#22: ღ Weird ღ

445 9 0
                                    

[Azalea Belle Gonzales' POV]

"What did you just call me?" Tanong ko sa lalakeng kaharap ko ngayon na hindi ko pa rin alam kung saan lupalop nanggaling.

He placed his hands inside his pocket and half smiled "I called you Lea.."

3% loading

"Wait, naguguluhan ako. How's this supposed to happened? You can't, you're not supposed to be..."

"To be?"

I looked at him, yung mata niya, yung hugis ng mukha niya, yung mga ngiti niya, siyang siya talaga!

"You're not supposed to be here. You can't be real." I finally said the words. This was just a dream right?

"I am real, I'm right here infront of you." Malumanay niyang sabi sa akin. I pinch myself, kunwari di ako nasaktan pero nasaktan ako ah. So this is real?

53% loading

"Can we talk? Right now?" Sabi ko sakaniya

"That's what I'm up to. Would be nice." sabi niya habang nakapamulsa pa rin, pati pagsasalita siyang siya talaga! Can somebody slap me in the face? Hindi pa rin ako makasigurado na totoo talaga to.

"Ahm, sandali ah mag-c-cr muna ako." Sabi ko sakaniya pero hinawakan niya yung wrist ko.

"You'll come back, right?" He asked. Nginitian ko lang siya bilang tugon na 'oo babalik pa ko.' Then he let go of my hand.

I hurriedly go to the comfort room, kailangan ko iumpog ang sarili ko sa pader para magising kung nananaginip man ako.

Nang makarating na ko sa CR, dali dali ko itong ni-lock. Sakto walang tao, kailangan kong mapag-isa sa oras na to. I faced the mirror at nag inhale exhale pa at sabay sampal sa sarili.

"Aray ang sakit!" Sinampal ko kasi yung left cheek ko, namumula na tuloy. Teka nga bakit hindi ako magising? Imposible talaga na magkatotoo yun eh.. Baka nakatulog ako habang kumakain mg DQ? Tapos nasubsob mukha ko sa kinakain kong icecream? Oh no! Kailangan ko na talaga magising. Sinampal ko ulit yung sarili ko pero sa kanan na para magpantay naman yung pamumula. At doon ako nagising sa katotohanan.

87% Loading.

Lumabas na ko ng CR at bumalik kung saan ko siya huling iniwan. Nakaupo na siya sa may bench sa tabi ng fountain, may fountain kasi sa loob ng mall eh.

"Hey.." I said to him, napansin naman niya ko at nginitian ako. Nakatayo lang akong nakatingin sakaniya hanggang sa magsalita siya.

"Lea, is there anything wrong? You look pale, and you should sit." Sabi niya sakin kaya napaupo ako bigla sa tabi niya. Munshunga siguro ako nun nung nakatayo ako sa harapan niya habang pinagmamasdan siya.

"Are you sick? Your cheeks are red." Ay oo nga pala sinampal ko sarili ko sa CR kanina, sa puti kong to eh talagang mamumula yung pisngi ko. Buti nga walang bakat ng kamay eh.

"Ah, no I'm okay. Talagang ganyan yan, rosy cheeks lang" tas nginitian ko siya ng pilit. He pinch my nose.

94% loading

That's what he always do to me, pinching my nose whenever I did something cute sa paningin niya. Ano bang cute sa ginawa ko? O baka ako yung cute?

"Ahm, ano pala yung sasabihin mo?" Tanong ko sakaniya, pero di ako makaharap ng maayos sakaniya, naiilang ako sobra.

"I just wanted to talk about what happened nine years ago." And then he looked at me straight in the eye, natutunaw nanaman ako, nawawala ako sa sarili ko.

The Game Called Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon