#33: ღ His Side ღ

249 11 4
                                    


CALEB


"Saan ka pupunta Vince?" -Tanong ni Zaniel sa akin. Ilang buwan na kasi ako pabalik balik sakanila dahil mag isa lang siya, nag out of town kasi yung step mom niya.

Oo, hindi niya yung totoong ina. Step mom lang niya.

Inayos ko yung mga gamit sa bag ko at tinignan si Gen sandali.


"Sa tabi tabi lang, 'wag ka na lalabas ng bahay niyo ah. Delikado na baka mamaya may mangyari pang masama sa'yo."

Nang palabas na 'ko ng pinto, hinawakan niya yung braso ko at parang pinipigilan pa 'ko umalis.


"Si Abby ba yung pupuntahan mo?"

Napatingin ako sa ibaba dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kung isagot. Gusto ko sanang sabihin na oo, kaso walang lumalabas sa mga bibig ko.

Unti unti naman niya kong binitawan at umupo na lang sa sofa nila.


"S-sige mag ingat ka Vince ah. Tawagan mo rin ako mamaya pag nakauwi ka na."

"Sige" malamig na sagot ko. Nakita ko namang lumungkot yung ekspresyon ng mukha niya, gusto ko sanang bawiin 'yun pero hindi naman siguro makakasama sa kondisyon niya 'yun.


Habang naglalakad ako papunta sa kotse ko, tila ba nagtatalo yung isip at puso ko.

Sumakay ako sa kotse at nag drive lang, pupuntahan ko si Abby. Kahit pa ipagtabuyan niya ko ng paulit ulit, pupuntahan ko pa rin siya. Kasalanan ko naman e, choice ko na piliin si Zaniel.


Mahal ko si Azalea.


Simula pa lang nung una mahal ko na siya, nung nakita ko siya nung mga bata kami, takot na takot siya umakyat sa stage. Kaya hinila ko siya palabas ng restaurant at dinala sa may ilalim ng puno. Nandoon lang kami nakatambay.

Kinukwentuhan niya ko sa mga bagay bagay, pati nga yung iniyakan niyang palabas kinuwento niya saakin.

Nag thank you rin siya dahil sa pagligtas ko daw sakaniya.

Ako daw yung hero niya.


Pero matapos ang araw na yun, sabi ni mommy na mag-mi-migrate na kami sa states dahil may bagong business na pinatayo doon. Wala naman akong magawa, bata pa ko nun eh.

Pero pinangako ko sa sarili ko na babalikan ko siya.

Doon ko rin nakilala si Samuel at Clave.


Nine years ago...


Sa bagong school na pinapasukan ko, may isang grupo ng mga lalake na kinikilala doon. Pinangungunahan naman yun ng lalakeng nangangalang Samuel.

Sa hindi ko inaakala, nilapitan ako ng isang lalake at nagpakilala na siya daw si Samuel.


"Hey, mind to join our group?" -Yan agad ang bungad niya, hindi ko maipagkakaila na maangas siya at mukhang may pagka mayabang.

"Okay."

"Samuel, The First" -Kumunot naman yung noo ko sa pagpapakilala niya.

"Caleb, what's with the first?"

The Game Called Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon