Dear You 7-17-15 (8:50 Pm)

3 0 0
                                    

Dear You,
first of all.... wala akong sinisisi sa nangyare. Kasalanan ko lahat kaya ako nasasaktan ng ganto kasi pinabayaan ko yung sarili ko na mahulog ulit sayo. Yung tipong 25% na move on ka na kaya lang after nating mag usap nung GEB. Naisipan ko na itigil na lang ulit yung pagmomove on ko gagawin ko na lang yung nasa "hiddn secret" sa letter. Pero parang mali ako ng choose kasi eto ako hirap na hirap makaahon sa pinagkalubugan ko. Ngayon back to zero ako. Hindi ko na naman alam kung paano magsisimula.

Yung tipong tawang tawa na ako tapos mamaya my papatak na naman na luha double purpose na. Napapakita ko sa kanila na masaya ako at naiilabas ang sakit ng nararamdaman ko ng di nila alam. Pero may mga tao talagang kilalang kilala ako kahit nakikita nila na masaya ako o tumatawa nakikita pa rin nila na nasasaktan ako 😔😔.

Sabi mo kasi kung makakapag intay, mag intay..... pero parang wala naman akong aantayin kasi may mahal ka palang iba😭😁. Yun lang ang inaantay ko eh ang malaman na di mo ko mahal. Although di ko siya narinig direct sayo. Pero yun yung narinig ko kay ate "he choose your Oppa than you" diba ang sakit sakeeet nun💔💔. Di mo naman sinabi na nahihirapan ka pumili mahal ko o mahal ako. Edi syempre itutulak kita sa mahal mo para maging masaya.
Pero sana sinabi mo na lang na wag na akong umasa kasi my mahal ka nang iba. Na kahit masakit okay lang kasi alam ko yung totoo. Di tulad ngayon di ko alam kung sino ang tama... pero anyways di ko na yun iisipin kasi mababaliw lang ako.

When I decided to choose you, There's someone whose willing to wait for me to move on. Pero di ko siya pinayagan kasi ayaw kong mapaasa siya sa wala. Siya yung taong andyan pagmasaya ako, siya yung love adviser ko, siya yung taong umiyak ng dahil sa akin kasi ayaw niya akong nakikitang nsasaktan. Kaya I Know mahirap pumili sa Mahal ko o mahal ako dahil ako lagi kong pipiliin yung taong mahal ko nang walang duda. Pero ngayon na nagkamustahan kami siya masaya na siya dun sa bago niyang crush. Happy ako para sa kanya pero nagtatampo siya sa akin kasi nalaman niya yung taong pinili ko nasaktan lang ako samanthalang siya daw lahat ginawa niya pero di pa rin nakapasok sa puso. Pero wala eh ikaw yung pinili ko di ko naman alam na masasaktan lang ako.

Nag-iintay ako sa bagay na alam kong di na mangyayare. So yun ibabalik ko yung dating tingin ko sayo yung "kuya lang". Sana makaya ko. I want to forget you as the one I love but it's so hard that I am starting to hate myself. Now I have a fear, fear of attachment lalo na sa mga lalake parang ayaw ko na makipagkaibigan sa mga lalake. Siguro tama na yung mga lalake kong kaibigan, mga kuya-kuyahan ko at yung dalawa kong bestfrind na lalake. May chance na magkaroon ako ng kaibigan na lalake kapag alam ko 50-50 sila o badingin.😁 Ilang nga ako sa mga kaklase kong lalake ngayon kapag kinakausap ako ipapasa ko sa katabi ko yung sinabi tas siya yung sasagot hahha... crazy right😂😂😂🙌🏻

Nung Monday intensional talaga yung pag iinom ko kasi nasaktan ako sa mga nalaman ko grabe yung iniyak ko mabuti na lang at labas na ako ... Ako yun nag akit na mag inom kami. Ayaw ko na makita ako ni nanay na umiiyak kaya sumama ako sa kaklase ko . Pero nung Tuesday at Thrusday naakit lang ako kasi nung tuesday bday nung Dati kong kaklase at nung thrusday wala naman daw pasok kinabukasan.....

Siguro hanggang dito na lang talaga tayo. We are not meant to be lovers. 😁😁 We are destiny to friends and To be brothers& sister. Hindi pwedeng ipilit kung wala naman talaga. So this it pancitttt!! Aja...

Uy MAHAL KITA !!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon