Chapter 6

29 1 0
                                        

CHAPTER 6


"ZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz"

"ZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz"

"ZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz"


*BOOOGSH!!!*


Ouch! Ang sakit ng ulo ko. Hanep!


"Ano ba yun?!" sigaw ko.


"Aba! Sinisigawan mo na ko ngayon??" Patay si Inay pala ito. Lagot.

"Ay! Sorry po Ma. Akala ko naalimpungatan lang ako eh." Agad kong pagpapaliwanag.

"O siya! Bumangon ka na diyan. Inihanda ko na ang gamit mo. Pwede ka ng lumayas." Saka niya pinakita yung ilang bag.

"Gamit? Anong gamit Ma?" Pagtataka ko.

"Diba ngayon ka pupunta sa Parish? Nagppractice na lang naman kayo sa school. Pwede ka na dun manggaling." Sabi niya.

"Eh?" Hindi pa rin ako naniniwala.

"Nakuha na nila ang permission ko. Bumangon ka na diyan at tanghali na."


Lumabas na ang aking Ina at iniwan akong clueless sa mga bagay. Sabado nga pala ngayon kaya ganito ako kung makatulog. Very supportive talaga si Mommy. Siya pa mismo ang nagtataboy sakin haha!


Hindi pa rin ako prepared imagine sa Simbahan ako titira. Siguradong malayong-malayo yung buhay ko dito sa bahay sa pansamantalang magiging buhay ko dun. Alam kong may magandang epekto ito kaso, ang iniisip ko, makapagadjust kaya agad ako? Ano gagawin ko pag nakita ko si Fr. Nico? AWKWARD. LOL.

Wala naman akong choice kaya gumayak na lang ako. Ang totoo nyan, 11am na. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, pumunta na ko sa kusina para kumain.

"Magpakatino ka dun anak ha?" Bilin ni Mommy sa akin.

"Opo." Mabait naman po talaga ako eh hahaha! Isang bagpack ang dala ko at isang maliit na traveler's bag. 1pm nang umalis ako sa bahay.


------

Sa Simbahan.


Kinakabahan ako halimaw! Dahil Sabado, madalang ang tao dito sa Simbahan. Nagpunta ako sa lugar na pinuntahan ko nung nag-interview ako. Feeling ko nga walang tao rito eh. Napakatahimik kasi. Pagkababa ko ng gamit ko, saktong lumitaw si Lola. Yung nag-assist sakin dati?

"Iha ikaw pala." Nakangiti niyang bati sa akin.

"Ah opo." Sagot ko na lang. Hindi ko alam sasabihin ko.

"Mabuti at tinanggap mo ang offer namin. Halika dadalin na kita sa magiging kwarto mo."

"Sige po."

Sumunod lang ako kay Lola. Sa second floor yung kwarto ko. Maliit lang siya pero sakto lang para sakin. Tamang-tama lang ito para mabuhay ako .


"Dito ang magiging kwarto mo. Lahat ng kwarto sa floor na ito, mga tulugan lahat. Doon ang kwarto ko kaya pag may kailangan ka, nandoon lang ako."

Tinuro niya sakin ang kwarto niya. Mga three rooms away lang naman.

"Ano po pala ang pangalan niyo Lola?"

"Tawagin mo na lang akong Lola Sita. Matagal na kong nagseserve dito sa Simbahan pero minsan, umuuwi rin ako sa probinsiya namin." Pagkkwento niya.

"Ah okay po. Nasaan po pala yung iba? Kayo lang po ang nandito?"

"Sa ngayon ako, yung ilang bantay, at si Fr. Nico lang ang nandito. Nandoon siya sa kwarto niya may ginagawa pero bukas dahil Linggo, maraming tao rito. Bakasyon kasi kaya konti lang kami." Nakangiting sabi ni Lola.

"Nakakahiya naman po pala mag-ingay dito hehe."

"Ganun talaga Iha wala rin naman kasing mga bata rito eh." Speaking of bata, bakit nga pala ako lang ang nandito?

"Eh Lola, nasaan po pala yung ibang mga kabataan?" Nakakapagtaka lang kasi.

"Maraming sumali sa choir. Kapag may mass lang sila nandito. Konti lang kasi yung inofferan namin na magstay dito at isa ka dun. Hindi kasi tinanggap ng iba dahil busy daw sila ngayong bakasyon."

"Ah ganun po ba? Paano po pala napili kung sino yung mga magstay dito?"

"Si Fr. Nico kasi yung pumili ng mga kabataan. Siguro sa kanya mo tanungin kung bakit ka niya napili." Sabi ni Lola.


Naks! Hahaha! Ayoko nga tanungin, nakakahiya eh haha!


"Sige Iha maiwan na muna kita. Madali lang naman ako hanapin kapag may kailangan ka. Dito ka muna ha?"

"Sige po Lola. Maraming salamat po! Thank you po talaga."

Tumango lang si Lola at umalis. Ako naman, inayos ko na ang gamit ko. Hindi ako pwedeng maging burara at nakakahiya ng sobra. Inexplore ko na rin ang kwarto ko.

Nakakatuwa kasi ang bait ni Lola. Feel at home tuloy ako. Gusto rin mameet yung iba para masaya naman. Mabilis ko lang inayos ang gamit ko kaya bumaba ako at hinanap si Lola. Nakita ko siya sa kusina.

"Iha! Nagugutom ka ba?" Tanong niya.

"Hindi naman po. Hinanap ko lang po kayo wala po kasi ako magawa eh Tulungan ko na po kayo."

"Hindi na Iha. Tapos na rin naman ako. Iluluto ko na lang ito mamaya para sa hapunan. Nalibot mo na ba ang Simbahan? Siguro yon muna ang gawin mo." Suggestion ni Lola.

"Ah sige po magandang ideya yan. Sigurado po kayo na kaya niyo na yan?"

"Oo Iha kaya ko na to. Sige magpahangin ka na muna."


Sinunod ko yung suggestion ni Lola. Hindi ko pa talaga nalilibot ang buong Simbahan kasi pag nagsimba ako, aalis na rin ako pagkatapos. Ang ganda pala ng Parish na ito. Malawak ang bakuran at masarap puntahan kapag kailangan mo magrelax. Medyo mahirap siya idescribe eh. Mini miniature na lang ng St. Peter's Basilica para sosyal haha! Medyo kahawig kasi.

Nalibang ako sa paglalakad kaya dun na lang ako sa may garden tumambay. Nakakarelax talaga, promise. Ang ganda kasi ng view nakakatanggal ng stress. Bago ko pa mailagay ang earphones ko, may narinig akong nagsalita.


"Nandito ka lang pala."


My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon