasoline niyo, at ayun na yung ikakamatay ko.
(Sumakay siya ng jeep na walang laman papuntang palengke)
Vice: Manong bayad po.
Manong1: Ilan ‘to?
Vice: Ay manong dalawa yan, nakakahiya kasi sayo, kahit ako lang mag-isa sakay mo, dalawa na ibabayad ko, libre na kita kahit sayo 'tong jeep.
(Bababa na sya)
Vice: Manong, para.
Manong1: Bababa ka na?
Vice: Ay hindi manong, sasakay ako. Sasakay ako ulit, dun naman ako sa bubong, mas presko kasi dun.
(2nd attempt)
Vice: Para ho.
Manong1: Dyan ba sa tabi?
Vice: Ay hindi manong. Dun ako sa gitna, sa gitna para masagasaan ako.
(Binaba siya sa gitna)
Vice mabundol ng isa pang jeep…
Manong2: Nasaktan ka ba?
Vice: (naasar) Ay hindi, nag-enjoy ako. Ulitin natin, bunguin mo pa. Isa pa! Dali! Ang sarap kasi! Nakabundol ka tapos itatanong mo kung masakit? Ikaw kaya bundulin ko? Tapos i-share mo skin feelings mo, kaya na-enjoy mo, sige magbungguan tayo. Laruin natin, ipauso natin, bunggu-bungguan.
(after kumain sa isang restaurant with friends, sumenyas si vice, nag-sign siya sa waiter gamit ang dalawang kamay para sa bill, yung korteng square na pagkakasign)
waiter: sir, bill po?
vice ganda: ay hindi, magpapapicture. hindi kasi kami nabubusog pag hindi nagpapapicture pagkatapos kumain eh.
vhong: what is a sentence.
vice: a sentence is a word or a group of words that has complete thought.
vhong: wow. eh verb? what is verb?
vice: a verb is an action word.
vhong: how about pang-abay? what is pang-abay?
vice: pang-abay? slacks, barong, kimona, dat's pang-abay!