Chapter 9
"Gail Christelle Valdez"
Ha? Narinig ko ba ang pangalan ko? Pasensya na lumulutang kasi ang isip ko eh. Paano naman kasi Hmmmmppp! Ayoko na. T_T
*poke poke poke*
Ano ba yan!! Kanina may tumawag sakin tapos ngayon naman may sumusundot. Naku! Naku!
"Uy Gail" *poke*
Putek! Hindi ko na napigilan. "Ano ba yon?!" asar kong tanong.
"Ay eh sorry." Si PJ lang pala, yung si Mr. Nice Guy? Mukhang nagulat siya sakin kitang- kita ko kasi sa reaksyon niya eh.
"Kasi Gail, mukhang malalim ang iniisip mo. Ikaw na kasi yung aakyat sa stage." Malumanay niyang pagkakasabi saka pilit siyang ngumiti. Hindi kasi makaget over sa kasungitan ko.
Naman kasi o! Nasa practice nga pala ako ng graduation namin. Thank you kay PJ kasi ginising niya ang diwa kong lutang. Umakyat na ko ng stage kunwari kasi bigayan na ng diploma. Pagkabalik ko sa pwesto, nginitian ko si PJ. Juskolord! Parusahan niyo na ko, now na!
"May problema ka ba? Mentally-absent ka eh." Nakangiti niyang tanong pero sa ngayon, natural na niyang ngiti yun. Isa siyang emoticon, promise.
Nasabi ko bang gwapo tong si PJ? Kasi kung hindi, sinasabi ko nga gwapo siya. Kung bakit PJ? Peter Joseph Villanueva. PJ na lang para mas maganda at mas maikli. Alam niyo naman ang katamaran ko diba? Pero seryoso, nickname naman niya ang PJ at hindi ako nag-iimbento. Alphabetical nga pala ang ayos kaya kami magkatabi.
"A-ah oo okay lang ako may iniisip lang." Medyo naiilang kong sagot.
"Ano naman kaya iniisip mo? Ay teka, SINO pala?" sabay ngiti ng nakakaloko. Kita niyo? Tsismoso rin 'tong lalaking ito.
"Ha?" Tanong ko. Medyo naconfuse yata ako eh hahahaha!
"Ganda mo kako! Hahahaha!" Walastek.
"Tigilan mo nga!" Saka ko siya hinampas sa braso. "Grabe ka ah" At tinawanan ko siya.
"Ikaw na nga lang ang pinupuri ayaw mo pa!" Ganti niya.
"Malay ko bang puri pala yun? Paano kung pambobola?" Saka ko siya pabirong inirapan.
"Sige na! Panalo ka na!" Umiiling-iling pa niyang sabi.
Ganyan naman yan lagi ako pinagbibigyan. Ewan ko kung sadyang gentleman o polite o sadyang moody lang sa pakikipag-asaran.
Natapos na ang practice hanggang 3pm lang kasi talaga yun. Nag-uwian na ang mga estudyante pero meron ding iba na may balak pang gumala.
"Uy Gail! Sama ka samin! Punta tayong mall maaga pa naman eh please...." Si Jamilah yun nagmamakaawa pa talaga.
"Eh? Pass muna ako ngayon napapagod na kasi ako eh." Pagrarason ko pero ang totoo, tinatamad lang kasi ako! Dadaan pa sana ako sa bahay namimiss ko rin naman ang tahanan namin no! Huhu.
"Ay ganun? Sige na nga! Hindi na kita pipilitin hindi ka naman magpapapilit eh. Alam naman namin yun. Hahahaha!" Sabay tawa ng malakas. Loka-loka talaga yun.
Umalis sila kasama yung ibang friends namin. Ako naman, naglakad-lakad muna para kasing may nagsasabing huwag muna akong umuwi. Nagpunta ako sa garden. Yung pinuntahan ko dati kung saan ako nahulugan ng mangga? Oo, doon nga. Kainis.
Tumambay muna ako dito kasi mukhang kailangan ko nang magmeditate sa dami ng pinagdadaanan ko. Kasi naman, naloloka na ko sa pinagagawa ni Father Nico! Akala niyo nakalimot na ko no? Hindi ah! Buset nga eh.
Oo gusto ko siya.
Oo gusto ko na naging close kami kasi nakakasama ko siya sa Simbahan. Pero, ayoko namang tuluyang mahulog ang loob ko sa kanya kasi nga BAWAL.
Mahina ako.
Alam kong mahina ako sa ganitong mga bagay.
Alam mo yung bawal? Nakaugalian na natin to eh. Kailanman, hindi naging tama ang mali. Tandaan niyo yan. Wala naman ako magawa kahit alam ko yung prinsipyong iyon. Talong-talo nga ako eh. Luging-lugi.
Kahit ano ang gawin ko para pigilani tong nararamdaman ko, wala eh sadya yatang pinaglalaruan ako ng tadhana. Okay naman, payag naman akong paglaruan ng tadhana pero sana sa ibang lalaki na lang pero bakit sa committed pa?
Ang hirap diba?
Ano ang laban ko sa bokasyon niya? Ako na mismo ang aatras. Ayokong lumaban.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Ang sakit pala. Naramdaman ko na lang yung kirot sa puso ko. Ganito pala kapag nagmahal ka. Ganito pala kapag minahal mo ang isang lalaki na kailanman, hindi magiging iyo. Iniyak ko na lang ng iniyak tutal wala namang nakakakita sakin dito. Sorry ha? Medyo mababaw yata ang luha ko at ang bilis niyang bumagsak. Ganito ba talaga kahirap?
"Miss" Sabi ng isang boses. "Eto ang panyo. Huwag ka ng umiyak, nalulungkot din kasi ako eh."
Ha? Sino to? May ibang tao dito? Nakakahiya! Nakita niya ang pag-iinarte ko huhuhu.
