CHAPTER 1
*tit tit*
Tunog ng cellphone yan wag kang kontra. Pagkatingin ko,
1 message received.
From: Jamilah
Uy mamaya ah! Simba tayo, wag kalimutan! Muah :*
To: Jamilah
Okay. Kitakits. :D
Ayan tayo eh Sunday nanaman ngayon. Part na ng buhay ko ang magsimba. Namana ko na kasi ang pagiging sagrado ng parents ko. Parang kulang kasi ang araw ko kapag hindi ako nakasimba lalo na kapag Sunday.
Bago ang lahat, ako nga pala si Gail Christelle Valdez. Graduating high school student. Simple lang naman ang gusto ko sa buhay, ang makatapos ng pag-aaral. Simple lang din akong tao. Mabait at tahimik sabi nila. Marami naman akong kaibigan at masaya ako dun.
November na ngayon at malapit ng magpasko. Nararamdaman ko na nga eh. Pagulong-gulong pa ko sa kama at nang makita ko ang orasan,
"Sh*t." yan na lang ang nasabi ko. Paano naman kasi, 1pm na! May mass pa kaya, hello?! Agad-agad akong kumaripas papuntang CR. Ayoko kasing nalalate. Ginawa ko na ang mga ritwal ko saka umalis.
---
Sa Simbahan:
"Hi Gail! Akala ko malalate ka ngayon eh hahahaha!!" Loka-loka talaga 'to.
"That's a Big NO! haha!" saka kami naupo sa favorite spot namin.
Kasama ko nga pala ang closest friend ko. Hindi ko siya best friend. Hangga't maaari kasi, ayoko ng mga commitments. Iba kasi pananaw ko sa buhay. Alam naman niya yun at okay kami.
Nagkwentuhan lang muna kami. Actually, 30 minutes pa bago mag-start ang misa. Nakasanayan na talaga naming pumunta dito nang maaga para makapili ng magandang pwesto. Anyway, parang hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Parang may something unusual. Tinignan ko ang paligid pero wala namang bago. Siguro yun ay dahil hapon kami nagsimba ngayon. Dati kasi tuwing umaga kami nagsisimba pero due to some reasons ( acad things etc.), ngayong hapon na lang kesa hindi, diba??
"Magandang hapon po sa inyong lahat." Oopps. Start na pala. Quiet na ha? Focus.
"............................"
"............................"
"............................"
AAArrgghhh!! Hindi ko ito kinakaya. Parang may bumabagabag talaga sakin. Hindi ko naman malaman kung ano! Waaahh! Ano ba ang nangyayari? Huhuhu.
"Pssst! Oy! Okay ka lang?" Tanong ni Jamilah.
"Oo okay lang ako." Casual kong sabi. "Naninibago lang siguro hehe." Dagdag ko pa. Nginitian ko na lang si Jamilah para mas convincing.
"Pagtibayin natin ang ating pananampalataya."
Yan ang huling salita na narinig ko mula sa homily ng Pari. Hindi talaga ako nakapagfocus kasi nga, hindi ako mapakali!
Natapos na ang misa. Mabilis ba? Madami kasi akong iniisip. At isa pa, may "weird thing" na nangyari sa akin ngayon. Nakita ko kasi SIYA. Oo, SIYA nga. Ngumiti siya sakin at ang alam ko lang ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
----------------------------------------------
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapakali. Idagdag mo pa yung magagandang ngiti na lumusaw sa puso ko. Ano yung sinabi ko? Totoo ba? Ano maganda dun? Waaaah! Ano to? Feeling ko kasi may dragon sa tiyan ko. Anong pakiramdam to? I hate this feeling. T_T
"Ayiee! In love siya!" Si Jamilah yun at sinusundot-sundot pa yung tagiliran ko. Kaasar.
"Hindi no! Alam mo naman na wala akong time sa mga ganyang bagay." Seryoso kong sagot sa kanila. Totoo naman!
"Sus! Akala mo lang yun." Saka niya ko binigyan ng nakakaasar na tingin.
Lunes na nga pala ngayon at nasa school canteen kami. Lunch break kasi kaya ganito na lang kung guluhin ako ng babaeng ito.
"Paano naman naging in love aber??" Tanong ko.
"Hello?! Nasabi mo na kaya yung mga signs." Komportable pa niyang sabi.
"Anong signs?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Yung mga pakiramdam na sinasabi mo! Butterflies in my stomach chuchu na yan."
"Weh?"Ay grabe.
"Oo nga!" Sigaw niya sa akin.
"Paano mo naman nalaman?" Mamaya ineechos lang ako nito.
"Basta alam ko lang." Loko 'to ah
"Paano kung crush lang?" True.
"Dun din naman ang punta nun!" Sabay ngiti na nakakaloko
"Whatever! Tara na nga sa room!" Hinatak ko na siya paalis. Kung ano-ano kasi ang sinasabi niya sa akin.
Hindi naman kasi ako titigilan nun eh. Ganito rin yung mga nababasa ko sa mga novels. In love daw sila pag may mga "weird things and feelings" kuno. Basta ako walang time sa love na yan! Crush buti pa. Hindi naman ganun kataas ang standards ko. Hindi ko nga rin alam kung ano ang ideal man ko eh. Naniniwala kasi ako na ang love ay nararamdaman na lang. Hindi natin alam kung sino at kailan. Basta pag tumibok yan, wala ka ng magagawa.
Spell H-U-G-O-T hahahaha! Tama naman eh agree ka? Kung hindi, o de wag!
Lumipas lang ang ilang araw. Boring nga eh. Katagal naman kasi ng Christmas vacation. Alam kong November pa lang! Bakit ba kasi? Huhu. Yun na rin naman ang susunod ah. Pagkatapos nun, graduation na. Wala ng gagawin. Sad life.
"Uy! Lalim ng iniisip ah." Si Jamilah nanaman na laging ginugulo yung moment ko. Harhar.
Pinabibilis ko na ang araw namin dahil wala naman talagang nangyari sa araw na ito. Hapon na at wala na kaming klase.
"Wala! Eto naman hahaha!" Sagot ko.
"Tara na. 5:30 na oh! Nakakahiya naman sayo pag nalate ka." Oo nga no?
"Hahaha! Okay. Tara."
Magsisimba ulit kami. Bait namin no? Nakasanayan na eh. Saka masarap naman kasi sa feeling pagkatapos.
Naglakad lang kami since malapit lang naman sa school. Pero bago kami makapasok sa Simbahan, napahinto ako. Para akong nagyelo sa kinatatayuan ko.
"Uy! Gail! Ano pa tinatayo mo dyan?"
Hindi ko pinansin si Jamilah. Nakuha nanaman kasi niya ang atensyon ko katulad nung dati. Ang pinagtataka ko lang, nakatayo lang naman siya sa may gilid at may kausap. Wala naman siyang ginagawang eksena para makuha ang atensyon ng tao. Pero bakit ako, napansin ko siya? Weird. Weird talaga.
"Gail!!!!" Sabay tapik.
"Sorry hehe. Tara pasok na tayo." Wala sa diwa kong sabi.
Baliw na yata ako. Ngayon ko lang naman siya nakita pero... Weird talaga. Eto ba yung sinasabi nila? Whatever. I don't care.
Pero sino ka ba talaga? Why are you making me like this? Alam kong wala ka naman talagang ginagawa pero bakit ako affected? Am I attracted to you? Crush na ba kita? Madalang talaga ako magkacrush. Kahit nga artista hindi ko pinapansin eh. Inaamin ko, sa unang tingin ko pa lang, iba ka na. Parang ang gaan ng loob ko sayo. Are you the one I've been waiting for?
