Annica's POVFor the nth time tumingin ulit ako sa relo ko. 6:40am palang packing tape! 6:30 ako dumating, 10 minutes palang akong nag hihintay pero feeling ko 1 hour na! Well ganun talaga ang pusong umiibig.
Anyway 5 minutes na lang at darating na sa wakas ang pinakahihintay kong—
"DAY AFTER TOMORROW AHHH!" napatakip talaga ako ng tenga sa narinig ko. Parang nakakita lang ng ipis si Ate kung makasigaw.
Muli akong tumingin sa gate, mas lalong dumami ang tao kesa kanina. Buti na lang napagdesisyunan kong dito na lang sa room at wag ng makipagsisiksikan dun. Nasa 3rd floor naman kami kaya kitang kita ko parin sila.
Tumingin ulit ako sa relo ko, 6:45am at saktong pumasok sa gate si—
"AHHH ZEKE!"
"ZEKE PA HUG!"
"PA-KISS!"
"PA-CHENESS BEBEZEKE!"
Ezekiel Williams, ang half American half Filipinong drummer ng sikat na sikat na day after tomorrow. Ang official band ng school naming Silva west Institute. Ayon sa Silva Student Body Poll si Zeke ang nangunguna sa kagwapuhan at sa dami ng fans. A man of a few words, ni hindi ko pa nga nakikitang ngumiti man lang o mag salita.
Pero di na ako magtataka. Gwapo naman talaga si Zeke eh.
"MICAH AKO NAMAN GIRLFRIEND MO PLESSS"
"NO! MICAH AKO NA LANG!"
"MICAH ISANG KISS LANG!"
Micah or Micael Ramirez, ang pumangatlo naman sa survey, pinaka easy-to-get sa totoo lang. Hindi ko na mabilang kung gaano karami ng babae ang dumaan dyan. Once a week lang akong bumisita sa cafeteria pero mind you! Iba iba ang nakikita kong babae nya. Micah is pure Filipino. Walang halo ang dugo, meaning maganda ang genes at combination ng parents nya, swerteng bata sana all.
Sya naman ang Guitarist ng Day after tomorrow.
"ADRIAN! ADRIAN! ADRIAN!"
"AHH ADRIAN BA'T ANG GWAPO MO!!"
Napatayo ako sa kinauupuan ko, naninikip ang dibdib ko at di ko na maitsura ang mukha ko sa saya. Obvious naman siguro, kung sa isang kpop group may isang member kang gustong-gusto, pinagpapantasyahan at hinahanap sa lahat ng music video nila o yung tinawag nilang bias. Well ako rin meron
And that is Adrian Jung.
Ang bassist ng Day after tomorrow, sya din ang vocalist nila, although lahat sila kumakanta pero madalas sya. Sya ang pangalawa sa Poll pero unang-una naman sa puso ko gorl. Friendly sya, at marami na ring nalink sa kanya pero wala pa ni-isang naging girlfriend nya talaga, which is good for me! Malay natin ako mauna.
4 years ko na rin syang gusto. kakatransfer ko lang nun at mula noon lagi ko na syang sinusundan ng tingin. Isa rin ako sa invisible member ng club nila. Member pero di active. Proud to be #SaMakalawaForever
Nawala ang atensyon ko kay Adrian Baby ng biglang humina ang sigawan. At hindi nga ako nagkamali. Si Andrea, ang keyboardist ng Day after tomorrow at nag iisang babae. Di naman ako galit sa kanya, well ewan ko sa ibang fans ng Day after tomorrow.
Medyo ilang ako sa kanya at syempre nahuhurt. Sino ba namang hindi kung nakakasama nya yung crush mo. Or sige aminin ko nalang din na bitter ako.
Anyway, ang dami kong alam sa kanila noh? Tulad nga ng sinabi ko "ganoon talaga ang pusong umiibig".
"HOY!!—"
"Ay plaka!" sigaw ko na agad sinuklian ng sama ng tingin ni Faye
"Sabi ko sayo eh, mukha kang palaka" asar ni Dayle
BINABASA MO ANG
Campus Heartthrob
Teen FictionSi Adrian Jung ang number 1 Campus Heartthrob sa Silva West High. Gwapo? Check! Gentleman? Check! Mabait? Check! Athletic? Check! Bassist ng Banda? Check! Rumored Playboy daw? Uh-Check?!Mayroon pa bang hindi papangarapin ang isang Adrian Jung? Kung...