Annica's POV
"Ang Daya nyo!bat di nyo ako sinama??" reklamo ko sa dalawa kong kaibigan.
Ah hindi, mga traydor pala. Ang dalawang traydor na nag punta sa tambayan na hindi man lang ako sinama.
"next time na lang ann" alu ni Faye sa akin " Emergency kasi yun at alam kong hindi ka naman pwede sa biglaang lakad."
Hindi ko sya pinansin, naka simangot akong naka tingin sa ibang lugar.
"treat ko"
"okay upo na tayo" sinong traydor?Wala akong kaibigang traydor.
" Uy Ann, pakopya naman ng assignment mo sa physics " ani faye na hindi ko masyadong narinig dahil sa tilian sa labas, mukhang nandyan na ang Day after tomorrow.
Hindi muna ako sisilay dahil quota pa ako sa moments namin ni Adrian last time.
"wait,hanapin ko lang" hinanap ko sa bag ko ang assignment ko na wala pala doon
"Shit, naiwan ko sa locker.....puntahan ko muna" sadinami-dami ng pwedeng iwan eh.
Bago ko pa mabuksan ang Locker ko ay nakita ko na si Dayle. Mukhang na late sya ng pasok ah
"Goodmorning Dayle!" Bati ko.
"ahh,annica, goodmorning"
"ngayon ka lang?"
"oo...anung hinahanap mo?"
"yung assignment ko...naiwan nasa paper kasi ehh" pinag kukuha ko ang mga gamit ko doon para mahanap ang pape ng may biglang nahulog na papel.
"for you" basa ko
"its a letter" naka tingin na din si Dayle sa hawak ko
"para kanino?sayo o sakin?"
"malamang sayo,sa locker mo ng galing ehh"
Naka tingin kami ni Dayle. Isa ba itong secret admirer? Maraming salamat sa feelings nya pero loyal ako sa isa.
"dear suzy" basa naming pareho ni Dayle. " Aba puta, sino kaya itong hayop na to "mura ko. Hindi ko talaga gustong tinawatag ako sa second name ko.
Narinig ko ang hagikhik ni Dayle sa tabi ko.
"basahin mo,100% mawawala galit mo"
dear suzy
It's me adrian, sorry for calling you suzy,i kind of like that name
Hala, gusto ko din naman ang Suzy na pangalan, ewan ko ba kung anong nakain ko ngayong umaga.
sorry kung boring yung napag-usapan nating nung friday,para naman makabawi ako,sabay ulit tayong umuwi mamaya ok?....bawal tumanggi ahh,sa backgate kita hihintayin,baka kasi ma chismis ka,kasalanan ko pa
from:adrian
Bigla akong tumawa mag isa na ikinagulat ni Dayle.
"are you ok?bakit mo inuuntog yung ulo mo sa locker?" napatigil ako sa ginagawa ko sa sinabi ni Dayle. Hindi na napansin ang ginagawa ko.
"ha?wala to,makati lang yung ulo ko,hehehe"
Hinatak ko sya at masaya kaming pumunta ng Classroom. Hanggang recess time ay masayang masaya ako.
"Gusto ko lang ipaalam sa inyo na hindi ako sasabay kasi Ihahatid ako ni Adrian mamayang uwian" nakangiti kong sabi kay faye.

BINABASA MO ANG
Campus Heartthrob
Teen FictionSi Adrian Jung ang number 1 Campus Heartthrob sa Silva West High. Gwapo? Check! Gentleman? Check! Mabait? Check! Athletic? Check! Bassist ng Banda? Check! Rumored Playboy daw? Uh-Check?!Mayroon pa bang hindi papangarapin ang isang Adrian Jung? Kung...