A/N: Maaaaaan From 689 words to 1420. I think I deserve some love. So ahead check out my other stories. Pleaaaseee? Eto po ang Title:
The Billionaires Blind Date
Queen.
6:00am palang. Maagang-maaga pa pero nasa school na ako. Bakit? Kailangan pa bang imemorize iyan? Inspired ako. May kaklase akong mga pogi at crush ko pa! Ako na talaga ang bida. Walang lugar ang late comers' para sa pusong umiibig.
Pumunta na ako sa classroom. Maliban sa akin, si Neil at naomi palang yung nasa classroom. Mga tropa din natin yan. Hello fellow classmates na madaming time at maaga gumising.
"Goodmorning!" Bati ko kay neil na seatmate ko na ngayon. Tumango lang sya sakin at patuloy na nag basa ng libro. Sorry sa istorbo kaibigan.
Tahimik nalang akong naupo at nag hintay ng tamang oras. Mukha naman kasing ayaw akong kausapin nitong si Neil. Siguro bukas mag 6:30 nalang ulit ako. Para akong mababaliw sa sobrang katahimikan eh.
Ng nag check ako ng time at nakitang 6:40 na, tumayo ako at dumayo na naman sa upuan ni Dayle. Malapit sa bintana ang upuan ko kasi nasa banda ko kasi nakaharang yung puno kaya puro dahon at minsan salagubang ang view ko.
Mayamaya ay dumating na nga ang mga gwapong nilalang na binayayaan ng lahat. Sabay-sabay silang pumasok. Nag tatawanan sila na para bang may joke na pinag uusapan. Grabe, pare-pareho lang naman kami ng Grade pero bakit parang ibang level sila. It's like there's some kind of wall between the 4 of them at sa aming mga normal na students lang.
Sorry normal lang kami ha.
Pero saludo din ako sa kanila at sabay-sabay talaga silang napasok at eksaktong oras. Ano yon may hintayang nagaganap? Pasali naman dyan mga labs.
Patuloy ang sunod ko ng tingin sa kanila habang nakapangalumbaba, nangangarap na kapiling sila char.
Bakit kaya ang gwapo ni Adrian? Gusto ko sanang makausap ang magulang nya may ilan lang akong katanungan. May tao talagang lahat bagay sa kanya. Pati hairstyle nya ang ganda, pero mas bet ko ang hairstyle ni Zeke. Ang tanong ako ba bet ng hair nya? Syempre hindi.
Basta bet ako ni Adrian okay na. Patuloy lang ang pag sunod ko ng tingin sa kanya dahil iyon lang naman ang kaya ko. Napansin ko na may parang hinahanap sya dahil palinga-linga sya sa kung saan-saang side. Kung saan-saan pa kasi tumitingin eh nandito lang naman ako.
I was busy admiring his facial features with my dreamy and in love look ng bigla syang tumingin sa akin.
Kahit anong side talaga ang gwapo nya, lalo ngayong nakatingin sya sakin. Wala sa sarili kong nag finger heart ng marealize ko kung anong tumakbo sa isip ko.
Sinabi ko bang ang gwapo nya lalo pag nakatingin sa akin? NAKATINGIN SA AKIN?
Mariin kong pinikit ang mata ko at dinilat ulit nakita ko pa syang natawa bago bumalik ang tingin sa akin. Nag salute sya at finger heart din bago umalis.
Sa hiya at kilig ko umubob nalang ako sa lamesa ni Dayle.
Buong araw akong lutang dahil sa nangyari. Hindi ko na nga naisip na kaklase ko si Adrian dahil masyado akong busy mag pantasya.Nakakahiya man na nahuli nya akong pinagpapantasyahan sya at may pa finger heart pa, wala akong pake! Paniguradong ngayon alam na nun na crush ko pero wala pa rin akong pake. Maganda ng alam nya pero sana naman next time yung cool side yung makita nya sa akin.

BINABASA MO ANG
Campus Heartthrob
Teen FictionSi Adrian Jung ang number 1 Campus Heartthrob sa Silva West High. Gwapo? Check! Gentleman? Check! Mabait? Check! Athletic? Check! Bassist ng Banda? Check! Rumored Playboy daw? Uh-Check?!Mayroon pa bang hindi papangarapin ang isang Adrian Jung? Kung...