Azalea
It's dinner time! My favorite part of the meal, dito kasi kami lagi nagkakasabay sabay kumain. Well, except dad, out of town siya para sa business namin. I miss him na.
At heto kami ngayon, sabay sabay kakain. Si Erhia nandito pa rin, wala bang balak umuwi to? Pinagtabuyan na ba siya nila tito't tita?
"Erhia, wala ka bang bahay?" Bulong ko sakaniya habang kumukuha siya ng kanin.
"Huh? Meron bakit?"
"Yun naman pala eh, bat nandito ka pa? Umuwi ka na. Nakikikain ka lang eh." Then kinuha ko yung chicken na nilagay niya sa plato niya at nilagay sa plato ko.
"Wah! Couz naman e. Bat mo kinuha? Eh gusto ko pa mag-stay dito e." Then kinuha niya ulit pabalik yung chicken sa plato ko. Patay gutom! Instead na makipag-kulitan o asaran pa ko sakaniya, kumuha na lang ako ng panibagong chicken at inirapan siya. So childish.
Wait, I want garlic soup! Kaso, nasa tapat ni Calvin. Ayokong kunin! Brrr. pero yung garlic soup! Nag-c-crave na ko. Paano ba naman sa isang row, si Adrianne, ako at si Erhia tapos sa kabila ay sila mommy, tita Lane, Caleb at Clarissa
Hindi ko abot yung soup, kung ipapaabot ko kay Clarissa, hindi rin niya mai-aabot sa akin. Maliit pa kamay niya, baby pa siya. At kung kay Calvin naman, ayoko! Antipatikong yan. Pero ayoko rin namang ako ang kukuha, prinsesa ako, manigas kayo!
"Um, Calvin pwede bang paki-abot ng soup diyan sa tabi mo?" Kung kinakailangang nice ako edi nice ako sakaniya, pasalamat siya nandito sila mommy at tita Lane. Anghel muna ako.
"May kamay ka naman diba?" Kaso, sabi ko nga. Buko sa napaka-antipatiko ng lalakeng 'to eh saksakan din ng bwiset at!!! Lahat na ng masamang salita.
"Caleb!" sabat ni tita Lane kay Caleb. Ayan sige, pagalitan mo tita!
"Napaka-ungentleman." Pabulong kong sabi. Pero syempre ginaya ko yung style niya na rinig na rinig ng lahat.
"Tsss." Yan lang ang tangi niyang sinabi. Nevermind, ako na lang kukuha ng soup. Sige na, hindi na muna ako prinsesa ngayon, anghel ako. Magpapakabanal muna ako.
Akmang kukunin ko na yung soup ng bigla akong kilitiin ni Adrianne sa may tagiliran ko.
"Ahh!" Hala, natapon yung soup. Nanlaki bigla yung mata ni Adrianne at Erhia sa mga nangyari, at ako? Natatawa. Pfft, karma strikes!
"What the! Nananadya ka ba!?" Sigaw ni Caleb sa akin. What now?
"Hindi ko sinadya, hindi naman ako bastos katulad mo." sagot ko sakaniya, hindi na pwede yung ginaganun ganun ako, minsan nga lang ako sigawan ni mama at papa e, pag tinatawag lang ako pag kakain na. Samantalang siya kung makasigaw kala mo may nagawa akong krimen e.
BINABASA MO ANG
The Game Called Love ✔️
Novela JuvenilI thought I was the king, but turns out to be that I am just a pawn.