Chapter 7

51 3 2
                                        

CHAPTER 7


"Nandito ka lang pala."


Muntik akong mahulog sa kinauupuan ko paano naman kasi akala ko ako lang ang nandito tapos biglang may susulpot na boses na akala mo nanggaling sa ilalim ng lupa.


Masama kong tinignan kung sino yung nagsalita. Hindi ko pala kayang magalit kasi pagkakita ko sa kanya, naiba ang mood at itsura ko.


"Fr. Nico kayo pala akala ko kung sino hahaha!!" Natatawa kong sabi.

"Sorry natakot yata kita." Ngumiti siya saka umupo sa tabi ko. Shems katabi ko siya! Ang sweet pa ng ambiance hanep talaga!


"Thank you kasi nakapunta ka dito. Hindi mo ko binigo."

Nakatingin sakin ang malaPiolo Pascual na mata niya. Ayiee! Infairness magkaapelido sila haha! Nakatingin kasi siya sa mata ko ganito ba talaga siya makipag-usap? Nalulusaw kasi ako eh.


"A-ah opo wala rin kasi po kasi akong gagawin ngayong bakasyon eh." Medyo naiilang ako. Huway?

"Mainam. Sana mag-enjoy ka sa pagstay mo dito." Cool na cool niyang sabi. Smile pa more!

"Ngayon pa nga lang po nag-eenjoy na ko eh. Masarap pala tumira dito." Sagot ko naman.

"Pwede ka naman tumira dito eh Yun ay kung gusto mong..."

"Nako! Mali po ang iniisip niyo. Wala po ako balak magmadre hehe."

Inunahan ko na siya baka kasi akala niya magmadre ako eh. Gusto ko po ng pamilya hahaha! Sinabi ko yun with hand gestures para magets niya haha!


"Wala naman akong sinabi ah." Natatawa niyang sabi.

"Eh ano po ba dapat?" Tanong ko.

"Wala. Nevermind." Nakangiti na lang niyang sabi.

"Ayiee! Si Father gumaganon." Inaasar ko siya haha! Wala lang natutuwa kasi ako eh.

"Ikaw talaga. Kapag umingay dito sa Simbahan alam ko na kung sino ang pasimuno."

"Ganun po? Hindi yata ako bagay dito Father."

"Joke lang yun syempre. Ikaw naman."

Nakakatuwa talaga kasama si Fr. Nico sana ganito lagi.


Nagkwentuhan lang kami doon kasi wala rin naman din daw siya ginagawa. Bukas daw siya busy kasi nga Sunday.

"Pumasok na tayo sa loob malamok na dito eh Nakakahiya naman sayo." Biro niya.

Dahil napasarap nga ang kwentuhan, ayun 6pm na pala. Niyaya niya ko pumunta sa kusina para kumain.

"Tamang-tama ang dating niyo. Nakahanda na ang hapunan." Si Lola Sita yun na parang nagulat pa at magkasama kami ni Fr. Nico.


Hiyang-hiya akong kumain paano naman kasi soooooobrang tahimik! Utensils lang ang maririnig mo saka kuliglig!

Pagkatapos kumain, tinulungan ko si Lola mag-ayos ng hapag. Si Fr. Nico naman bumalik na siguro sa kwarto niya. Mahal ko na talaga siya hahahaha! Maisingit lang.


"Bumalik ka dito Iha siguro mga 9pm. Ikaw ang mag-akyat kay Fr. Nico mo ng kape tutal mukhang close naman kayo." Bagets talaga si Lola Hahaha! Nako Lola kung alam niyo lang.

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon