Dear Hayley (not her real name)I used to have a crush on you back in highschool. Third year highschool ako at first year highschool ka. First time kitang nakita sa training ng taekwondo. Dahil taekwondo player din ako noong mga panahong di pa ako busy ay natanong kita sa teammates ko. New member ka pala sa team kaso di kita naabutan. Alam mo bang bumalik ako sa training ng one month at umasa ako na maabutan kita doon? Una kong napansin yung eyebrows mo tapos yung eyes mo.
Lumipas ang one year, hindi man lang kita naka-close. Fourth year highschool na ako at second year highschool ka, this will be my last chance to make a move kaso torpe ako. I dont know how to approach you, nakaka intimidate ka. Highschool loser pa naman ako. Inggit na inggit ako everytime na may mga classmates akong nakakausap ka at nakakatuwaan mo pa.
I was elected as the fourth year president. Kasama ako sa mga nag duduty every morning para sumita ng mga late. Ang aga aga palang, around 6am ay lumilibot na kami ng mga officers sa school. Alam kong hindi ka pa pumapasok ng ganoong oras. After flag ceremony, naka bantay kami sa may gate para maningil ng penalty sa mga late. Nagpa-assign ako sa second year highschool, hoping for a chance na ikaw ang masingil ko at ma-approach ko. Sa one year na yon, I never had the chance to see you there in the line. Minsan, nag chcheck din ako sa room nyo pag naghahanap kami ng violators para lang makita ka.
Pagka graduate ko, hindi man lang ako nagkaroon ng chance... na makausap ka kahit minsan lang. I went to college and met people. Nagkaroon ako ng new crushes at nawala ka din sa isipan ko. Nagka girlfriends ako.
Second year college, nakwento ka sakin ng classmates ko. Nakita ka daw nila and you still look beautiful daw. One day, hinatid ko si baby brother sa school kung saan ako lumaki noong elem at highschool at kung saan kita nakilala. Sa tabi ng faculty room ng teachers ay nakita ulit kta. After two years, ang ganda mo pa rin talaga! Kahit naka PE uniform ka lang. Fourth year highschool ka na nun eh. Nag apir pa kayo nung highschool friend ko na si Pepsi. Inggit ako, grabe! Bakit ako, walanh apir??
December, nakita ulit kita sa tambayan namin nung highschool kami. Andoon ka, kumakain ng siomai. Nag aabot ka ng chair kaso inignore kita dahil bigla akong natorpe at nahiya. Baka kasi mamula ako noon.
Kakatapos lang ng breakup namin ng last girlfriend ko noon. Tapos umasenso nanaman ang crush life ko. February, prom night nyo. Pepsi and I decided to come pero di namin alam ang dahilan kung bakit kami pupunta. Maybe because I was really meant to go there to stalk you. Pepsi and I got more excited noong napagusapan namin na hanapin ka sa prom night nyo.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at bumili ako ng rose. Barya barya pa ang pera ko nun. Good thing Pepsi brought a blue pen. Blue daw pala favorite color mo, sakto! I wrote a note; "Nilipad ko ang lupa, Nilangoy ko ang hangin... makita ka lang. -TinolangBalot (PQ2013)"
Pepsi clutched an arm of a senior student who happened to be your classmate. Inutusan namin syang iabot sayo yung rose. Pepsi and I freaked out noong lumabas ka sa venue at hinanap kami. To me, parang isang adventure at crazy experience lang na gawin ko yon. Dahil siguro I was terribly bored in life, I was looking for something fun to do. Masaya ako kahit papaano dahil nga crush na crush kita.
A week after, Pepsi and I went back to our tambayan. May classes kayo noon. Balak namin tumambay sa likod ng school para ma-stalk ka. Kaso tinamad kaming umalis doon sa certain cafe. 5minutes later, you appeared in the picture. Bigla kaming nanahimik ni Pepsi. Sobrang kinilig ako noon at nakita ulit kita ng ganoon kalapit.
You were so close, yet so far!
You were with another girl. How I wish that was me. How I wish, close tayo. Kahit friends lang. I want to know how it feels like to hang out with you, sit with you and talk to you. Paalis na kami noon... Kinalabit ka ni Pepsi. For the first time in forever, nag "hi" ako sayo kahit naawkward ka sakin.
Kahit minsan ba, napansin mo ako noong schoolmates pa tayo? Kahit minsan lang ba, nagkaroon ka ng interest na maging kaibigan ako? Kung nakita mo man ako, umabot ba ng 5seconds yung tingin mo? Do you even know my name? Kahit nickname lang?
Love,
the invisible.