Matagal na po tapos yung story at di na rin naedit, sorry po kung medyo magulo Hehe! :) yung ibang scenes po sa story na to ay true to life fyi :D enjoy reading!
*****
CHAPTER 4
>>Super duper Fast forward<<
Ang sakit ng ulo ko. Hanep! Ikaw kaya ang hindi makatulog kahit antok na antok ka na? Tsss... Ilang araw na kong ganito. Wala lang trip ko lang sigurong gawin to sa sarili ko.
May good news ako sa inyo, CHRISTMAS VACATION na!!!! Yehey!!!
Ayan! Kaya malakas ang loob ko magpuyat. May chika pala ako. Huling beses kong nakita si Fr. Nico nung last Sunday of November. Ang lungkot ko tuloy. Super sad.
Simula nung nag-start yung December, hindi ko na siya nakikita. Gaya ng sinabi ko, hindi ko naman alam yung schedule niya. Pero may naobserbahan ako. Kapag may event, naiiba ang schedule nila. Kaya kapag may event, iexpect mo na wala siya. Basta ganun na yun.
Ang balita ko, bago lang siya dito sa Parish. Hindi ko alam kung ilang taon na siya dahil mukhang wala yatang nakakaalam. Pero kahit na ganun, ang bata niya kasing tignan. 25? 27? Ewan ko. Pero parang hindi ganun ang age niya kasi diba nga pari? Matagal-tagal na pag-aaral muna bago siya maging ganap na pari.
Anyway, yun lang naman ang kwento ko. Mahal ko kasi si Fr. Nico. Anong connect??? Hahaha!! Kulang kasi ang week ko kapag hindi ko siya nakita nang wala namang dahilan para hindi siya makita. Pakiintindi na lang yung sinabi ko haha! He serves as an inspiration.
Hanggang ngayon, wala pa rin nakakaalam ng malagim kong sikreto. Malagim talaga eh no? Hahaha! Oo, malagim siya talaga. Ayoko kasing sabihin sa iba kasi sigurado naman na kahit papano mahuhusgahan ako. Saka mahirap na baka kumalat pa. Sikreto nga eh kaya dapat itago. Maiintindihan mo ako kapag ikaw ang nasa sitwasyon ko. Mas pipiliin mo na ikaw na lang ang nakakaalam. Unless meron kang mapagkakatiwalaan talaga na pwede mo pagsabihan. Sa case ko kasi, wala.
Lumipas lang ang mga araw at sobrang saya talaga. Kasama ko syempre ang family ko sa pagcecelebrate ng Christmas at New Year. Alam niyo naman na siguro yung mga usual na ginagawa kaya hindi na ko magkkwento. Simpleng pagdiriwang ito at pagsasalo. Yung celebration niyo na lang ang intindihin niyo hahaha! LOL.
Sa wakas at natapos na rin ang taon. Sana maging mainam ang panibagong taon na ito sakin.
----------------------
Monday ngayon! Sobrang hyper ko hanep. Maaga akong pumasok at once in a blue moon lang ito mangyari. Naunahan ko pa yatang pumasok yung guard na on duty pag umaga hahaha! Syempre joke ko lang yun.
Hindi agad ako dumiretso sa room. Nilibot ko muna yung buong campus. Wala rin naman kasi ako mapapala kapag pumunta agad ako sa room. Pumunta ako sa isang garden na nasa bandang likod ng campus. Dito ako pumupunta kapag trip ko lang haha! Madalang ang pumupuntang estudyante rito dahil nga medyo tago ito at nasa likod pa na part kaya hindi masyadong pansinin. Hindi nila alam, may paraiso dito sa campus. Naupo muna ako sa ilalim ng isang punong malaki. Feel na feel ko yung oxygen na nanggagaling sa puno na ito. Nagbasa muna ako ng book para malibang kasi mamaya pa naman ang klase ko.
".........................................................."
".........................................................."
![](https://img.wattpad.com/cover/16380711-288-k904745.jpg)