Annica's POV
Hello big old tree, kamusta naman ang buhay mo dyan? Nag eenjoy ka ba? Kasi ako Oo eh, super nag eenjoy ako sa buhay ko. Alam mo ba kahapon sinabihan ako ni Adrian na energetic and lively?Si Adrian! Ang pinaka gwapo sa buong school na ito. Energetic at Lively daw ako, eh paano pa kaya kung kami na?
Hahagikhik n asana ako ng biglang may librong lumagapak sa lamesa ko.
"Hoy!nababaliw ka na naman! May patawa-tawa ka pang mag isa dyan " isang simangot ang binigay ko kay Faye.
Palibhasa walang love life ito eh, ang mas masaklap? Walang crush man lang! Imagine the horror, kakatamad pumasok pag ganun.
"Tara nagugutom na ako" biglang yaya naman ni Dayle sa amin.
Sinamahan ko sila kahit wala naman akong bibilhin doon. Lagi kasi akong may baong lunch, mahal ako ng mama ko eh tapos darating din ng panahon na mamahalin din ako ni Adrian hihi.
Dahil mabuti akong kaibigan, sinamahan ko sila hanggang sa pila para bumili.
"Ang sarap naman ng pa lunch ng canteen ngayon" puri ko sa dalang pagkain nilang dalawa.
"Saan tayo uupo?wala ng space" ani Faye habang iniikot ang paningin sa buong paligid.
Ganoon din ang ginawa ko. Mukhang wala ngang upuan.
"Bumalik nalang siguro tay—"
"Annica!" naputol ang sasabihin ko ng may tumawag sa akin. Luminga ako sa paligid para hanapin.
"Annica! Over here!" naka ngiti kong hanap ang tumawag sa akin pero napawi din ang ngiti ko noong nakita kong si Adrian iyon.
Nandoon sya sa table nila at naka ngiting kumakaway sa akin. Sa saya ko excited ko ding kinaway kamay ko.
"Dito na kayo sa amin!" Sigaw nya na halos marinig ng buong canteen.
Halos sabay-sabay na nag lingunan ang mga students sa amin na nasa loob. Syempre sa pogi ni Adrian, hindi lang naman ako ang may gusto sa kanya.
"May silbi din pala ang pa love life mo" natatawang sabi ni Faye, at nag simula ng mag lakad, sumunod naman kami ni Dayle.
"Wag ako ang tignan nyo hindi ako ang tinawag" saway ni Faye sa masasama ang tingin sa kanya.
"Aba, ngayon ka na lang ata ulit nang imbita ng ibang tao para umupo dito narinig ko galing kay Michael ng makalapit kami. Naniningkit ang tingin kay Adrian na para bang nang aasar
Tumawa si Adrian "Wala kasi silang maupuan eh"
Gwapo na mabait pa tapos talented pa. Sino kaya ang mga magulang nito ng mapasalamatan ko man lang?Thank you mama at papa . . . ni Adrian syempre
Umupo na kami sa, kahit naman crush ko si Adrian at medyo makapal ang mukha ko, madalas lang akong ganoon sa mga kaibigan ko. Kaya habang kumakain inobserbahan ko muna sila.
Si michael lang ang dakdak ng dakdak kung anung pinag sasabi nya kay dayle. Si dayle naman dedma to the highest level wala naman paki yan sa lovelife nya. Si adrian naman sakto lang...si zeke?
Tahimik, hindi nag sasalita at nakikinig lang ng music. Ganyan ba talaga sya?O baka naman nahihiya lang sya mag salita?
tinitigan ko sya. Magsasalita kaya sya pag kinausap ko? Baka na o-op lang sya.Sige na nga kausapin ko na. Binuka ko ang biig ko para mag salita pero naunahan nya ako.
"Dont bother "
Kumunot ang noo ko sa kanya. Mahina at malinaw ang pagkakasabi pero parang guni-guni ko lang dahil wala man lang dumaang emotion sa mukha nya.
BINABASA MO ANG
Campus Heartthrob
Teen FictionSi Adrian Jung ang number 1 Campus Heartthrob sa Silva West High. Gwapo? Check! Gentleman? Check! Mabait? Check! Athletic? Check! Bassist ng Banda? Check! Rumored Playboy daw? Uh-Check?!Mayroon pa bang hindi papangarapin ang isang Adrian Jung? Kung...