"Class, last reminder half day tayo sa monday"
"yes sir"
"bye class..maglinis na yung mga naka-assign"
"yes sir...goodbye sir"
umalis na rin si sir....naglinis na yung mga on duty,kasama na rin dun sina faye at dayle...so solo flight ang drama ko ngayon. Mabilis akong nag ayos ng mga gamit.
"Annica . . " naka ngiti kong nilingon ang gwapong boses na tumawag sa akin.
" Uy, Adrian bakit?" kunyari shock si Mars
"May kasabay ka na bang umuwi?" parang tumigil ang mundo sa tanong nya. Hindi lang ang mundo ko pati ang heartbeat ko.
Sa likod ni Adrian kitang-kita kong napatigil si Faye at Dayle sa ginagawa nila at napatingin sa akin. Actually hindi lang sila pati ang ibang nasa room pa.
Saglit kong dinama ang dibdib ko, ng naramdaman kong tumitibok pa naman ang puso ako, pumikit ako at nag pa salama sa Dios sa lahat ng biyaya nya.
"uhh, ayos ka lang?" nag aalalang tanong ni Adrian.
"Ayos lang tinginan ko lang kung may heartbeat pa ba ako" natatawa kumunot ang noo nya "Anyway, wala akong kasabay, mag isa lang akong uuwi, actually kung hindi mo naitatanong mag isa nalang din ako, as in single ganoon" nakakahiya kong dugtong.
Tumawa si Adrian, alam kong nakakahiya ako pero kung mga ngiti nya naman ang kapalit, aba! Sige lang! Come at me! Ipahiya nyo ko!
"Pwede ba akong sumabay sayo?" may pa kamot pa sya ng braso at umiwas ng tingin.
BAKIT ANG POGI? At bakit parang nahihiya ka? Wag ka mahiya, mahal naman kita!
"Pwedeng pwede! Gusto mo kahit sabay pa tayong tumanda eh . . ." syempre hindi ko sinabi yan. Tama na ang ilang kahihiyan. Bukas ulit.
"Sige, sabay na tayo. Aayusin ko lang ang gamit ko"
"Okay. Hihintayin kita sa labas " sabi nya at nakangiting umalis. Nung sure na akong nakalabas na sya ng pinto ay nag simula na akong mag tatatalon.
"Eto na! Eto na ba yun Lord?" at tumili pa ako habang natalon.
"Hoy bruha,nababaliw ka na naman, bilisan mo na baka iwan ka panun" sabay tapik nya sa braso ko.
"Oh my god!" Sigaw ko ulit at pinaypayan ang sarili ko " Dayle!" tawag sa kanya na nag bubura sa blackboard. Nilingon nya ako.
"Paki tignan nga baka naapakan mo buhok ko" natatawa nalang syang nag roll eyes sa akin.
Mabilisan kong inayos ang gamit ko at tumakbo sa may pintuan bago nag paalam ulit sa kanila.
"Paalam mga walang love life! Mauuna na ang mag kaka love life!"
Masaya akong naglakad hanggang makarating sa may gate kung saan parang model na sandal si Adrian habang may kinakalikot sa phone. Napansin nya atang papalapit na ako kaya hinarap nya ako at kumaway.
Masaya ako ng nag simula na kaming sabay mag lakad pero habang tumatagal ay nagiging kabado na ako. Halos Limang minute na kaming naglalakad pero hindi sya nag sasalita. Walang nag sasalita sa aming dalawa.
What Is this Awkwardness?
"Nagka boyfriend ka na?" biglang tanong nya sa akin na ikinagulat ko. Wala man lang pasintabi, diretso ganoon nalang?
Pero alam ko na ang mga linyahan na yan.
"Hindi pa " pero baka ikaw ang mauna
" Sa ganda mong yan?"
![](https://img.wattpad.com/cover/445271-288-k271790.jpg)
BINABASA MO ANG
Campus Heartthrob
Teen FictionSi Adrian Jung ang number 1 Campus Heartthrob sa Silva West High. Gwapo? Check! Gentleman? Check! Mabait? Check! Athletic? Check! Bassist ng Banda? Check! Rumored Playboy daw? Uh-Check?!Mayroon pa bang hindi papangarapin ang isang Adrian Jung? Kung...