#34: ღ Talk ღ

244 12 1
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


AZALEA


Nagising ako bigla sa ingay ng alarm clock ko, oo nga pala nag alarm ako. Tinignan ko yung orasan at nakita kong 9 o'clock na ng gabi.

Himala hindi ako ginising nila mommy.


Tumayo ako sa kama at dahan dahang tumayo, kinuha ko naman 'yung saklay ko para makalakad ako ng maayos.

Paglabas ko ng kwarto, walang tao, tahimik lang.

"Adrianne? Mommy?"

Pero walang sumasagot maski isa. Tinignan ko yung kwarto ni Adrianne at nakita kong tulog na silang dalawa ni Clarissa.


Paano ako makakababa nito? Ang taas pa naman ng hagdanan namin.

Nakakadalawang hakbang pa lang ako, masakit na yung paa ko. Baka mahulog ako nito, natatakot ako.


"Abby? What are you doing? Baka mahulog ka!"

Umakyat naman si Clave para alalayan ako.


Pinasan naman niya ko tapos siya na rin nagdala ng saklay ko. Kung gusto ko pa rin siya siguro kinikilig ako ngayon. Pero hindi naman na kasi siya e.

"Thank you." Sabi ko sakanya at nginitian siya.

"Wala yun buti na lang napadaan ako dito"

Nginitian ko siya

"Uh, Clave? So what brings you here? Gabi na ah."

Napaiwas naman siya ng tingin sa akin nung tanungin ko 'yun

"Ah, gusto lang kitang kumustahin" Nag aalangan pa niyang sagot. Bakit parang may something?

"Okay lang ako wag ka ng mag alala" nginitian ko siya at inalok na kumain. Hindi pa kasi ako nagdidinner e.


Sinamahan naman niya ko mag dinner, as in sinamahan talaga. Ako lang yung kumakain, pinapanood niya lang ako kumain kasi busog daw siya.

"Abby, gusto kong mag sorry dahil sa di kita sinabihan noon na aalis ako"

Napatingin naman ako sakanya dahil sa mga sinabi niya.

"Ano ka ba Clave wala na yun, tsaka matagal na rin yun, okay na ko. Naka move on na ko sayo no." Pabiro kong sabi sakanya, napangiti naman siya sa sinabi ko, ilang sandal lang nagtawanan na kaming dalawa.

"So sineryoso mo talaga yung kasal natin noon?"

Nginitian ko naman siya dahil sa mga naalala ko. Seryosong seryoso talaga ako nun, akala ko kasi siya na talaga yung prince charming ko.

The Game Called Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon