[Azalea Belle Gonzales' POV]
"Kailan mo pa naka-text yang si Steve?" Tanong ko kay Arisha habang siya naman e busy na nakikipag text, sigurado kay Steve.
"I don't really remember when, siguro nasa two weeks na." Ngiti ngiti pa niyang sabi sa'kin yan. Two weeks? Sandali pa lang yun ah. Tinignan ko naman si Erhia na tahimik lang sa may tabi ko, nakatulala siya at mukhang nakikinig lang din sa usapan namin ni Arisha. Halata naman kasi yung isang 'to. Ayaw pa umamin e gusto naman niya si Steve, pabebe kasi naunahan tuloy.
Ilang sandali lang ay dumating na yung sundo ni Arisha, yung dad niya. Ibinaba ng dad ni Arisha yung car window at binati ako habang nakangiti, binati ko rin siya ng good evening pabalik. Niyaya kami ng dad niya na sumabay na at ihahatid na lang din kami sa bahay pero tinanggihan ko na dahil na text ko na si manong na sunduin kami.
"Sige mga hija mauna na kami ah. Mag ingat kayo." Nag paalam na sila ni Arisha at ganun din ako. 'Tong si Erhia kasi hindi nagsasalita at pangiti ngiti lang din nung kinakausap siya ng daddy ni Arisha. Hay nako.
"Huy, ano ng nangyari sayo? Uso magsalita walang bayad." Winave ko pa yung kamay ko sa harap ng mukha niya pero tinignan niya lang ako at sumimangot. Aba, himala at nakita kong ganto siya ngayon.
"Ano ba kasi yun Erhia? Ganyan ka na lang ba?" Pero wala pa ring response galing sakaniya.
"H'wag mong sabihing nagseselos ka kaya ka nagkakaganyan?" Dahil sa sinabi ko napalingon siya sa akin ng nakakunot ang noo.
"Hindi ah! Anong nagseselos? Bakit naman ako magseselos? Wala namang namamagitan sa amin nung unggoy na yun!" Oh sumobra naman ata to sa pag sagot sa'kin, defensive ah.
"Oo na lang. Bahala ka diyan." Hinayaan ko na lang siya manahimik, okay na rin yun ng maranasan ko namang tahimik siya. Kaso nakakapanibago, hindi naman siya ganito e, pag mga ganitong scenario ang ingay ingay niya, madalas nambubwisit o kaya nagkukwento ng kung ano ano. Pero ngayon, heto siya tahimik lang at nakatingin sa malayo, mukhang malalim din ang iniisip niya. Sa sobrang nakakabinging katahimikan, bigla ring pumasok sa isip ko si Calvin, yung mga ngiti niya kanina nung kasama niya si Zaniel, at kung paano nagbago yung mood niya nung ako na ang kausap niya. Hindi ko alam pero parang may tumusok sa dibdib ko nung naalala ko 'yun. Siguro nga nagseselos talaga ako, mali, talagang nagseselos pala ako.
Maya maya lang ay dumating na si manong, sumakay na ko ng kotse pero napansin kong di pa umaandar yung kotse, tinignan ko si manong at tinanong kung bakit di pa niya pinapaandar yung kotse. Tinuro naman niya si Erhia sa may labas na nakaupo sa may bench at umiiyak. Lumabas ako ng kotse at pinuntahan siya.
"Erhia ano ka ba." Tinignan ko siya pero umiiyak lang siya, hindi yung iyak na parang bata, hindi yung iyak na may tunog, pero yung iyak niya tahimik lang e. Ni hindi mo mapapansin na umiiyak siya, tumutulo lang yung mga luha niya. Tumabi ako sakaniya at niyakap siya ng mahigpit, ano ba yan pati ako naiiyak na din! 'To kasing babaeng 'to e, hinahawaan pa ko. Lalo lang siyang naiyak sa ginawa ko, naramdaman ko kasi nanginginig yung mga balikat niya. Ngayon ko lang talaga siya nakitang umiyak ng ganito, at ngayon lang kami nagkaroon ng moment na gan'to.
"Ang drama mo naman ate Abby e." Sabi niya sa'kin at humiwalay sa yakap ko tapos pinunasan niya yung mga luha niya.
"Ako pa talaga ang ma drama ah, ikaw nga 'tong nakatulala pa kanina e. Sabunutan kita e." Natawa naman siya sa sinabi ko. "Kadiri ka may sipon ka pa oh!" Sabi ko sakaniya pero ang totoo e wala talaga.
"Hala weh?" Dali dali niyang pinunasan yung ilong niya gamit ng kamay niya.
"Ew, kadiri 'to kamay mo pa talaga ginamit mo. H'wag kang hahawak sa akin ah kadiri ka may virus na." Asar ko sakaniya, sinimangutan naman niya ko, hindi na yung malungkot, yung mismong Erhia talaga.
BINABASA MO ANG
The Game Called Love ✔️
Teen FictionI thought I was the king, but turns out to be that I am just a pawn.