Chapter 3

53 3 1
                                        

Chapter 3


Nag-start na ang misa. Yung kaninang hyper kong personality ay biglang bumagsak. Paano naman yung crush ko wala! Dapat andyan na yan ngayon pa lang! Ang nakikita ko lang sa altar ay yung pari, mga sakristan, yung mga minister ba yun? Basta sila! Pero bakit wala yung gusto kong makita? Huhuhu Nakakalungkot naman. Every Sunday ko na nga lang makikita wala pa! Nasaan kaya yun? Bakit siya absent? May sakit? Huwag naman sana. Pero nasaan ang hustiya?

Siguro masyado na daw akong masaya sa buhay ko kaya binibigyan ako ng rason para maging malungkot. Opo panalo na kayo sobrang baba na ng energy ko. Wala na ko sa mood tuloy. 

Nasa kalagitnaan na yung misa pero ako, para na kong zombie dito. Buti wala akong kasama kung hindi, maiintriga nanaman ako neto.  Paano kaya ako magiinterview mamaya? Si Fr. Mark sana ang gusto ko mainterview. Magaling kasi siya maghomily at ang bait bait pa niya. Matagal ko na rin siyang kilala at sigurado na magiging okay pag ininterview ko siya. Yun ay kung pwede akong mamili. Busy ang mga pari so bahala na sila kung sino ibigay nila sakin mamaya.

Nang matapos ang misa, lumabas na agad ako para pumunta sa lugar para makahanap ako ng iinterviewhin. Medyo matamlay pa rin ako pero pinilit kong maging jolly para naman tanggapin nila ko dito.


"Hello po! Meron po kasi kaming activity sa school. Sino po kaya ang pwede kong mainterview?" Lumapit ako dun sa isang Lola na nagseserve din sa Simbahan. Todo ngiti ako para mas convincing hahahaha!

"Ah oo Iha. May ilang kabataan na rin ang nagpunta rito. Ganyan din ang ginawa nila. Sige maupo ka muna dyan. Hintayin mo at tatawagin ko si Fr. Nico." Ngumiti si Lola saka umalis. Fr. Nico? Parang narinig ko na yun pero hindi ko alam kung sino. Sino kaya yun? Hhmmm....

"Iha, halika. Dun tayo." Sinundan ko si Lola at parang unti-unti na kong kinakabahan. Para akong baliw magiinterview lang kinakabahan pa. Hahaha!

"Maupo ka muna dyan. Nasabi ko na kay Fr. Nico yung tungkol sa activity niyo. Hintayin mo nalang siya dito ha?"

"Okay po. Maraming salamat po Lola."

Ang bait ko no? Haha! Dinala ako ni lola sa parang isang tanggapan. Infairness maganda! Gusto ko yatang tumira dito haha! Bukod sa malinis, maganda pa ang aura kaya nakakarelax. Naupo na lang ako ng maayos at hinintay si Fr. Nico na sinasabi ni Lola. Hindi nagtagal, may pumasok na lalaking nakaputi. Baka siya na si Fr. Nico na tinutukoy. Tumayo ako.

"Good afternoon po." Sabi ko with matching smile kuno.


Pagkagreet ko, lumingon siya at ngumiti rin.


"What the eff?!" Sa isip ko lang yan Hahaha!! Paano naman kasi si Fr. Nico pala na sinasabi nila ay kilala ko pala.Buhay nga naman.


"Good afternoon din. Dito ka maupo." Pinaupo niya ko dun sa tapat ng table niya. Shet malulusaw na ko huhuhu.

"Nasabi na nga pala sa akin ni Manang yung pakay mo. Let's start?"Sabi niya habang nakangiti pa rin.


Waaaah! Huwag ka nang ngumiti please. Ilabas niyo na ko sa silid na to please lang! Lupa! Lapain mo na ako!


--------------------------------------

"Kenshin Nicole Pascual" Sabi niya habang nakangiti. Panay naman kasi ang ngiti ng tao na ito. Napakamasiyahing tao naman. Ganyan ba siya kabait? Hahaha! Isa siyang malaking emoticon.


Oo! Tama ang iniisip niyo! Si Kenshin Nicole Pascual na mas kilala bilang Fr. Nico yung crush ko! The eff! Huwag niyo naman akong husgahan please lang. Alam ko Pari siya at bawal na bawal akong mainlove sa kanya huhu. Hinahamon ko kayo na tignan siya. Tignan natin kung hindi ka mahulog sa mapupungay na mata na nakakalusaw makatitig saka yung ngiti niya na parang wala ka ng bukas! Kaya pala hindi ko magets kapag pinapakinggan ko yung name niya kapag may misa. Ang astig naman kasi ng Kenshin! Napakaunique! Hanep!


Kanina pa ko naiilang sa kanya sana naman hindi niya nahahalata. Alam niyo naman na sana kung bakit hindi ko sinasabi sa inyo kung sino yung crush ko. IT'S COMPLICATED diba?? Hahahaha! Katulad nga ng sabi ko, kapag tumibok ang mga puso natin, wala na tayo magagawa. Saka hindi natin alam kung sino at kailan yan titibok. Hindi niyo rin ako masisisi sa nangyayari sakin ngayon. Malay ko ba na sa isang Pari ito titibok?


Anyway, tapos ko na siyang interviewhin. Sa wakas makakahinga na rin ako! Yes!


"Gail okay ka lang ba?" I love the way he pronounced my name. Lutang nanaman pala ako. Shil ang landi.

"Ah okay lang po ako Father. Sige po mauna na po ako baka naaabala ko na kayo masyado." Kung alam mo lang Father, hmmm. Nevermind.

"Okay lang. Welcome ka palagi." Hulaan ko ngingiti yan. Putek, ngumiti nga. T_T

"Sige po. Maraming salamat po Fr. Nico. Alis na po ako." Pagpapaalam ko.

"Walang anuman. Ingat ka. God bless!"


Ngumiti na lang ako saka tuluyan nang umalis. Ito na yata ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Pero syempre joke lang yun. Baka isa sa pinakamasaya.

Marami akong nalaman na rebelasyon ngayon at buti na lang hindi nakasama si Jamilah dahil nagkamoment ako hahaha! Thanks to her. Sa sobrang saya ko, gusto kong itreat ang sarili ko. Saan ba pwedeng kumain?


Naglibot-libot ako kahit mag-isa. Masaya ako eh bakit ba? Try niyo rin minsan. Masaya talaga, promise. Ito ang patunay sa statement na "I love myself."


Sa pagiikot ko, hindi ko namalayan na gabi na pala. 7:23 to be exact kaya dali-dali akong umuwi. Baka wala na kong uwiang bahay pag nagkataon.

"Hi Ma! Sorry late na nakauwi." Agad kong pagpapaliwanag kay Inay.

"Sus! Akala ko hindi ka na uuwi eh Kumain ka na ba?" Malumanay na sagot niya sa akin.

"Yes po. Sige Mami punta na ko sa kwarto ko."

"Okay" Simple niyang sagot.


Kaya mahal na mahal ko Mami ko eh hahahahaha! Hindi ko alam kung paano niya kami pinalaki kasi nagtataka ako na hindi siya ganun kastrict sa amin pero alam namin ang dapat at hindi namin dapat gawin. Kabisado na namin ang rules niya at sinusunod namin yun kung ayaw naming makatikim ng isang malupet na ewan hahaha!

Pagulong-gulong lang ako sa kama ko kasi kinikilig talaga ako sa nangyari sakin ngayong araw. Hindi maalis sa isip ko yung mga ngiti niya. Halimaw talaga. Sana araw-araw Sunday para kahit papano, nakikita ko siya ng madalas. Yun lang kasi ang alam ko sa schedule niya eh. Saka wala na ko balak alamin, ano ako stalker? Big No. Hahahaha!

Pinipilit kong matulog pero hindi ko kaya. Pano naman sa tuwing pipikit ako, nakikita ko ang maamo niyang mukha. Nakakaasar na nga eh. Patulugin mo naman na ko may pasok pa ko bukas! Waaahhhh! T_T

****

5 votes po para sa next chap?

Salamat po sa mga nagbabasa. :)


My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon