I-Ikapitong Kabanata

21 0 0
                                    

Erika's POV





Tatlong araw na ang nakalipas mula ng magkasakit ako. Kaya eto ako ngayon happy happy na!!



Kung gusto niyong ikwento ko kung ano nangyari? Aba! Pwes. Idedescribe ko siya in 3 words. ISANG MALAKING IMPYERNO.



AT BAKIT?! MAY ISANG LALAKI BA NAMANG NA NANGANGALANG JOSH ANG KUMUPKOP AT NAG-ALAGA SA AKIN. AT BAKIT HINDI AKO MAGAGALIT?!?!



UNA. HINDI AKO NAKAPASOK SA MGA KLASE KO AT PANIGURADONG BAGSAK NA NAMAN AKO.
PANGALAWA. SINONG HINDI MABABAGOT KUNG MAY NAG-AALAGA SAYO AT BINABANTAYAN KA 24/7.
PANGATLO. WALANG KASAMA SI DARICK.
PANGAPAT. PAPATAYIN AKO NG MGA FANGIRLS KUNO NITONG LINSEK NA LALAKI NA 'TOH!



"Oh best? Ba't nakakunot 'yang noo mo? At hinay hinay lang, kawawa naman yung ballpen pisat na." Napatingin naman ako sa ballpen ko. Oo nga, napisa ko na yung panda kong ballpen. Hay! Hayaan mo na kinse lang naman dito yan eh.(AN: P8 nga lng sa amin yan eh XD)



"Kamusta na nga pala si Darick?" Syempre dahil siya na lang ang natitira sa akin, todo bantay pa rin ako sa kanya kahit hindi ko pa siya nakikita ng halos isang linggo. Miss ko na yung kakulitan ng bulilit na yun!



"Aba! Takbo ng takbo tapos pupunta sa may pinto tapos sasabihin 'Asan na si Ate?' habang nakadungaw doon sa may screen. Pero napapakain ko naman siya ng kumpleto at napapatulog ng maaga." Napabuntong hininga na lang ako. Parang pakiramdam ko ang sama kong ate kasi ni hindi ko man lang nabantay yung kapatid ko.



"Salamat naman at napagtiisan mo 'yang kakulitan ng kapatid ko. Sorry nga pala at naabala pa kita." Nakakahiya kasi ang dami dami niyang naitulong sa akin pero ako hindi ko kayang ibalik yun.



"Wala yun, bes. At saka para na rin kitang kapatid. Para saan pa at naging magkaibigan tayo. Diba nga tayo ang partners in crime? Di mo na naman kailangan ibalik sa akin lahat ng 'yun. Ang importante ay ligtas kayo ng kapatid mo." Niyakap niya ako kasi medyo naluluha na ako.



Simula ng mawala ang magulang namin ni Darick, hindi ko na inintindi ang sarili ko pwera na lamang sa pag-aaral ko. Si Abby, na bestfriend at kababata ko, lagi niyang pinapaalala niya sa akin na alagaan ko ang sarili ko pero anong ginawa ko? Binalewa ko lamang yun kasi si Darick lang ang inaalala ko. Ang sama sama kong kaibigan, ni hindi ko man lang inaalala ang paalala sa akin ng kaibigan ko. Tinuring naming kapatid ang isa't isa pero ako 'tong nagtatago ng sikreto.



"Sorry.." Ako muna ang humiwalay sa yakap niya sa akin. "Sorry kung binabalewa ko lang yung mga paalala mo. Sorry kasi akala ko maayos lang ako. Sorry masyadong na akong nakakaabala sayo. Sorry masyadong na akong pabigat sayo. Sorry kung naglilihim ako sayo." Niyakap ko siya ng mahigpit at ganun din siya sa akin.



"Ano ba naman yan beshh ehhhh. Naiiyak na rin ako dahil sayo. Diba nga walang iwanan? Kahit magkapatid ang turing natin sa isa't isa hindi talaga mawawala ang sikreto at kung anuman 'yan, alam kong may rason ka kung bakit hindi mo sinasabi iyan sa akin. Nirerespeto ko yun." Hayyyyyyy..... Miss ko na talaga ang dating buhay ko. Miss ko na rin si bessyyy.



"Oh sya! Mag-ayos na tayo baka magmukha tayong tanga mamaya." Nakangiting sabi sa akin ni bessy.



"Aba dapat lang! Ayokong masira ang aking peys." Napatawa naman kaming dalawa dahil sa simabi ko.



Umalis muna kami ng classroom at pumunta sa restroom para mag-ayos.



Third Person's POV




Lingid sa kaalaman nila ay may isang pares ng mata ang sumusunod sa kanya.



Kay Erika.



"I'll wait for you..."




Mysterious' POV




Coming from the shadows

I shall appear

But back at dawn

Everything seems clean

And when the shadows fade out

Right in the meadow hope comes up

But once the comes back

One is kept to its luck




=============================================================
AN: Hiii! Long time no update.

First of all sorry kung ang tagal ng update na 'to at sobrang sabaw. May rason naman ako diyan. Schoolwork, schoolwork at schoolwork. Masyadong maraming ginagawa kaya di ako nakakagawa ng update.

Second. Since malapit na ang Christmas break, back to Wattpad at updates na! But don't except it to be everyday. Depende kung ano makakaya ko at schedule namin.

Third. Nakakainis kasi next year minove yung exams namin kaya imbis na happy happy na lang sunog-kilay ang binigay. Uy!! Rhyming XD sabawforevs

Fourth. Magkakaroon akong compilation ng mga one shots ko, with friends or galing sa schoolworks namin. Nagawa lang namin yun out of our schoolworks, boredom or parang ideas stuff namin.

Ingat sa mga suspended ang classes. Enjoy ang mga wala ng classes.

Enjoy the update and God Bless! :*

Night ChangesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant